Kabanata 16

52 21 0
                                    

Kabanata 16: November

Mga alas otso ng umaga kami nakarating ng La Union. Ang biyaheng walo hanggang siyam na oras mula Manila hanggang Naguilian ay naging tatlo hanggang apat na oras nalang sa amin dahil sa dinaanan namin na shortcut. Ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway ang dinaanan ng driver namin para dire-diretso ang biyahe at makaiwas sa traffic na daan. Si Rexel ang nasa passenger's seat habang si Tita Roan at Chandria nasa unang hilera ng kotse at kami ni Christian ang nasa likod nila.

At dahil parang idlip lang ang ginawa ko sa condo ni Rexel, tulog lamang ako sa biyahe. Hindi ko alam kung ang mga kasama ko ay nakatulog din pero pag-upo pa lamang sa aking pwesto sa likod ng Honda Odyssey ni Rexel at pagsandal ng ulo sa bintana ay napapikit ako agad.

Nagising ako sa kaligitnaan ng aming biyahe nang huminto kami saglit sa isang gasolinahan para magpahinga sandali. Nagising ako dahil nag-aya ang kambal na bumili kami ng pagkain sa convenience store na meron doon habang nagrestroom naman si tita Roan. Si Rexel ay kausap ang driver at parang may inaayos sila sa gulong ng kotse nito. Nang bumiyahe na ulit kami, naging mahimbing ulit ang aking tulog na hindi ko na namalayan ang nangyaring biyahe namin, siguro dahil nakakaramdam parin ako ng pagod mula sa event kagabi. Nagising na lamang ako dahil sa tili na narinig ko.

"OMG!" Rinig kong tili galing sa boses ni Chandria.

Kinusot ko ang aking kilay bago binuka ang mga mata para mabalingan siya. Lumabas siya ng kotse at nagtatalon-talon sa tuwa. Hindi ko alam kung dahil ba andito na kami o may iba pang dahilan.

Kinusot ko ang aking mata bago tuluyan bumangon sa aking pwesto ng pagtulog. Napansin ko si Christian na nasa aking tabi parin at nakangisi pinagmamasdan ang kambal. Binalingan ko siya.

"Ano meron?" Aniko bago napahikab.

"Kapag nagparamdam si crush sa'yo..." Natatawang aniya.

Nagulahan pa ako sa sinabi niya pero agad din naunawaan nang nagpaalam sa akin si Chandria pagpasok namin sa loob ng bahay ng lola namin. Bakas parin ang katuwaan sa mukha niya kahit nasa loob na kami.

"Please, unnie!" Pagmamakaawa niya sa akin. "Kasama ko naman si Julia plus kasama rin mama niya. Payagan mo na ako..."

Napa-irap ako sa kawalan pero nakangiti. Bilib din ako sa kanya. Gagawa talaga siya ng paraan para sa kaligayahan niya. Not only that, she do things with so much effort for the people she loves.

"Baguio is not far from here, 'di ba?" Duktong niya dahil hindi parin ako sumasagot sa gusto niyang mangyari. "It's only for weekend. Gusto rin umuwi agad ng mommy ni Julia dahil alam niya may klase pa kami. I really just want to see Joshua!"

That's the reason. It's not about the debutante. It's the brother of her. Napa-iling ako sa aking kapatid. She pouted siguro dahil akala niya hindi ako papayag. I just want to tease her.

Nalaman ni Chandria na nasa Baguio si Julia ngayon dahil sa debut ni Jesiah na pinsan nito at pangalawa sa magkakapatid ng crush ni Chandria na si Joshua. Bilib din talaga ako sa kapatid kong ito, kahit na ba atat sa mga gwapo at ang daming crush nanatili parin loyal ang puso sa isang lalaki.

I don't know if it's possible nga ba. For all I know, kung mahal mo.... Siya lang dapat 'di ba? Pero iba naman ang crush sa love, then it's an acceptable reason? Na pwede magkacrush ng marami as long as isa lang ang mahal mo? Does it makes any different at all? Crush and love? Pareho ka naman kinikilig dito, pinapatibok ang puso mo. Maybe the level of it is different. Mas matimbang ang love kesa sa crush. And for Chandria, magkaroon man siya ng madaming crush... Iisa lamang ang mahal nito. I think that's the important thing, to love only one person.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon