Kabanata 28

26 15 0
                                    

Kabanata 28: Personally

Busangot ang aking mukha hanggang paguwi namin ng bahay. At ang dami pang sinasabi na kalokohan ng mag kambal pero hindi ko nalang pinapansin. Tahimik lamang ako hanggang sa pagpasok namin ng bahay. Dumiretso ako sa may dinning habang ang dalawa ay nakasunod lamang sa akin. Padabog kong nilapag ang dalang plastic sa lamesa at humalukipkip. Mabilis ang aking paghinga, hindi parin makalimot sa nangyari kanina.

"What's bothering you, anyway?" Napalingon ako kay Christian, bahagya ako kumalma.

Nilapag niya ang dalang plastic sa lamesa habang nakatayo sa aking harap. Ginawa niya iyon nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Tinaas niya ang kanyang isang kilay nang magtama ang aming mga mata.

"Wala!" Agad akong umiwas ng tingin.

Masyado mapanakot ang kanyang mga titig. Kahit na ba ako ang panganay, iba rin talaga kapag may kapatid na lalaki pagdating sa mga ganitong bagay.

"Mukhang wala naman nangyaring masama?" Ani Chandria. Nagtataka na rin sa kinikilos ko. Pumunta siya sa aking harap pagkalapag ng dalang plastic. "He seems happy when he saw you?"

"Hindi naman kasi sa ganoon..."

"E, ano?" Sabay pa nilang sabi.

Napabuktong hininga ako at tumalikod sa kanila. Sinubukan ko sila baliwalain habang nag-aayos ng mga pinamili.

"Kung malala iyan, unnie, 'wag mo nalang nga sabihin baka maghesterical ang kuya natin..."

Tumawa si Chandria habang tinutulungan ako sa pag-aayos ng mga pinamili. Natigilan ako sa paglabas ng mga gamit sa plastic para sulyapan siya. Nakita kong matalim siyang tinignan ni Christian. Nagkibit balikat lamang ito habang tumutawa parin. Umiling ako at pinagpatuloy ang aking ginagawa.

"Don't worry kambs, I love you for being like that! Kahit na ba ang annoying." Humalakhak si Chandria.

"It's not funny..." Seryosong sabi ni Christian.

Lalo tumawa si Chandria dahil sa inasta ng kanyang kapatid. Hinayaan ko sila mag-asaran. Nagpatuloy lamang ako sa pagayos ng mga pinamili. Hangga't maari ayaw ko makita nila ako para hindi na muli mabalin sa akin ang kanilang atensyon at ako ulit ang kulitin nila ngunit kahit anong iwas ko ay sadyang nakakahanap ang dalawa ng paraan para ako ang pagdiskartihan!

Bahagya ko lamang nasanggi si Chandria habang naglalakad papuntang refrigerator para sana ilagay ang mga nabiling frozen. Because of that careless move, napalingon tuloy siya sa akin at parang umaliwalas ang kanyang mukha dahil nakahanap ito ng panibagong pagtritripan which is ako! Argh.

"So, unnie..." Napapikit ako nang marinig ang sinabi niya. Ito na nga ba! "Ano ba talaga ang nangyari?"

"Wala..."

Nagsquat ako para ilagay naman ang mga nabiling vegetables. Si Chandria ay nakatayo sa aking tabi.

"Magkaaway kayo?"

"Hindi..."

"Hindi mo parin siya binabati?"

"No..." Napakusot ang kilay ko.

"Grabe ang tagal na noong sinabi mo hindi kayo nagkakausap sa chat? Don't tell me galit ka sa kanya just because of that?"

"Is not like that..."

"Then what is it?"

"Basta!"

"C'mon, unnie! Tell us what is it?"

"Wala nalang iyon, Chad."

"I don't think so wala lang iyon? Ang babaw na away lang ng hindi pagreply pero unless na importanteng tao ang kausap mo kaya grabe ka makareact at ganyan ka nalang kaapektado?"

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon