Kabanata 25

25 16 0
                                    

Kabanata 25: Betrayal

Hindi kami kaagad nakaalis ni Jojo sa school. Itatakas niya sana ako ngunit dahil sa naging usapan namin ay naging mabagal ang paglabas namin ng campus hanggang sa nakita ako ni kuya Macky at pinabalik sa booth dahil may inutos. Walang nagawa si Jojo kung hindi ang maghintay lamang sa akin. Nang matapos ko ang pinapagawa ni kuya Macky ay agad ko na hinila si Jojo palayo ng booth para wala na akong gawin pa para sa araw na ito.

Buti nalang din at ganoon ang nangyari dahil nagawa ko kumalma habang papunta kami sa bahay ni Zara. Jojo really wanted me to stay calm bago kami magharap ni Zara. Masyado siya nagdahan-dahan na huwag kami magkagulo lalo. I understand what he's doing kaya naman ginagawa ko ang lahat para sundin ang gusto niya mangyari.

Tinignan ko ang buong paligid ng subdivision nila habang naglalakad papunta sa bahay nito. Mukhang ekslusibo ang subdivision dahil lahat ng mga bahay ay malalaki. Mayroon pang club house rito. At lupa lagi ang katabi ng bawat bahay. Kaya naman lalakad pa ng kaunti bago makarating sa bahay na katabi.

Tumigil kami ni Jojo sa isang flesh na bahay. Nasa tatlong palapag ang bahay at may malaking salamin sa gitna nito. Kita roon ang hagdanan. Bago pa kami tuluyan makapasok ay mayroon malaking puting gate. Nagdoorbell si Jojo rito. Maya-maya ay may nagbukas.

"Magandang hapon po, ser..." Bati ng kasambahay nila. Lumingon siya sa akin. "Ma'am..."

Dumiretso sa pagpasok si Jojo kaya sumunod na lamang ako sa kanya. Pagrating namin sa may pintuan ay bumungad na agad si Zara. Malaki ang ngisi nito ng salabungin si Jojo ngunit nang makita ako sa likod ay agad napawi ang kanyang mga ngiti.

"Jojo..." Mahinahon pero nagaalinlahan na sabi ni Zara. Sumulyap siya sa akin bago tinitigan si Jojo sa aking tabi.

Hindi siya nilingon ni Jojo at dumiretso lamang papasok sa bahay ng aming kaibigan habang hinihila ako. Siguro para hindi na rin makatanggi pa si Zara. Wala na rin ito nagawa kung hindi hayaan kami pumasok. Sinundan niya kami hanggang sa kanilang sala.

"I want you two to talk...." Pasimula ni Jojo.

"Jojo..." Umupo si Zara sa tapat na sofa na inuupuan namin. "Kakausapin ko naman si Emma e, ito naman pinangunahan ako..."

Maluwag ang kanilang bahay. May tatlong sofa sa sala. Isang pahaba, itong inuupuan namin ni Jojo na nakapwesto sa tabi ng bintana. Kapag hinawi ang nakaharang na kurtina rito ay makikita na ang bakuran nila Zara. Mayroon pang isahan sofa na naka pwesto sa gilid ng sofa na inuupuan namin at sa harap nito, kung saan naka-upo si Zara ngayon. May parihaba na babasagin na lamesa sa gitna nito. Sa ilalim ay may malaking carpet na sakop ang buong sala nila. Sa harap na lamesa ay ang malaking flat screen nila. May malaking vase sa magkabilang gilid nito na naglalaman ng mga halaman.

"Kailan pa iyon? Kapag malala na ang mga pangyayari?"

Sabay kami bumuktong hininga ni Zara. Nakita ko inirapan niya si Jojo. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin. Yes, I wanted this talk so bad but I don't know how to start it. Dapat ba ako ang magsimula sa usapan na ito? Nahila lamang ako at isa pa, hindi naman ako ang may kailangan ipaliwanag 'di ba?

"Manang!" Sigaw ni Zara. Biglang may lumapit sa kanya isang kasambahay. "Uhm, pasama naman po rito kay Jojo kumuha ng merienda namin..."

Tumango ang kasambahay at nilingon si Jojo, mukhang hinihintay ito sumunod sa kanya ngunit hindi kumibo ang katabi ko. Pinandiinan lamang niya ng tingin si Zara.

"Maguusap na kami ni Emma! At itong usapan na ito ay para sa aming dalawa lamang kaya roon ka muna!"

"Fine! Siguraduhin ninyo lang na pagbalik ko ay magkaayos na kayo ha?" Padabog na tumayo si Jojo. Nang lumapit siya kay manang ay bigla ito kumalma. Ngumiti siya rito. "Tara na po, manang. Ano po ba merienda ngayon?"

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon