Kabanata 22

48 18 0
                                    

Kabanata 22: Iwasan

Nagkanya-kanya sila ng gawain para paganahin ang pakiramdam ko but I can't stop on sobbing. Panay lamang ang haplos ni Genesis sa aking likod. Si Harlene at Pia ay sa ulo ako hinahamplos dahil nasa harap ko sila naka-upo. Panay ang sabi nila na okay lang ito. Ang mga senior namin ay patuloy sa pagpapatawa para maging maayos na ako. Ayaw ko maging pabigat sa kanila na lalo na ang maawa sila sa akin kaya I tried my best to calm myself.

Mabigat ako huminga bago pinasadan ang buhok sa aking kamay. Ang mga nagkalat na buhok sa akin mukha ay hinawi ko. Inipit ko iyon sa aking tenga.

Humarap ako sa kanila na may ngiti para makita nila okay na ako. Ngunit hindi pa nagtatagal ay biglang napawi ang ngiti dahil biglang pumunta si Zara sa aming table.

"Emma, can we talk?"

Hindi agad ako kumibo. Hindi dahil galit ako sa kanya pero kakaiyak ko lamang. The pain is still bearable at kung mag-uusap kami baka imbis na mapagaan ang pakiramdan ko ay baka umiyak ulit ako.

"Please?" I can see the loneliness in her eyes. Pinaghalong lungkot at pagsisisi iyon. There's also eagerness in her face na para bang gusto niya talaga ako makausap.

Nilingon ko si Harlene at Pia sa aking harap. I can't think straight and I can't decide kaya I need them. Pia is just looking at me, hindi rin alam ang magiging desisyon, napabuktong hininga na lamang ako. Nang nakita ko ang bahagyang pagtango ni Harlene ay napanguso ako. I know that's the best way to do dahil hindi naman nila hahayaan na kung ano pa ang mangyari sa akin. If this will be the chance para magkaunawaan kami ni Zara at tuluyan magka-ayos kahit na ba walang away na naganap... I should do this.

Tumango ako kay Harlene bago tumayo para bigyan siya ng sinyales na gagawin ko ang nasa isip niya. Pagkatayo ko ay nilingon ko si Zara na nakatingin lamang sa akin, mukhang naghihintay ng kilos o salita na aking gagawin.

I didn't say anything. Tinignan ko lamang siya saglit bago talikuran at naglakad sa may sulok ng cafeteria malapit sa restroom. I know she will follow me kaya hindi na ulit ako lumingon pa.

Diretso lamang ako sa paglalakad. I know some students' eyes are on us. Ang iba siguro ay iisipin na magkasama kami ni Zara dahil magkaibigan kami but I know there are only few of them who knows us as friends. Kung hindi ko sila kasama sa klase kung saan kasama ko si Zara ay iba ang iisipin. At ang isipan na iyon ay panigurado may kinalaman sa kanilang pinakamamahal na MVP.

Pagdating sa may sulok kung saan alam ko hindi kami masyadong kita at tago kami sa mga nagkakagulong estudyante... Nilingon ko na si Zara. She stopped from walking when I face her. Nakita ko siya nagbuktong hininga bago ngumiti sa akin.

I know where this is going kaya inunahan ko na siya.

"If you think that I am mad at you, I'm not." Paninimula ko. Nanlaki ang mga mata ni Zara dahil sa gulat ng aking sinabi. "Hindi ko naman iyon ginawa para magalit sa inyo. Wala rin naman ako karapatan magalit dahil kagagawan ko ito..."

"Pero-"

"I didn't regret everything I did. Oo, inaamin ko nasasaktan ako dahil alam mo naman na gusto ko rin siya pero baliwala naman itong sakit na nararamdaman ko dahil alam ko masaya kayo dalawa na magkasama. And that made me believe that I chose the right choice..."

Ngumiti ako sa kanya para masigurado na kahit nasasaktan ako masaya ako para sa kanila. There's no hard feelings for them na tanging itong nararamdaman ko lamang ang nanakit sa akin at alam ko mawawala rin agad.

"I just cried to let go all the pain..." Sabi ko ng buong lakas at para bang ako ang nakababatang kong kapatid. "After that, I'm all fine. Babalik din ako sa dati in no time..."

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon