Kabanata 29

27 16 0
                                    

Kabanata 29: Sungit

I didn't answered. Hindi naman iyon tanong kaya hindi ko rin kailangan magsalita. Hindi rin alam ang sasabihin. I was really determined to stop him from whatever he wants to do ngunit hindi ko alam kung ano nangyari sa akin na tila ba parang ako nablanko at nahayaan sa gusto niya mangyari.

Ano iyon? To court me.

Yes. Sabi niya handa siya manligaw para makuha ulit ang loob ko. Mukhang wala na rin naman ako magagawa dahil kung aayawan ko siya alam ko hindi siya magpapapigil.

Hinawi ko ang aking buhok at muli pinasahan ng tingin ang buong katawan sa harap ng salamin. Wala naman espesyal ngayon araw na ito ngunit naisipan ko mag-ayos. I still have my usual self. My dreamcatcher necklace that I always wear and also my contact lens. I still wear my own style. For today, nakacrop top ako with sunflowers on it and a bedge pants with black flat shoes.

Napatitig ako sa aking sarili. Ano nagbago? Naisipan ko magplantsa ng buhok kaya naman ang madalas na buhaghag kong buhok ay mukhang maayos ngayon. Wala naman ako paki sa istilo ng aking buhok, hindi rin naman ako masyado nagsusuklay but for today, naisipan ko lamang ito gawin. Maaga rin kasi ako nagising kaya siguro nagkaroon ng oras para sa ganito.

For my make-up, kung dati ay gumagamit ako ng bb cream, powder at lipstick lamang para sa akin mukha... Ngayon ay nadagdagan ito sa pagayos ng aking eyelashes mas nagmukha ito mahaba lalo and liptint for my cheeks and above my nose para magmukha mapula pula ang aking mukha. Ganito ang sikreto ng karamihan para magmukhang tisay. It fits me though, maputi naman kasi ako.

Isa pang huling pasada sa aking kabuan bago tantanan ang salamin. Kinuha ko na ang aking bag at bumaba na ng hagdan. Exacto pagdating ko sa aming sala ay sabay tumayo ang kambal.

"What's taking you so long?" Kusot ang kilay ni Christian habang binabalinan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Feeling guilty kung bakit nga ba ako natagalan.

"Hay nako! Kung hindi ko lang alam na inlove ka, unnie, kanina pa kita sinisigawan!" Inirapan ako ni Chandria habang nakangisi at dinaanan ako para makalabas na sa aming bahay.

Nakayuko ako lumabas ng bahay. Feeling more guilty about it. Napa-iling na lamang ako nang marinig ko sila tumatawa. Nakalimutan ko na araw nanaman para makasabay ko sila sa pag-pasok. Masyado na ata ako naaliw sa pagaayos ng sarili.

Nawala na lamang itong nararamdaman ko nang nahiwalay na ako sa kanila.

Napabuktong hininga ako pumasok ng gate ng school. Nakaramdaman ako ng kaba sa hindi malaman na dahilan. Maybe I still feel guilty about what I did to myself. Baka marami ang makapansin at asarin ako. Napalunok ako sa aking naisip, nagsisi sa ginawa ngunit wala na ako magagawa kung hindi panindigan lamang ito.

Didiretso na sana ang lakad ko sa may field para makapunta sa building namin nang napahinto ako sa paglalakad dahil sa nakita.

It's like dejavu. It feels like I'm dreaming. Kahit kailan ay hindi ko hiniling o pinangarap na mangyari ito ulit. Seeing him on his usual spot while waiting for me every morning. Hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang pagbabalik ng samahan namin.

Okay na sa akin ang makausap siya ulit pero ang makita siyang naka-upo sa bench na dati niyang inuupuan habang hinihintay ako ay nagpadabog ng aking puso.

Ang isa nitong kamay ay nakapatong sa sandalan ng bench at ang isa niyang kamay ay nakapatong sa gilid nito. Nakayuko siya at mukhang may katext pero agad na natigil nang mapansin na may pumasok sa gate. Agad siya bumaling kung nasaan ako.

And just like before, sa tuwing nakita na niya ako papasok na ng gate ay agad siya tatayo para salubungin ako. I can't help it but to stare at him.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon