Kabanata 33

26 14 0
                                    

Kabanata 33: Gusto

"What do you mean by that?" Pagtataka kong sabi. Napaangat na ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko talaga maintindihan ang kanyang punto.

Bahagya lumuwag ang pagkayakap niya sa akin ngunit hindi ako tuluyan pinakawalan. Mukhang wala siyang balak dahil inayos pa niya ako para mayakap ng mabuti.

Ngumuso siya sa akin. Ang kanyang mga mata ay nagsasabi na para bang niloloko ko siya sa mga sinasabi ko. Para bang hindi siya naniniwala na wala akong alam sa sinasabi niya. Kinusot ko ang aking kilay, nagpapahiwatig na wala talaga akong alam. I heard him sighed.

"Simula nang sinubukan mo ako pakawalan, lahat na ata ng dumikit sa'yo pinagseselosan ko na..." Nakatitig lamang siya sa aking mga mata. Seryoso. "Bago palang, Jin, ginagawa mo na ito sa akin. Mas matindi lang nang hindi na kita malapitan..."

Napatunganga ako sa kanya. Mabagal na tumatakbo sa aking isipan ang kanya mga sinabi. Wala akong masabi. I didn't even know he felt that way!

"Tell me, sinasadya mo ba ito?"

"What?" Kumusot ang kilay ko sa kanya. "How will I do that where in fact, I push you away para mapunta ka kay Zara. Tapos pagseselosin kita?"

Napa-iling ako. Can't seem to find the logic there. Narinig ko ang kanyang buktong hininga. Muli ako naalerto at napatitig sa kanyang mata. Hindi parin nagbabago ang kanyang expresyon. Seryoso parin.

"And I thought you did that just to test me..."

"Why will I do that?" Halos matawa ako sa kanyang sinasabi. Umiling ako.

"Akala ko pinaubaya mo ako kay Zara just to test me. Para malaman mo kung may gusto parin ako sa kanya. At akala ko sinasadya mo mapalapit sa mga lalaki para pagselosan ako, para malaman mo kung totoo ba itong nararamdaman ko sa'yo."

"What?" Napa-iling muli ako. "I'm not pathetic just so you know!"

"I just thought..." Suminghap siya. "Do you know how devastated I am when after telling you what I feel for you, you suddenly just push me away... Ang matindi pa, pinaubaya mo ako sa iba."

Ngumuso ako, feeling guilty about it.

"Noong sinabi mo gusto rin ako ni Zara, wala naman ako naramdaman. Naisip pa kita. Naisip ko na sabihin sa'yo mas gusto kita kesa sa kanya but then you pushed me away. Ang bilis mo kumilos hindi kaagad ako nakabawi. The moment you left me with Zara, sinundan agad kita... Just to see you hugging your dear friend."

Nalaglag ang aking panga dahil sa sinabi niya. Sinundan niya ako? Nakita ako kayakap ang kaibigan? Napa-iwas ako ng tingin sa kanya, inaalala ang mga pangyayari na iyon.

"Parang plano mo talaga pakawalan ako dahil ang bilis mo. Alam na agad ang gagawin pagkatapos ako ipaubaya sa kanya."

Kung san-san na ako tumitingin, trying to determine what he's talking about. Dagdag pa ang pagkabog ng aking puso dahil ramdam ko ang pagkadismaya sa kanyang boses.

"Sinubukan kita sundan. Sinubukan ko na pigilan ka. Gustong-gusto ko sabihin sa'yo na ikaw ang gusto ko at hindi siya but then when I looked at you and saw your tears, nanghina ako. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung ano ang unang sasabihin, ang malaman mo ikaw ang gusto ko o malaman na okay ka lang..."

I heard him sighed again.

"Yeah, I know. I'm a jerk for asking you that when it is obvious that you're not. But when I saw you crying, nanghina ako. Parang guguho ang mundo ko makita kang umiiyak..."

"Akala ko si Zara na talaga pinili mo. Akala ko you're asking me if I'm okay dahil kung magiging okay ba sa akin si Zara ang pipiliin mo."

But of course, ako nagpaubaya kaya dapat lang maging okay sa akin.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon