Kabanata 5

79 25 0
                                    

Kabanata 5: Close

"Noona! Let's go!" Sigaw ni Christian galing sa baba.

Huminga ako at pinasadan ulit ng tingin ang buong sarili sa harap ng salamin na nakadikit sa pinto ng aking cabinet. I'm all set. Binalingan ko ang aking bag na nakahilata sa aking kama. Kinuha ko ito at bumaba na ng hagdan.

Habang bumababa, tumunog ang aking phone kaya naman kinuha ko ito sa bulsa ng aking pantalon. My school is not strict with uniforms kaya naman araw-araw kami nakacivillian. Ang tanging naka-uniporme lang sa amin ay iyong mga nasa Highschool. Ang tanging uniporme ng kolehiyo ay iyong school polo t-shirt na kailangan namin suotin tuwing Wednesday at Org. t-shirt na sinusuot namin tuwing may event sa school.

Andrew Martin Fernando: Goodmorning! Ingat sila sa'yo!

Pinigilan ko ilabas ang aking ngiti. Nagtipa ako ng irereply habang patuloy parin sa paglakad. Nasa baba na ako at palabas na ng bahay. Nadaanan ko ang kambal pero nakatuon lamang ang atensyon sa aking phone.

Emma S. Song: Dapat sa sarili mo 'yan sabihin. Mas bagay.

"Kapag ito nauntog sinasabi ko sa'yo, inlove na iyan. Pustahan tayo kambal oh?" Rinig kong bulong ni Chandria kaya naman napalingon ako sa kanila. Hindi ko namalayan na nasa pintuan na pala kami kaya naman nauntog ako sa pinto ng aming bahay.

"Told you." Nilingon niya ang kanyang kambal at ngumisi.

Tumawa si Christian. Sinapot ko ang aking noo dahil malakas din ang aking pagkabunggo. Sinamangutan ko ang dalawa bago tuluyan lumabas ng bahay.

Huwebes na at pare-parehas kami ng oras ng pagpasok kaya naman nagsabay na kaming tatlo. Buti nalang at tinantanan din nila ako. Hindi ko tuloy mailabas ang aking phone para makita kung nagreply na ba si Andrew. Buti nalang din at nauso ang mobile data. Tuloy-tuloy parin kami mag-usap.

Andrew Martin Fernando: Nasa school ka na?

Agaran ako nagreply pagkalagpas ko sa gate ng school.

Emma S. Song: Yep.

Andrew Martin Fernando: Good.

Itatago ko na sana ang aking phone dahil wala na ako mareply pero bigla ulit ito tumunog. Nakita ko may panibago siyang mensahe.

Andrew Martin Fernando: Tama ka nga, dapat sila mag-ingat sa akin. Pinagkaguluhan tuloy ako.

Umiling ako pero napangiti. Dapat ay mainis ako dahil in the first place, ito ang rason kung bakit hindi ko siya natipuan kahit na ba baliw halos lahat ng babae sa school namin. Pero bakit ngayon parang natutuwa ako? He's boastful, in a good way. 'Yung tipong may ipagmamayabang naman na tao at dinadaan sa biro ang pagkayabang.

Hindi ko aakalain 'yung una namin usapan ay magtatagal ng ganito. Ang dami na namin napaguusapan at halos araw-araw kadalasan umaabot pa hanggang madaling araw kami magkachat. May tuwa ako naramdaman sa aking sarili kapag kausap siya.

"Bakla!" Napalingon ako sa aking likod dahil sa sumigaw na iyon. Nakita ko sila Jojo, Andrei at Zara na mukhang kakapasok palang din. Tumakbo agad si Jojo palapit sa akin. "Oh my gulay! Nakasalubong namin si Mr. MVP! Mas gwapo pala siya sa personal? I cannot!"

He cling to my right arm. Nagtatalon talon siya at kitang kita na labis ang kanyang katuwaan dahil sa nangyari. Ang dalawa ay nakasunod lamang sa amin. Buti nagkita-kita na kami dito tutal sila ang makakasama ko ngayon araw sa klase.

"Infairness ah, ang gwapo rin ng mga kaibigan niya!" Tumingin si Jojo sa kawalan at nagmuni-muni na. "Ano kaya feeling kung kaibigan mo rin siya? Ano kaya feeling kung nakakausap mo siya? Mamatay ata ako no'n sa kilig!"

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon