Kabanata 39

9 1 0
                                    


Kabanata 39: Tiwala

"Anjel!" Sigaw ko.

Papasok na sana siya sa sasakyan pero huminto nang marinig ang tawag ko. Humarap siya sa akin at nanlaki ang mga mata nang matanaw ako. Luminga-linga siya sa paligid na para bang may hinahanap. Napa-iling ako. Swerte niya at hindi ko kasama si Andrew!

"What are you doing here?" Mabilisan niyang tanong sa akin nang tuluyan ko na siya maharap.

"Ako dapat ang magtanong niyan!" Hind ko na mapigilan ang galit sa aking sarili. Gosh, I hate her! "Anong ginagawa mo rito? Impossibleng si Andrew ang pinunta mo dahil paalis ka na wala pang lumalabas na Andrew galing sa school!"

"Oh, bakit? Si Andrew lang ba ang pwede ko kitain dito?"

Nawala na ang takot sa kanyang mukha. She smiled at me. Parang lalo lang kumulo ang dugo ko sa ginawa niya. Bumibilis ang paghinga ko dahil sa inis.

"Kung ganoon, sino? Si Kimbert ba?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

Nilabanan din niya ako sa pagtaas din ng isa niyang kilay. "Oh, kilala mo pala si Kimbert?"

Umigting ang aking panga. I'm starting to think na may kinalaman siya kung paano nalaman ni Kimbert ang aking numero. Iyong pangungulit niya sa akin sa text pero hindi ako masagot sa tuwing tinatanong ko kung kanino niya nalaman numero ko. Ang pagngisi at tawa niya nang madatnan kami ni Andrew na nag-aaway. Ang paghuli ko na inaabutan ni Anjel si Kimbert ng pera. There's no doubt.

"Kung ano man ang binabalak mo, stop this!"

"What? Isusumbong mo na ba ako kay Andrew? Matatakot na ba ako?"

"Oh, please!" Umirap ako. "Hindi mo magugustuhan kung si Andrew mismo ang makakahuli sa pinaggagawa mo! Kaya mas mabuti pa habang hindi ko pa sinasabi at hindi ka niya nahuhuli itigil mo na ito!"

"Paano kung ayaw ko?" Ngumisi siya. Ang sarap niya sabunutan! "I've heard Kimbert is one of the playboys in your campus. Tapos magkakilala kayo? Magkalandian din? Habang kayo ni Andrew? Tsk. That's bad."

Umiling-iling siya sa akin na para bang disappointed siya. Umirap ulit ako.

"Hindi naman porket kakilala kalandian na agad. Ni hindi ko nga pinapansin ang tao paano mo masasabi na nilalandi ko nga?"

Tinaasan ko ulit siya ng isang kilay. Siya naman ngayon ang napasimangot.

"Wait 'til bumigay ka rin kay Kimbert at nang mapatunayan ko kay Andrew that he doesn't deserve someone like you!"

"Wait 'til you rot! That's never gonna happen! Loyal ako kay Andrew and I don't need your evil plans to prove it!"

"Let's wait and see. 'Di ba magkaaway kayo ni Andrew ngayon? Tignan natin kung hanggang saan ka aabutin ng loyal mo." She smirked.

Such an evil girl! Paano nga ulit ito naging best friend ni Andrew? Hindi ko maintindihan!

"See you at my debut!" Maarte siya kumaway habang pasakay sa kotse. Sinarado ito ng kasama niyang bodyguard at naiwan lamang ako roon hanggang mawala ang kotse sa aking harap.

Si Andrew! Kailangan ko makipag-ayos sa kanya bago pa kung ano ang gawin ni Anjel at lumala pa ang away namin. Kailangan malaman ni Andrew kung gaano ko siya kamahal at loyal para kung ano man ang gawin ni Anjel ay hindi siya kaagad paniniwalaan ni Andrew. Well, I do hope it will work.

Hinanap ko si Andrew. Una kong pinuntahan ay ang kanilang silid. Sa pagkakaalam ko mamaya pa ang break time nila ngunit nang makarating ako sa kanilang silid ay walang tao. Hindi ko alam kung maaga sila nagdismiss o wala silang professor kaya wala na tao sa kanilang silid. Napabuktong hininga ako. Saan ko na siya hahanapin?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon