Chapter 6

252 6 1
                                    

Nung magsisimula na ang party di pa rin lumalabas yung birthday celebrant. Ano ba problema ng pachoosy na pesteng birthday celebrant na yan? Nakakainis na eh oo kung kanina kilig na kilig ako at excited na makita siya ngayon hindi na. Hindi ba niya alam na maraming tao ang naghihintay at gustong masilayan ang pagmumukha niya.

Walang hiyang tao yun di man lang nahiya sa mga bisita niya, di man lang magpasabi kung ini-LBM siya o balak na niyang magpatiwakal sa kwarto niya. Kakainis...Hindi ba niya alam na siya mismo ang magiging laman ng camera ko isupalpal ko pa sa kanya to eh. Nakakasura eh!

Naku kung hindi lang ako photographer ng event na to kanina ko pa nilayasan ang bahay na to nakakaOP kaya! At saka kundi ko lang talaga kelangan ng pera hindi ako pupunta dito eh at isa pa hindi sana ako paraket-raket ngayon.

Hayy makapaglibot-libot na nga lang ang saket na ng pwet ko eh. Kalalakad nakarating ako sa garden na nila ata yun eh basta madaming flowers sa paligid sa likod na ata ng bahay nila to eh di ko na maintindihan dami kasi pasikot-sikot kaya di ko na alam kung gilid lang ba to o harap pa rin o likod na...

Nageenjoy pa ako sa pagpipicture ng mga ibat ibang klase ng flowers ng mahagip ng cam ko ang telang ginawang tali pababa mula sa mataas na bahagi ng bahay nila. Huh? para saan naman kaya ito? lumapit ako doon nacucurious ako eh! Curiosity kills...

"Sino ka?"sabi nung tao sa likod ko...

Hala! Bingo ako neto! Unti-unti naman akong lumingon and to my surprise......

"Kirk?"

"Kirsten? What are you doing here?"tanong niya saken nang may pagtataka.

"Ako ang photographer ng event dito. Eh ikaw anong ginagawa mo dito?"

Nakakunot ang noo kong nakatitig sa kanya siya naman nakatingin lang rin saken akala ko nga di na naman niya ako sasagutin kasi antagal niyang umimik.

"Bahay ko to"

Ano? What did he just say? Bahay niya to? Weh? Walang biro?

"Ano? Bahay mo to? Mayaman ka? Eh bat sa public school ka lang nag-aaral?"

".........."

Naman!!! hindi na naman niya ako sinagot, well whatever....Sanay na ako! Nagulat na lang ako ng hilahin niya ako sa isang sulok.

"Kirsten, kahit anong mangyari wala kang sasabihing nakita mo ako hah!" Baket?

"Baket naman. Eh di ba dapat nasa loob ka at nakikiparty tutal birthday ng isa sa kaanak mong lalake. Teka kapatid mo ba yung may birthday ang galing naman magkabirthday kayo. Nga pala nabasa mo ba yung sa fb I mean it! Tara samahan na kita pasok na tayo sa loob."

"Ayoko..."aalis na siya pero pinigilan ko siya...Yeah I hold him!😊

"Baket?"naiinis na ako hah tadyakan ko kaya to. Pati ba naman sa sarili niyang pamamahay kj din siya.

"Dahil ako ang hinihintay ng lahat.....At ayoko ng mangyari ang malamang mangyayari mamaya."sabi niya na parang alam na niya ang mangyayari mamaya.

Ano daw? Siya ang birthday celebrant? Hindi ko naisip na para sa kanya pala ang party na to! Pero di ba dapat masaya ang tao pag birthday niya eh baket parang kabaligtaran ang ekspresyon ng taong to sa normal na tao hehehe abnormal lang ang peg?

Ako? may crush na abnormal? No Way! Ang tanong baket naman kaya?

"Anong....Ayaw mo?"tanong ko sa kanya with a serious face

"Everytime na magbibirthday ako they introduce me sa mga anak na babae ng mga katrabaho nila. They make sure na nagkakakilala kami nung girl and I hate it. Kaya as much as possible mas pinipili kong tumakas para iwanan ang impyernong buhay ko dito."

"Is that so? Pero how rude naman sa mga bisita niyo!"

"They're not my visitors.They are my parents visitors"sabi niya sa malungkot na tono ng boses...But suddenly may naalala ako

"Wait! There's someone na lumapit saken kanina akala ko nga magpapapicture siya eh. Maganda siya para siyang modelo, tapos bigla na lang siyang umupo sa tabi ko at nagkwento ang sabi niya childhood sweetheart ka daw niya."sabi ko naman sa kanya

"Hmpf isa pa siya I dont wanna see her..."tatayo na sana siya para umalis pero......

"Kirk? What are you doing here? Kanina pa kita hinahanap." sabi nito kay Kirk at napalingon sa telang tali na ginawa nga ata ni Kirk para makatakas dito."And what are those huh? Balak mo na naman kaming takasan? Ang ipahiya kami ng papa mo sa mga tao. Dont you know that Praia's here...."galit na sabi nito kay Kirk at napatingin saken"Iha thank you sa pagpigil mo sa anak ko. Makakaalis ka na at kakausapin ko lang si Kirk"

Pagkasabi nun ng mommy ni Kirk tiningnan ako ni Kirk ng masama. No! Hindi... Hindi ko gusto to Kirk! paalis na ako ng.....

Hinawakan niya ako? At hinigit palapit sa kanya? O-o

"No....Hindi siya aalis dito I want her to hear how selfish you are. Na wala kayong ginawa kundi ang ipakilala ako sa kung sino-sino para lang yumaman pa kayo at dahil nga madali kayong masilaw sa pera pinili niyong ipagkasundo ako sa taong hindi ko mahal!!!"

*Slapp*

"How dare you hindi kita pinalaki para bastusin ako ng ganito hindi ko akalaing masasabi mo ang mga salitang iyan saken."naluluhang sabi ng mommy ni Kirk

Hala hindi ko na alam kung sino kakampihan ko dito sa dalawa. Bat kasi hinigit pa ako ng taong to. Naku Tita wala po akong kinalaman sa pinagsasabi ng taong to. Kung pwede nga lang pakain na ako sa lupa o kaya magteleportation para makaalis dito sa tensyonadong lugar na to.

"Pwes alam mo na ngayon!"

Pagkasabi niya nun hinigit niya ako palayo sa nanay niya habang naririnig kong tinatawag siya nito eh tila ba naman walang tenga tong kasama ko at di naririnig yung nanay. Higit pa rin niya hanggang ngayon ang kamay ko na sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya parang mapipirat na kamay ko sa kanya.

"Wait lang ano ba nasasaktan ako!"sigaw ko sa kanya

Alam niyo ba kung saan niya lang ako binitawan? Sa isang unknown corner ng bahay nila. At ayun....Alam niyo ba ang ginawa ng lalaking to umupo sa sulok at pin-lay ang laruang carousel pero sa bawat shadow ng lights nito pinapakita ang ng isang batang lalake between his parents. How so cute nung mga photos! Pero sino kaya ang batang yun? Siya ba yun?

Tumabi ako sa kanya at tinitigan ang mga pictures"Ikaw ba yan?"

"Uhm!" tango niya saken na parang watery-eyed na siya.

"Kirk pwede mo kong kwentuhan ng buhay mo. Trust me."maamo kong sabi sa kanya naaawa ako ehh

Pero alam niyo ba kung anong ginawa niya tiningnan niya lang ako at pinatay yung laruan then tayo.

"Kirk san ka pupunta?" Aba bastos tong taong to ah nagmamalasakit na nga ako iiwanan pa ako."Hoy ano ba? Kung selfish ang mama mo well salamin mo siya! Kinikimkim mo ang mga hinanakit mo na parang kaya mong pasanin lahat"sigaw ko sa kanya nung tinalikuran niya ako effective naman kasi huminto siya pero di nga lang lumingon.

"Ano bang pinaglalaban mo? Atupagin mo na lang ang trabaho mo dito!"sabi niya at naglakad na ulit palayo ng wala man lang lingunan.

Abat yung hinayupak na taong yun! Ang kapal ng mukha. Naku!!! hindi na talaga ako magpapakita ng pagkaconcern! manigas ka! Aaaarrrggghh. No choice naman ako kahit gusto ko nang umalis dito hindi naman ako pwedeng lumayas photographer nga ako dabuh?

Nakita ko naman si Kirk na sa backdoor na dumaan at ako naman eh dun na ako uli dumiretso sa lanai at naupo ulit. Nakita ko naman yung mommy ni Kirk talking with her friends na para bang walang nangyari kanina. Astig talaga tong mag-inang to! maginang-magina talaga, deadma na lang sa nangyare. Well whatever labas na ako sa problema nila.

The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon