Kabanata 31

32 15 0
                                    

Kabanata 31: First Time

For a minute, I thought I had it all wrong. Sa sobrang kaba ko sa aking ginawa gusto ko nalang bawiin ang mga nasabi ko sa kanya at ibaba ang tawag pagkatapos ay hindi muna magpaparamdam sa kanya. But then when I heard his voice, I knew how happy he was. Kaya naman nawala agad ang aking pag ka inis at napalitan na rin ng ngiti.

And I can't help to smile the whole midnight. Feeling ko ito na ang pinakamasayang Pasko na napagsaluhan namin kahit na ba wala naman kami ginawa kung hindi ang kumain, magkaroke at maginuman. Ang mga tita ay umiinom ng wine habang kami magpipinsan ay san mig apple ang iniinom.

"Hi Ading!!!" Maligayang bati ko sa aking pinakamalapit na pinsan sa kabilang linya ng videocall.

Masaya siyang kumaway sa amin. Biglang dumungaw sa video si tito Jeff at Ryle, ang bunsong anak ni tita Roan.

"Merry Christmas!" Maligayang bati sa amin ni tito. Binati naman namin siya pabalik.

"Anong mga handa ninyo? At sino-sino kayo dyan?" Tanong ni tita Roan.

Inabot ni Rexel ang kanyang phone sa kanyang mommy para mas magkausap pa sila ni tito. Lumayo naman kami sa phone at nagsiksikan para lang makita kaming lahat sa videocall.

Bumalik muna kami sa mga dati naming pwesto. Si Rexel ay pumunta muna ng bathroom habang si Chandria ay nagsisimula nanaman maglagay ng panibagong kanta sa karaoke. Si tita Mae na kumakain lamang ng chips na nakahain sa center table habang nanunuod lamang sa mga nangyayari. Si wowa na hindi naman nagiinom ngunit nakikihalubiro parin sa amin. Kinakausap niya ngayon si Christian. Si auntie Biancx naman ay bumalik sa paghuhugas ng mga napagkainan at nagayos ng mga ibang natirang pagkain.

Bumalik ang tingin ko sa naguusap na mag-asawa. Lumagok ako ng isang beses sa aking iniinom.

"Naghanda kami mga lutong Pinoy dahil nakakamiss." Natatawang ani tito. "At kami-kami lang din naman andito sa bahay. Boodle Fight ang ginawa namin handaan."

Sumisigaw si tito Jeff sa kabilang linya dahil sa ingay ng mga tugtog ng instrumento sa kanila. Iyan ang libangan nila. Kompleto si tito Jeff sa instrumento kaya naman ito ang nagiging libangan nila kapag may oras o kapag may okasyon.

"Hoy Jeff! Baka naman may mga kasama yang kapatid mo na kung sino-sinong mga babae dyan ha? Nako, sinasabi ko sa'yo iyang si Kim ay hindi ko gusto ang asta lalo na andyan ang mga bata." Sigaw naman ni tita Roan pabalik dahil na rin sa ingay na walang paawat na kakakaraoke ni Chandria.

"Hindi, babe. Kasama lang ng kapatid ko ang girlfriend niya at isa pa, andito unica hija mo. Alam mo naman bantay mo iyan."

"Good. Naninigurado lang... Nga pala, tawagin kita bukas. Usap tayo tungkol sa pagbabalik ko dyan. Baka after New Year..."

Napadungaw ako bigla sa aking phone nang makita umilaw ito. Lumitaw ang mensahe na galing kay Andrew sa aking screen. Agad ko ito binuksan na nakangiti.

Andrew:

What are you doing, now?

Nilapag ko ang bote na iniinom sa center table para makapagreply sa kanya ng maayos.

Ako:

Hmm, karaoke atska inuman. Ka-videocall din sa family ni tita Roan na nasa Singapore. Ikaw ba?

Pansin ko ang pagbalik ni Rexel sa aking tabi dahil sila na ni Christian ang nag-usap ngunit hindi ko na iyon masyado binigyan pansin dahil agad ako nakatanggap ng mensahe mula kay Andrew.

Andrew:

Inuman lang din.

Hindi pa ako nakakareply sa unang text niya ay may panibago na ulit mensahe.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon