Kabanata 17

65 22 0
                                    

Kabanata 17: Time

It is true when people say time flies when you are happy and it feels like time teases you when you are sad. Gusto mo man bilisan ang mga pangyayari para matapos na ang isang araw at maging kasabik-sabik ang kinabukasan dahil may inaasahan ka pero tadhana ay mapang-asar na kung kailan gusto mo madaliin, ang bagal naman ng takbo ng oras.

Ang totoo kaya bumabagal ang oras kapag tayo ay malungkot because we are less in actions and thinking. Kapag ikaw malungkot, parang ayaw mo nalang gumalaw. Tulala. Ayaw mag-isip. Ayaw kumilos. You'll be stuck. And you'll think time stuck too.

It's the middle of the week and it feels like it's still Halloween. Nobyembre na pero parang sasalubungin ko palang ang araw ng patay. Para bang itong taon na ito ay inalay sa akin para sa buwan na ito. Tutal ang buong Nobyembre ay nakakahalugan sa mga multo, zombie, ano pa nakakatakot at tungkol sa patay. Tugma sa nararamdaman ko ngayon.

I've never felt this way before and I don't want to admit it. Alam ko may iba na talaga ako nararamdaman when it comes to him. It was so fast that I couldn't avoid it. Hindi ko man lang napansin. Bigla nalang pumasok sa sistema ko na para bang hindi ko ito matatanggian at matatanggal pa.

"Hey..."

Napatingala ako and saw Chandria walking towards me. Umupo siya rito sa aking tabi sa may bakuran namin. May bench dito sa tabi ng aming Tree House at lantern lights na nakasabit sa mga sanga ng puno. Minsan lang namin ito binubuksan kapag tumatambay kami sa labas at dahil ito ang nagiging pampalipas oras ko ng ilang gabi na, lagi may liwanag sa labas ng aming bahay.

Bumalik ako sa pagtutulala sa aming gate. It's freezing outside dahil gabi pero baliwala lang iyon sa akin. I'm stuck being like this for hours na hindi ko namamalayan ang oras. There's just so many thoughts in my mind. Thinking of my feelings..... Thinking how much I miss him....

Hindi ko na binalingan si Chandria but I can see her in my peripheral vision. Nakita ko ang pag-indian seat niya sa aking tabi habang may hawak na isang bote ng Smirnoff Mule. Napataas ang aking kilay. Sinulyapan ko siya without turning my head. I didn't know we have one in our refrigerator! Or binili lang niya ito?

Kahit na ba ilang gabi na ako nagmumukmok dahil wala parin siya paramdaman sa akin at kahit na ba ginugulo na ako ng aking isipan, hindi sumagi sa akin ang uminom. Now I'm seeing my sister drinking, parang gusto ko na rin.

Napasinghap ako. She didn't look at me. Ginaya niya ako, nakatingin lamang sa gate na nasa harap namin.

"Where's your brother?" Tuluyan ko na siya nilingon.

"Upstairs, kausap si Dea." Tipid niyang sagot bago uminom sa kanyang inumin.

Napatitig ako sa kanya. Bahagya na napakusot ang aking mga kilay. Now that she's here beside me, drinking... Ngayon ko lang napagtanto ang mga bagay na nangyayari sa aking paligid. Umuwi siya noong Linggo ng gabi kasabay ang pamilya ni Julia. And the moment she entered the house, I know there was something wrong. Walang bakas na pagkatuwa pagpasok niya ng bahay. Wala rin pagkagalak sa kanya and that is something na hindi nawawala kay Chandria kapag galing siya sa kung saan.

She's always excited to tell us stories about her experiences. Kahit ano pa iyon, kahit hindi pa namin siya tanungin kung ano nangyari agad siya magkukwento but for whatever happened to Jesiah's debut, it affected her badly. Noong tinanong namin siya kung ano nangyari sa debut, she just simply said it was okay. Ayun lang, pagkatapos ay hindi na niya binalikan ang usapan na iyon. At kahit na ba ilang araw na ang nakalipas hindi ko parin nalalaman ang tunay na nangyari because of my thoughts. Para akong nabuhusan ng malamig ng tubig nang muli napagtanto na ang kapatid ko ay may problema rin.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon