Kabanata 27

30 15 0
                                    

Kabanata 27: Fall

"Chandria! Christian!" Sigaw ko. Pumasok ako sa kanilang kwarto at tumayo sa harap ng kanilang kama. "Wake up!"

Tinapik ko ang kanilang mga paa at bahagya na gumalaw si Chandria.

"Wake up! Maggrogrocery tayo!" Niyugyog ko si Chandria sa may paanan niya. "Mauna na maligo isa sa inyo!"

Gumalaw si Chandria. Nag-unat bago humarap sa kanyang kambal at niyugyog ito nang nakapikit.

"Mauna ka na..." Tamad na sabi nito.

"Bato-bato-pik..." Nakapikit na sabi ni Chan.

"Sige..."

Half asleep at bahagyang nakadilat ang kanilang mga mata habang ginagawa nila iyon. Humalukipkip ako sa gitna nila. Nagmamasid sa kung ano man ang kanilang ginagawa.

"Hanggang tatlo..." Ani Chan nang matalo siya.

Still, nakahiga at nakapikit ang mga ito habang ginawa nila iyon. It's like they are dreaming too much na ginagawa nila kung ano man ang napapaginipan. Ayun lang, pinipilit nila dumilat para lamang tignan kung sino ang talo. Sa huli, nanalo si Chandria kaya naman tinulak niya si Christian at natulog muli. Hindi parin bumabangon ang kakambal niya.

"Chandria!"

Nakita ko nagulat siya at napadilat pero agad din nakabawi at pumikit ulit. Niyugyog niya ang kanyang katabi.

"Ikaw ang talo..." Halos pabulong na iyon dahil sa sobrang antok pa niya.

"E... Ikaw nalang una..."

"Dalian ninyo na please!" Tinapik ko ulit ang paa ni Chandria.

Napakamot ito ng ulo at kunot noo siya bumangon sa kama.

"Nakipagbato bato pik pa hindi rin naman pala susundin!" She murmured before grabbing her towel and went out of the room.

"Sumunod ka na!" Alog ko kay Christian bago sundan si Chandria pababa ng hagdan.

"Kailangan natin agahan para unti palang ang tao sa pamilihan..." Paliwanag ko habang nasa likod ako ni Chad at bumababa ng hagdan. Tumango tango lamang ito sa akin.

Alas nuebe na kami nakaalis ng bahay. Nilista ko na ang mga kailangan namin bilhin habang nagaasikaso ang dalawa. Kumain na rin kami ng almusal bago tumulak dahil kung hindi ay baka kung saan pa ako hilahin nang dalawa para kumain. Join forces pa naman sila lagi pagdating sa pagkain. Nagkakasundo talaga magreklamo at pilitin ako kumain kung saan o ano man ang gusto nila kainin.

Limitado lamang ang pera namin kaya naman todo tipid ako para mabuhay kami kada buwan. Simula nang mahospital si nanay ay si Tita Roan na ang tumutulong sa amin mamuhay. Pero dahil naging abala ito dahil sa pagtira nila sa Singapore kaya naman natuto ako maghanap-buhay sa murang edad.

Nagpart time job ako habang nag-aaral ng highschool. Natigil lamang ako nang bumalik dito si Tita Roan. Gusto niya siya na ulit bahala sa mga kailangan namin. Gusto ko na sana ayawan ang offer ni Tita Roan dahil nakakahiya na at isa pa, nagagawa ko naman na buhayin kaming tatlo sa akin paghihirap ngunit hindi ito pumayag. Gusto niya walang nakakaabala sa akin sa pagaaral. Gusto niya na rito muna ako magpokus dahil ito ang importante. Hindi na rin ako nakahindi. Nagkasundo na lamang kami na kapag nakapagtapos na ako at nagtratrabaho na ay titigil na siya sa pagtulong samin.

She gave us allowance per month. Tamang pera lamang iyon para sa aming pang grocery, baon sa eskuwelahan at pang araw-araw na pamumuhay. Syempre, dahil kami lang din naman ang magkakasama... Kami lang din ang nagtutulungan. Minsan, naiisipan magbaon para magkaroon pa kami ng pera pang ipon para sa sarili namin.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon