Kirk Jacob's POV
I am Kirk Jacob T. Antenor lumaki ako sa maginhawang buhay pero mas pinili kong mag-aral sa isang public school dahil una sa lahat ayokong nakikipagsosyalan ako sa mga PSSS o Private Student Since Schooling na walang ibang ginawa kundi ang magpayabangan at magbayaran. Alam niyo na yun. Just like my parents na walang ibang ginawa kundi ang ipagmayabang ako sa mga katrabaho nila. Kesyo mabait, matalino at masunuring bata raw ako tsss ayaw na ayaw ko pa man din yun. Gusto ko sa tahimik lang na lugar hindi ako tumatagal sa maiingay eh nabibingi agad ako kaya mas pinipili kong magsolo sa school at iwasan ang mga madadaldal...
Yung tungkol kanina hmpf hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ko at isinayaw ko ang babaeng yun, parang dinala na lang ako ng mga paa ko sa kanya. Pero sa bagay ok na rin yun at least naisayaw ko ang isa sa pinakamagandang babae sa campus. Ang cute talaga ng mga babae pag halatang nagpipigil ng kilig. Hmpf sarap niya tuloy pagtripan. Sayang nga lang at hindi sa ganoong paraan niya ako nakilala yung tipong aasarin ko siya buong buhay niya sa school.
"Kuya....Open the door I have something to tell you!"kapatid ko si Sapphiric Cleo habang kinakalampag ang pinto ko.
"Ano ba yun Sapphire?"naiinis kong binuksan ang pinto
"Mommy said that wear your best suit tomorrow!"sabi ng maldita kong kapatid na dire-diretso sa closet ko at pinagkukuha ng damit ko at inilalapag sa kama ko.
Yeah she's only 7 years old pero mas matanda siyang umasta kesa saken na kuya niya. Bossy ang dating ng kutong lupa na to eh panigurado kawawa sa kanya ang magiging boyfriend niya.
"For what?"tanong ko sa kanya saka kinukuha at ibinabalik sa closet ko ang mga damit na ikinakalat niya sa kama ko.
"Really? Dont you know? It's your 18th birthday"sabi niya saken na nakapamewang pa
"Ahm ok. Sige na magaabyad na ako pwede lumabas ka na?"
"Fine!"sabi saken sabay rolled her eyes and went out.
Napakamaldita talaga ng kapatid ko na yun. Kaya nga di kami magkasundo dahil sa ugali niya. Akala mo may pakialam talaga siya saken ngayon, eh alam ko namang napag-utusan lang siya ni mama. Maliban kase kay mama wala nang iba pang sinusunod si Sapphire kasi kahit si papa under sa kanya. Sunod sa layaw ang batang yan kaya nahihirapan akong pakisamahan yan. Magkaibang-magkaiba kami ng ugali.
Pagkalabas ng kapatid ko ni-lock ko na ang pinto at nahiga sa kama ko. Naman! eto na naman ang pinakaayokong parte ng buhay ko....
Ang birthday ko....
Tuwing birthday ko kasi ibat ibang tao ang pumupunta sa bahay mga katrabaho ng mga magulang ko. Minsan pa nga niyan papakilala pa nila ako sa mga anak-anak nilang babae.
Alam niyo yun? parang ipinagkakasundo ka ng mga magulang mong mukhang pera sa mga babaeng di mo kilala. Di man lang ba nila iniisip yung nararamdaman ko sa tuwing ginagawa nila saken yun? Bahala na nga....Tatakas na lang ako..
Kinaumagahan, pagkababa ko ang daming maids na abalang-abala sa party mamaya tss magkandamatay na sana kayo. Ayoko na! ayoko na sa impyernong bahay na to!
"Oh, dear gising ka na pala halika magbreakfast ka na!"sabi saken ni mama na halatang katatapos lang niyang mag-almusal.
"Nope mamaya na lang"dumiretso ako sa lanai at doon ako naupo, tinitingnan ang mga hardinero na abala sa pagkokorte ng mga halaman.
Kamusta kaya ang maging buhay-mahirap? ang maging katulad nila? Nagsasawa na kasi ako sa buhay ko eh walang ginagawa, boring at nakakaantok. Wala eh pasok,kain, aral, tulog lang ang trabaho ko.
Maya-maya nagulat na lang ako ng tumunog ang phone ko dahil sa notification ko sa fb. Ano naman kaya ang mga ito? Pagkabukas ko puro bumabati saken.
***
Annie Mendelevar : Happy birthday Kirk! More birthdays to come!Aki Velario : HBD!!!
Ryan Asante : HBD Bro MBTC!
Rick Eleazar : Happy birthday dre!
At madami pa pero merong isang tao sa mga bumati saken ang nakakuha ng atensyon ko.
Sophia Kirsten Williams : Happy birthday Kirk wish you more luck. More birthdays and blessings to come. Enjoy!!
***
Napangiti na lang ako sa mga pinagsasabi ni Kirsten. Close ba kami? Dahil wala na rin naman ako magawa vinisit ko na lang ang account niya then I view all her photos since baby....Hahaha. Ang cute talaga niya..Pero there's one picture of hers na talaga namang nakakuha ng atensyon ko...She's so......beautiful. Isa siyang stolen pero ang ganda. I can't help it hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya...
I was at the middle of fantasizing the most gorgeous woman I ever saw was in front of me doing this stolen capture. Ow! I think I'm falling...
"Hey Kuya who is she huh?"tanong saken ng kapatid ko na nasa likod ko na pala.
"What the? Anong ginagawa mo jan?"sabay off ko nung phone ko at napatayo.
"I said who is she? Aren't you gonna tell me?"pagsusungit ng kapatid ko.
Tamo to maliban sa bossy na nga pakiaalamera pa.
"It's none....."hindi ko na naituloy dahil...
" None of your business....Whatever! Just tell me who is she? And promise I won't tell about this to anyone even Mommy!"sabi niya saken sabay kindat pa
Anong nangyari sa kapatid ko parang biglang bumait ata saken. Ano nakaen neto? Saka yung tingin niya saken halatang di niya ako titigilan pag di ko sinabi pangalan ni Kirsten.
"Ok....Ok she's Kirsten"
"Your?"Ano to? may hinihintay pa ba siyang sagot ko?
"My?"
"Your what? Your girlfriend?"
"No. She's not!"deny ko sa kanya
"So, what is she to you? And what's your purpose on looking......Or should I say stalking her picture? Huh?" mala-nobelang tanong saken ng kapatid ko
"Wala at pwede ba Sapphire wag ka nang sunod ng sunod saken kaibigan ko lang siya ok?"sabi ko sa kanya habang tumataas ako papuntang kwarto ko ng walang lingunan sa kanya.
"Your lying...I know your lying....Your lying..Your lying.....Your lying....Your lying..."sigaw saken ni Sapphire na di na makataas.
Hahaha buti nga sa kanya nagkasprain kasi siya kagabi nasala ng paghakbang sa hagdan. Pero buti na lang at di siya nalaglag kahit papaano may awa pa rin ako sa kutong lupa na yan kahit kadalasan di ko makasundo sa sobrang kamalditahan.
Mas mabuti pa siguro kung dito na lang muna ako sa kwarto ko mag-stay. Buti pa dito walang maingay, walang magulo, at tahimik makakapagpahinga ako at makapagiisip ng paraan para makatakas sa impyernong bahay na to..
BINABASA MO ANG
The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)
Random[Highest Rank: Rank 2 in Pastlife Category] All about an exchange student from Philippines to Korea. She will study in a prestigious university where she will meet a guy who have a great part of her past. Princess of the past dynasty and a prince of...