Kabanata 23

38 17 0
                                    

Kabanata 23: Badly

Napayuko ako at nagmamadaling maglakad, natatakot na baka sundan niya ako. I don't really like having interaction with him. Atleast, not now that I'm in my moving on process.

Mabilis ang paghinga ko habang naglalakad. Ayaw ko maabutan niya ako. At siguro dahil sa sobrang pagiging occupied ko sa takot na akin gnararamdaman ngayon ay hindi ko namalayan na may tao na pala akong nasanggi.

Paliko na ako sa may hagdanan nang sumaggi ang aking braso sa dibdib ng kung sino ngunit wala ako paki. Patuloy lamang ako sa paglakad, trying to get out of here like I'm going to be in prison if I will not hurry up. Ngunit hindi pa tuluyan nakakasampa ang paa ko sa hagdan ay may humablot na sa aking braso. Ramdam ko agad ang pagkabilis ng aking puso dahil pakiramdam ko nahuli ako. Pakiramdam ko wala na akong kawala.

Natigilan ako at napakurap ng mata nang mapagtanto kung sino ang nakahuli sa akin. Si Emil!

"Are you okay?" Napakusot ang kanya mga kilay habang hawak ang aking braso at pinamamasdan ako.

Napatayo ako ng tuwid at bumuktong hininga.

"Uhm, I'm fine..." Sabay iwas ng tingin sa kanya. "I-I got to go..."

Palihim ako sumulyap kung saan nakatayo kanina si Andrew para makita kung andoon pa ba siya. Wala nang tao roon. Napansin din ni Emil ang pagmamasid ko kaya naman agad kong inalis ang tingin doon at nagmadali na tumalikod sa kanya para makaalis ngunit wala ata siyang balak na pakawalan ako. Isang hakbang palang ang aking nagagawa sa hagdan ay nahablot na niya ang aking braso at hinarap muli sa kanya.

"I won't go away..."

"Huh?" Lito kong tanong sa kanya. "Saan ka ba pupunta? Una na rin ako, marami pa akong gagawin."

Napabuktong hininga siya, parang nahihirapan na. Napapikit siya ng mariin at pagdilat ay seryoso na nakatitig sa akin. Hindi ako makawala dahil hawak parin niya ang braso ko.

"I won't go away unless I'm satisfy that you truly are okay..."

Napatikhim ako. What? Is it that obvious that I'm not okay? Hindi naman nila alam na may pinagdadaanan ako rito.

"I'm fine..." Tumawa ako, to cover up what I truly feel.

Kinalas ko ang pagkahawak niya sa aking braso. Narinig ko ulit ang malakas niya buktong hininga.

"I'm not leaving..."

Ngumuso ako. Wala akong nagawa kung hindi ang hayaan siya na sundan ako. Tahimik lamang kami habang naglalakad. Nakayuko lamang ako at sa tingin ko hindi ko namamalayan ang pagbuo ng malungkot kong mukha dahil sa aking mga iniisip. Si Emil ay nasa aking likod lamang, nakahalukipkip habang sinusundan ako at pinagmamasdan.

"Hi ate Emma, pwede ko ba kayo picturan ni kuya Emil?" Napatingala ako sa biglang bumungad sa aking harap. Isa itong sa lower year na officer din ng ITSO. "Para may mapasa ako kay kuya Macky. Hehe."

Wala sa sarili ako tumango. Lumingon ako kay Emil at tumabi naman siya sa akin kahit parang wala pa siya alam sa nangyayari. Nang makita niya tinaas ng lower year ang dalang camera ay umayos na ito sa pagkapwesto at tumingin sa camera. Ganoon din ang ginawa ko.

Pagbigyan nalangpara matapos na kaagad.

"Thank you, po!"

Ngumiti na lamang ako sa kanya at naglakad na ulit. Si Emil ay wala ulit imik na sumunod sa akin.

He's like my bodyguard. Nakabuntot lamang sa akin at handa sa kahit ano man tulong ang magagawa niya. I don't know if I should be thankful for it or not. I don't want anyone to know that I'm hurt. That will be the least thing I will express to them.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon