Kabanata 13

47 22 0
                                    

Kabanata 13: Stuck

Pagkatapos namin kumain doon ni Andrew naglibot pa kami sa ibang booth. Merong isang horror booth na hawak ng College of Arts and Science department. Ito ay pinangungunahan ng mga estudyante sa Masscom, Psych, at English. They're all creative in doing this. Lahat ay hand made lamang pati sa paggamit ng mga costume o kagamitan para panakot nila.

Mula sa labas ay may isang malaking bahay na sa tingin ko'y gawa sa mga boxes, kahoy at kung ano pang matibay na kagamitan para maging hunted house na ginawa nila. Natatakpan lamang ng mga dyaryo ang buong bahay at 'tska nalagyan ng iba't ibang disenyo katulad ng mga nakakalat na pulang spot doon na mukhang mga dugo.

Meron pa nakasulat sa taas na "Wanted" at sa gilid nito na "Scared people are not allowed" at sa iba pang paligid ng hunted house na kung anu-ano ang nakasulat. Meron mga "Die" at "Kill". Ang sa tingin ko ay mga spray paint color ang gamit nila panulat dito.

Hindi naman ganoon kalaki ang hunted house na ito kaya hindi ko alam kung paano nila ito napaluwag sa loob para manakot ng mga tao. Pero mabisa naman dahil sa labas naririnig na ang mga sigaw, dabog at ano pang ingay na pang takot. Mukhang mabisa ang ginagawa nila dahil may mga sumisigaw na tao.

"You want?"

Nilingon ko si Andrew. Nasa tapat kami ng hunted house. Bago makapasok sa loob may nakaharang na stand dito. May table at dalawang tao na sa tingin ko'y mga Masscomm student na taga bantay ng booth nila. Isang babae at isang bakla.

"Uy! Sige pogi, try ninyo na!" Usisa ng bakla. Nilahad niya sa amin ang isang glass bowl na may mga lamang pera sa loob. Ngumiti siya sa amin. "Twenty five pesos."

Twenty five pesos is not bad lalo na alam ko pinaghirapan nila ito. Well, lahat ng booth ay kailangan maka-ipon ng pera. Bukod pa sa rasong maaliw ang mga tao sa bawat booth, ginawa rin itong challenge ng Student Council para makapagipon ng pera at makapagdonate ang school namin sa charity. So I guess all the expenses and hardwork will be all worth it.

I admit, matatakutin akong tao pero hindi naman ako kill joy sa mga ganitong bagay. I even like it kapag nachachallenge ako sa mga horror house or hindi naman sa mga buhis buhay na rides.

Tinignan ko si Andrew, telling him that if he likes to go then okay lang din sa akin and I guess he got me. Tumango siya at kukuha na ng pera. Sa gitna ng kanyang ginagawa ay nagambala ako at nairita ng bahagya sa babaeng tumili. Mahina lamang iyon at patago pero rinig ko dahil nasa gilid ko lang naman siya. Ito iyong kasama ng bakla nagbantay ng booth nila.

Tumitig ako sa babaeng tumili. I think kabatch lang namin ito. Nakapalumbaba siya sa lamesa habang nakatitig kay Andrew at malaki ang ngisi. Kumunot ang noo ko. I know that kind of treatment.

Aabot na sana ni Andrew ang isang daan niya sa bakla pero hinawakan ko ang kanyang kamay kaya natigilan siya. Nilingon niya ako.

"Nagbago na isip ko, ayoko na pala." Not with that girl na mukhang nagpapapansin na sakanya.

"What?!" See. At iyong babae pa ang may lakas na loob na magreact. How dare her?! "Sayang naman po, ate?"

Nilingon niya ako, nakakusot ang kilay at mukhang nainis sa inasta ko. Kung hindi ba naman obvious....

"Wag na, baka mawala kami sa loob." Rason ko.

"Huh? May pathway naman po sa loob..." Ani ng baklang estudyante. "May susundan lang po kayong daan so hindi naman po iyon magiging problema."

"Pwede ko naman kayo iguide..." Singit noong babae.

Lalo ako nairita sa sinabi niya kaya kumusot na rin ang kilay ko. Tinitigan ko siya.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon