Kabanata 2

86 26 0
                                    

Kabanata 2: First love

"Ayoko manuod ng volleyball. Wala naman gwapo 'dyan!" Reklamo ni Jojo. Umirap siya sa kawalan at humalukipkip.

"Ako rin, Tinatamad ako manuod." Sang-ayon ko sakanya. Nawalan na ako ng gana manuod ng next game. Tinignan ako ni Zara, umiwas lang ako ng tingin sa kanya.

"Tara! Mall nalang tayo." Aya naman ni Andrei.

Sumang-ayon naman lahat kami. Kaya sa huli, sa mall kami napadpad. Tumambay kami sa isang ice cream parlor. Naka-upo na kami ni Zara at kumakain sa inorder namin ice cream habang sila Jojo at Andrei ay nakapila parin. Binili ko ang aking paborito na Cookies & Cream. Kahit na ba masyado na itong mainstream at nakakasawa sa ibang tao, sa akin hindi siya nakakasawa. It's my all time favorite!

Tinignan ko si Zara habang tuwang-tuwa rin siya kainin ang kanyang ice cream na Rocky Road naman ang flavor. Umismid ako. Natigil siya sa pagkain at napatingin sa akin. I want to ask something.

"Sino nga ulet 'yung lalaki?" Aniko. Kumusot ang kanyang kilay at halatang naguguluhan sa sinabi ko. "I mean, 'yung kanina sa court. 'Yung player na tinutukoy ninyo ni Jojo."

Exacto pagkasabi ko ng Jojo ay dumating na rin ang dalawa. Si Andrei tumabi sa akin habang si Jojo sa tabi ni Zara umupo na kaharap ko.

"Ah, iyon ba?" Bigla siya umiwas ng tingin sa akin. Binalik niya ang kanyang tingin sa kinakain na ice cream. "Siya 'yung matagal ko na kinukwento sa'yo. Simula palang ng klase nagpaparamdam na iyon sa akin. Nagbabalak manligaw pero hindi ko pinapayagan."

Tinigil ko ang pagsubo sa aking ice cream at tinignan ko siya. So, ayun pala ang lalaking tinutukoy niya sa akin? 'Yung lagi niya sa akin nababanggit at kinukwento? Ibig sabihin, si Zara talaga ang tinitignan noong lalaki at ang pagkikitang gilas niya ay para rin kay Zara? How pathetic. Napa-iling ako sa na-isip ko.

"What? Nanliligaw sa'yo iyon?" Gulat na ani Jojo. Sinamangutan niya si Zara. "Bakit hindi mo pagbigyan! Ang gwapo niya kaya!"

"He's not my type." Agaran niyang sagot. Patuloy lang siya sa pagkain ng ice cream at hindi niliingon ang katabi niya.

"Anong inaarte mo, girl?" Iritadong sabi ni Jojo. "C'mon! Ang gwapo nang manliligaw mo at basketball player pa. You should be proud!"

"Gwapo ba talaga?" Tanong ko. Ako naman ang tinignan ng masama ni Jojo na para bang may nasabi akong mali.

"Haler! Tinuro ko kaya sa'yo! Ang gwapo kaya!" Ngumiwi siya sa amin. Sobrang sama ng tingin. "What's wrong with you girls? Kayo na nga dyan dinadaan ng gwapo lalaki, aarte ninyo pa. It's a blessing! Titigan ninyo!"

"Malay ko ba," Natatawa kong ani. Nagkipit-balikat ako. "Hindi ko naman ganoon nakita. Baka nakakalimutan mo malabo ang mata ko."

"May salamin ka naman kasi bakit hindi mo gamitin." Umirap ang bakla sa akin. Lalo lamang ako natawa.

It's true. May salamin nga ako kaso bihira ko lang gamitin. Naiinis ako sa tuwing napawisan ako na nakasalamin kasi nagkakapawis lang sa aking ilong at dumudulas ang aking salamin. At dahil lagi naman mainit sa Pilipinas, lagi ako pinagpapawisan. Kaya tinatanggal ko nalang ang aking salamin. Nakakakita parin naman ako pero hindi ko lang mamukahan ang mga tao kapag malayo.

"Ang hassle magsalamin." Bumuktong hininga ako at iyon lamang ang naging reaksyon.

"So, Zara." Pasimuno ni Ace. "Bakit hindi mo tipo iyong si player number 18?"

Napa-irap ako. Hindi papala tapos ang usapang ito. And what's with that player number 18? Bakit masyado nalang interesado ang mga kaibigan ko sa kanila? Binalin ko nalang ang atensyon ko sa ice cream na paubos na. Sinimot ko nalang ito.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon