Kabanata 21

40 18 0
                                    

Kabanata 21: Hurt

"Spill it out..."

Napabuktong hininga ako sa sinabi ni Genesis.

Weeks have passed by since the day I let go of Andrew pero feeling ko parang kahapon lang iyon. Eversince that day, feeling ko bumagal ang takbo ng oras hindi dahil sa malungkot ako. There's other reason....

Napagtanto ko na ang mga panahon na kasama ko si Andrew ay masaya ako at para bang ang bilis ng panahon sa tuwing kasama ko siya kaya ang daming nabubuong alaala sa akin ngayon. Kung alam ko lang na may hangganan ang kasiyahan na iyon, sana nilubos ko na.

Hindi ko nalang sana siya inaway. Mas inagahan ko pa sana ang aking pagpasok tuwing umaga para makasama pa siya at hindi lang ihatid ako sa aking klase. Pagdating ng uwian o break time, ginagawa ko sana na ako ang unang lalabas sa aming klase para mas madagdagan ang oras na magkasama kami.

Sana... Sana... Hindi ko nalang hinayaan na bumilis ang oras sa aming dalawa.

Ngayon pakiramdam ko ang bagal ng oras. No, actually I was wrong. Ang takbo ng oras ngayon ay ang normal na takbo talaga. Dahil masaya ako sa tuwing kasama ko si Andrew kaya feeling ko ang bilis ng oras. Ngayon na hindi na kami nagkakasama, parang ngayon ko lamang naramdaman ang normal na takbo ng oras at feeling ko bumabagal ito kahit hindi naman.

It's not because I'm sad but because it suddenly came to my senses what's the real world is. Ito ang tunay na takbo ng oras. Ito ang tunay na takbo ng mundo. At iyon ang hindi siya talaga para sa akin.

"I'm sorry to hear that, Emma..." Malungkot ang boses ni Ally kahit ang kanyang mukha ay hindi maitago ang kalungkutan.

I smiled at her to sure her that I'm fine ngunit hindi nagbago ang kanyang expresyon.

"Tama naman ang ginawa ko, 'di ba?"

Weeks have passed pero ngayon ko palang nasabi sa kanila ang tunay na nangyari sa amin ni Andrew. Simula noong araw na pinaubaya ko siya sa taong para sa kanya ay hindi na ulit kami nagkakasama, even sa chat wala na, hindi na din kami nakakapag usap. At dahil siguro nasanay na rin sila na kami ang laging magkasama, agad sila nagtaka kung bakit nagiisa nalang ulit.

Genesis keeps on whispering to me sa tuwing kasama namin siya. Lagi niya ako kinukulit na magkwento na kila Harlene. But I didn't. Ang bawat tanong ng aking mga kaibigan ay aking iniiwasan na tila ba'y may kasalanan akong nagawa. Alam ko wala naman and it's not like I regretted what happened para hindi iyon sa kanila banggitin. Ang sabi ko magkukwento ako kapag nagka-oras. Hindi na nila ako kinulit.

We've been busy. Dahil sa nalalapit na exams ay dumadami na ulit ang aming mga gawain na kailangan ipasa plus iyong pinagkakaabalahan namin sa organization for the pageant.

It's not actually necessary to be part of it pero pinilit ko may maitulong just so I could entertain myself. Hindi na ako tumulong sa mga photographers dahil maski ako, iniiwasan ko si Zara. It's not because I hate her for what happened pero ang imahe na gumugulo sa aking isipan na tuwing pupunta ako roon ay makikita ko si Andrew na sinusuportahan si Zara sa kanyang ginagawa ay nagpapapisil sa aking puso. Tinuon ko na lamang ang pagtulong sa mga kailangan i-edit na pictures. This is actually my forte. The reason why I choose the I.T course kaya naman kahit papano ay nainganyo ako.

Sa mismong araw ng ginawa ko, nagsabi agad ako kay Genesis. Dahil andoon na rin naman siya and I needed someone who will listen to me kaya nagawa ko magkwento. I burst out all my hurt that day. Iniyak ko lahat. And I'm so thankful na hindi siya agad umuwi noong araw na iyon. He stayed by my side hanggang naging okay na ako. Andoon lamang kami sa may field ng school, having a fresh air while he hugged me as he comforted me.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon