Kabanata 18

43 19 0
                                    

Kabanata 18: Never

Biyernes Santo. Iyan ang binungad sa akin ni Chandria paggising ko. Aniya mukha ako pinagbagsakan ng langit at lupa sa sobrang tamlay. Ayaw ko man siya pansinin pero hindi ko magawa. It bothers me how she can act like the same Chandria again where in fact last night she's still broken? Nakamove on na siya agad?

"C'mon, unnie! Ang aga-aga nakasimangot." Tumawa ito. "Tignan mo oh, nagluto si kambs ng Bacon!"

Kumuha siya ng isang Bacon at masaya niya itong kinain. I'm still confused. Alin sa dalawa ang panaginip? Itong ngayon o noong isang gabi?

Napalingon ako kay Christian na lumabas galing sa kusina at may dalang kawali. Nilagay niya ang iba pang mga nilutong Bacon sa plato na nakahain sa gitna ng lamesa. They are wearing their school uniforms already at naka-apron lamang si Christian.

"Parang hindi na broken kambal mo ha?"

Kumuha ako ng kutsarita sa lalagyan namin ng mga utensils na nasa gilid ng lamesa. May nakalagay na tasa sa aking pwesto at mga pang timpla para sa pang umagang inumin na nakalagay sa gitna ng lamesa kasama ang malaking termos. Nagsimula na ako magtimpla ng aking kape habang si Chandria sa aking harap ay uminom sa kanyang tasa. Siguro Milo iyon.

Himala rin na maaga sila nagising ngayon?

"Hindi ko alam kung sa pagluto ko ba ng Bacon kaya iyan natutuwa ngayon..." Ani Christian. Nawala ulit siya para ibalik ang ginamit na kawali sa kusina at bumalik sa amin para sabayan na kami kumain.

Nagkibit balikat si Chandria habang pa-upo si Christian sa kanyang tabi.

"Dapat kasi tinutulog nalang ang problema. Kinabukasan it's another day to be happy. Kapag tinutulog ko ang problema, nakakalimutan ko na siya paggising ko."

How I wish ganoon iyon kadali! Kung sana lahat ng tao ay nagagawa iyon kaso hindi dahil ang iba kahit hanggang sa paggising nila ang problema na agad ang unang naiisip.

At para naman ngayon araw na ito, parang ako nauulila kakaisip na hanggang ngayon wala parin siya mensahe para sa akin. Hanggang ngayon wala parin siya.

Sinusubukan ko alisin ang aking mga iniisip habang papunta sa school. Hindi ko kaya makita nila na malungkot ako dahil hindi ko sila sasagutin kung ano ang dahilan at ayaw kong kulitin nila ako. Plus, if ever na andito na si Andrew... I don't want to show him that I'm so affected here.

Pero kahit ano ata gawin kong pagtago ay hindi ko parin mapigilan ilabas ang tunay kong nararamdaman lalo na nang pagpasok ko ng gate, nakita ko si Andrew naka-upo sa bench noong huli kami nagkasama.

Tumayo siya nang matanaw ako at sa sobrang excited ay napatakbo na ko palapit sa kanya at yakapin siya. I didn't know if he hugged me back pero naramdaman ko ang paghawak niya sa akin. It was soft and gentle. I heard him chuckled.

"Miss me, huh?"

"Kelan ka pa umuwi?" Hindi ko maitago ang saya sa aking boses.

"Kahapon pa..." His voice was low at mahina lang ang pagkasabi niya nito.

Natigilan ako. Nawala ang ngiti sa aking labi at parang nanghina na napabitaw sa yakap niya. Hinarap ko siya. His face is poker. No expression at all. Parang pinagmamasdan lamang niya ako. Kumusot ang aking kilay.

"Kahapon pa? Bakit hindi ka nagmessage!" Hinampas ko siya sa dibdib. "I hate you!"

"I wanted to surprise you pero nakita nanaman kita sumakay sa kotse na iyon. It's like Dejá vú..." Bahagya siya yumuko para mahuli ang aking mga mata. "I hate you more..."

Pabulong iyon. Sobrang hina ng kanyang boses sa huling sinabi na para bang ayaw niya marinig ko iyon. Nanlaki ang aking mga mata. Ayaw ko man ipakita sa kanya na I feel guilty about it pero damn! He saw it?!

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon