Kabanata 26

25 16 0
                                    

Kabanata 26: His

Space.

Iyan ang hiniling ko kay Zara. I may sound pathetic o ang babaw kong tao para humingi ng ganito sa isang kaibigan but who can blame me? Sino ba ang gusto pagsinungalingan at maloko? I put all my trust in them. Nagpaubaya ako dahil sa pagkakaalam ko iyon ang tamang gagawin. Nasaktan ako pero sinantabi ko iyon para sa kasiyahan ng aking kaibigan at sa taong gusto ko then just to find out all of them are just lies. Hindi naman pala totoong gusto ni Zara si Andrew. Hindi ko alam kung san ako mas maiinis, sa nasayang na pagkakataon o sa katangahan na nagawa?

Napa-iling na lamang ako. I should've known better.

"Unnie!" Bungad sa akin ni Chandria pagpasok ko sa aming bahay. "Uhm, 'di ba foundation day ninyo? Pwede ba bumisita?"

"Oo, bakit? Wala ba kayong pasok bukas?" Lumapit ako sa kanila sa may dinning.

"Uhm, wala. Half day lang kasi may meeting ang mga teachers. Ayaw ko naman umuwi ng maaga kasi boring."

Nilingon ko si Christian, tumango siya sa akin.

"Totoo, noona. Kung tutuusin wala na rin kami talaga gagawin after."

"E, kung ganoon pala. Sige. Okay na rin iyon para masilip ninyo magiging school ninyo sa susunod..."

Tumili si Chandria at pumalakpak. Napakusot ang kilay ko sa kanya dahil sa kilos niyang excited para bukas. Bakit naman kaya?

"What?" Humagikgik ito. "Gusto ko lang naman masilip kung ano itsura ng foundation day kapag college!"

"Iyon ba talaga?" Pang-aasar ni Chan sa kanya. Pinandiinan ng tingin ni Chad ang kanyang kambal. Tinawanan lamang siya nito.

"Don't tell me maghuhunting ka nanaman ng lalaki?" Humalukipkip ako sa harap niya. "Bumalik ka nanaman sa rati?"

Sa pagkakaalam ko, simula nang nagkaayos sila ni Joshua ay tinigil na niya ang pagkakaroon ng maraming crush. Sabi niya natauhan na siya sa nangyari sa kanila ni Joshua. Feeling nito nakarma siya talaga dahil sa nangyari sa kanilang dalawa. Simula rin noon, wala na ako narinig tungkol sa pagiging sabik niya sa mga gwapo. Ngayon nalang ulit...

"Hindi ha!" Dipensa niya agad. "Di ba may banda sa inyo? Gusto ko iyon panuorin..."

"Hindi ba nabanggit mo sa akin kambs na gusto mo makilala iyong batman na nakilala mo noong halloween party sa school nila noona?" Christian smirked. Tinaasan pa niya ng isang kilay ang kanyang kambal.

"Noon iyon!" Inis na aniya pero nakangiti. "Nagbago na isip ko. Wala na akong paki roon."

"Talaga lang ha!" Natatawang pang-aasar ng kanyang kambal. Hinampas na ni Chad si Chan at natawa nalang din.

Napa-iling ako sa kanila at natawa na rin.

"Impossible rin naman siguro makilala mo siya roon? Nakita mo ba ang mukha?"

"Hindi nga unnie e..." Halata sa boses ni Chandria ang panghihinayang. "Nakatakip kasi mukha. Pero okay lang, napansin ko lang naman siya kasi nakabatman costume siya."

"Nako, kung kilala ko lang iyan tulungan pa sana kita makilala iyon kaso hindi ko rin alam tinutukoy mo. Sa dami ba naman na nakacostume na naroon, ilan pa kaya ang may ganyan costume?"

Nakibit balikat siya sa akin.

"Okay lang, unnie. Wala na rin ako paki roon."

"Nga pala, sama ko si Dea ha?" Singit ni Christian. Sa kanya naman ako ngayon napalingon.

"Hay nako kambs! Gusto mo lang makadate si Dea e!"

"Kaya nga," Nilingon nito ang kanyang kambal at ngumisi. "Inaya ko na talaga siya makipagdate sa akin ang kaso ikaw itong may plano. Hindi naman kita pwede pabayaan nalang doon baka ano pa mangyari sa'yo. Doon nalang kami magdadate."

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon