Kabanata 30

22 14 0
                                    

Kabanata 30: Greatest

Para sa huling linggo namin sa paaralan bago ang Christmas break ay mas lalo kaming naging busy. Mas lalo nawalan ng oras para gumala. Hindi ko na rin nakakasama ang aking mga kaibigan dahil kadalasan ay puro kagrupo ko sa mga projects ang kasama ko. Minsan, nagagawa namin magsama para lamang sabay sabay namin gawin ang individual project sa isa naming subject.

Dahil din sa kabusyhan, hindi na rin kami gaano nagkakausap ni Andrew, kahit videocall. Late ako lagi nakakapagreply sa mga text niya dahil hindi ko iyon namamalayan dahil sa pagtutok sa laptop. Kadalasan, laging gabi na ako nakakauwi at pagdating sa bahay ay nakakatulog na ako agad dahil sa pagod.

Pero kahit gaano pa kami kabusy, gumagawa parin ng paraan si Andrew maging updated sa akin. Hindi siya nakakalimot na itext ako para ipaalala kung oras na ba para kumain na ako. Minsan, hindi ko na rin namamalayan ang oras o mas gugustuhin ko pa malipasan ng gutom matapos lang ang ginagawa. Ayaw niya ng ganoon kaya naman ipapaalala niya sa aking kung oras na ba ng breakfast, lunch, merienda at dinner. Hindi ko siya narereplyan kapag may reminder na ganoon. Alam naman niya kung gaano ako kabusy pero sa tuwing nagtetext siya ng tanong, doon palang ako nagrereply.

Andrew:

Kumain ka na ba?

Ako:

Yep.

Kahit simpleng reply, ginagawa ko dahil kapag tanong ang kanyang text ay gusto niya may reply agad. Pagkatapos ko magreply, hindi na siya mangungulit dahil alam niya ipagpapatuloy ko na ang aking ginagawa.

Kahit papano, nagagawa niya parin ako ihatid sundo. Sa tuwing nanatili ako sa eskuwelahan para magtapos ng project ay hinihintay niya ako kahit gaano pa ang oras na aking tinatagal lalo na kung gagabihin ako roon, sasabayan niya talaga ako hanggang makauwi ng bahay. At sa tuwing papasok, ganoon parin ang ginagawa niya. Kapag kailangan ko pumasok ng maaga para dagdag oras sa mga aking ginagawa, mas aagahan niya ang pagpasok para lamang masalubong ako sa may gate.

Tumayo agad si Andrew nang makita na papasok ako ng gate at nagtuloy ng lakad palapit sa kanya.

"Sorry, kanina ko pa sila pinapaalis ayaw nila." Napakamot siya ng kanyang ulo. Halata sa kanyang mukha na para bang nahihiya siya dahil sa presensya ng kanyang mga kaibigan.

Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ang mga dapat niya gawin nang sinisingit ako sa kayang schedule. But I appreciate his effort.

"Uh, okay lang naman kahit andyan sila."

Napatingin ako sa mga kaibigan niya at napangiti. Baka kasi kung ano ang isipin nila tungkol sa akin. Lalo't na pagdating sa kung patungkol sa ayaw ko sila kasama o kung ano pa. Hindi naman totoo iyon. Si Andrew ang may ayaw. At ayaw ko man siya husgahan pero mukhang gaano nga ang sasabihin niya sa mga ito para lang hindi ako malapitan.

"Exacto, andito na si Emma." Ani Ashton.

Siya lang ang may malakas ang loob na kausapin ako dahil siya lang naman ang nakilala ko. Ang iba ay ngumingiti lamang sa akin. Pero ang iba sa kanila ay naalala ko ang mga mukha. Naalala ko ang naka-Cyborg at Lex Luthor na costume noon.

"Bakit, anong meron?" Nakakusot ang aking mga kilay nang tinignan si Ashton.

Lumapit si Ashton sa akin at akmang aakbayan ako ngunit hindi na nadapo ang kanyang braso sa aking balikat dahil agad ako nahila. Nakita kong humagalakpak ng tawa si Ashton habang hinaharap ako.

Napatingin ako sa mahigpit na humawak sa akin wrist. Inangat ko ang aking mukha at nakita si Andrew na seryoso ang mukha. Sumimangot ako sa kanya. Ngumuso lamang siya sa akin.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon