Kabanata 3

83 26 0
                                    

Kabanata 3: M&M

Nagising ako ng malumay. Hindi ganito ang nangyayari sa akin kadalasan kaya naman nagtaka ako. Kahit na ba may alarm ako tuwing umaga ay nagigising ako bago pa ito tumunog dahil sa ingay ng magkambal. Parang sila mga elephanteng nagwawala kung makababa ng hagdan and it disturbs me everyday lalo na ang pader ng aking kwarto ay dikit sa aming hagdan.

Kaya laging ganoon ang dalawa dahil pareho sila hirap gumising tuwing umaga kaya lagi nalang nalalate sa unang klase. Parang sila naglalaban kung sino ang pinakamatagal bumangon. Kahit anong gawin nila pagtulog ng maaga ay sadya mga deep sleeper sila kaya kahit na ilang beses pa sila magalarm ay hindi sila nagigising.

Noong gradeschool at highschool ako, ako ang nagiging alarm clock nila. Halos itulak ko na sila palaglag sa kanila mga kama para lang bumangon. Minsan ay nagtuturuan pa kung sino ang una kong gigisingin at kung sino ba ang unang maliligo. Ngayon nasa kolehiyo na ako at iba na ang oras ko sa kanila, hindi ko na iyon magawa. Bihira nalang kapag kaparehas ang pasok nila sa pasok ko. Hindi rin naman kami lagi hinahatid ni tita Roan dahil iba rin ang schedule nito sa amin. Ayaw din naman nito na naiispoiled kami sa kanya kaya tinuturuan din niya kami maging independent. Ito rin ang bilin niya pagkatungtong ko ng kolehiyo, hayaan ko matuto rin sila Chandria at Christian gumising sa sarili nila.

Agaran ako bumangon sa aking kama nang may napagtanto ako. Baka hindi nanaman nagising ang mga iyon? Tumayo ako at dumiretso sa kwarto ng kambal. Kapag nakita ko sila nakahilata pa sa kanilang mga kama yari sila sa akin! Pero iyon ang akala ko, nang makarating na ako sa kanilang kwarto ay wala na nakahiga sa kanilang kama at nakatupi na ang mga unan at kumot nila. Napakusot ang kilay ko sa pagtataka pero nawala rin ito nang may marinig ako mga tunog ng kutsara't tinidor sa ibaba. Hindi na ko nagdalawang isip pa at bumaba na para masilip kung ano iyon.

Nakita ko ang kambal na nasa dinning at kumakain ng kanilang breakfast. Napakusot ulit ang aking mga kilay dahil sa pagtataka. Kadalasan ay hindi na sila kumakain ng almusal dito dahil malalate na sila. At ngayon nagkaroon pa sila ng oras para magprepare?

Ningitian lamang ako ni Christian nang makita niya ako. Si Chandria naman ay nanlaki ang mga mata sa gulat.

"Good Morning, noona!" Lalo lumaki ang ngiti ni Christian sa akin.

Hmm... Something's fishy!

"Ang aga ninyo ata magising?" Aniko. Halata ang pagtataka.

Binuka ni Christian ang kanyang bibig upang ata sagutin ang tanong ko pero bigla siya siniko ni Chandria at pinagdiinan ng tingin. Tinikom niya bigla ang kanyang bibig.

"Sshhh... 'Wag ka magulo!" Bulong nito pero narinig ko rin naman. Lalo kumusot ang aking kilay.

"Ano nanaman ba ito Chad?" May inis sa aking boses nang sabihin iyan.

"Wala, unnie." Aniya. Yumuko siya at binalingan ang kanyang kinakain pero agad din tumingala para tignan ulit ako. "Uhm, henge pala akong pera."

"Aanhin mo naman? Baka ipang inom mo lang iyan!"

"Hindi ha!" Dipensa niya agad.

Napa-iling ako. Naniniwala ako sa bawat magkakapatid hindi mawawala ang isang pasaway at sa aming magkakapatid, si Chandria na iyon.

"Promise! May ambagan lang kasi kami, group project." Aniya. Tinitigan ko siya saglit bago ibaling ang tingin ko kay Christian.

"Meron nga, noona." Seryosong niyang sabi. "Sorry to say pero pati ako mang hihingi."

Ang seryosong mukha ni Christian ay agad napalitan ng tawa. Napa-irap ako sa kawalan. I guess, it's true. Hindi ko gaano pinagkakatiwalaan si Chandria pagdating sa pera dahil nalalaman ko na ginagamit lang niya ito pang gala kasama ng kanyang mga kaibigan at minsan pinangiinom kaya naman kapag nanghihingi ito ng pera ay sinisigurado ko muna kay Christian na gagamitin talaga iyon para sa school. Si Christian hindi kaya magsinungaling sa akin when it comes to money. Madali siya makonsensya kaya sa ganoong bagay niya hindi nakakampihan ang kanyang kambal.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon