Chapter 37

113 8 3
                                    

Sophia Kirsten's POV
Tangina nakakainis naman may pumasok pa pano na ako neto ngayon. Buti na lang at nagpasya siyang umalis kaya nagkaroon ako ng chance na lumabas sa pesteng room na to.

Papalabas na ako ng biglang may sumigaw sa may likuran ko. Talkshet akala ko lumabas din siya agad sa kwarto na to yun pala nandito parin siya.

"Geuyeoneuneo eojunae deungjanghajiman gun-in naega jeonhwa!!!"galit at pasigaw niyang sabi saken. [Geuyeoneuneo eojunae deungjanghajiman gun-in naega jeonhwa!!! - Sabi nang humarap ka saken eh kundi tatawag ako ng kawal!!!]

Ano bang pinagsasabi niya? hindi ko siya maintindihan. Naga-alien language siya kaya ako nganga. Tama si Annie ako nga ang magpapahamak sa aming tatlo. Napakatanga ko talaga kahit kelan hindi nag-iisip. Kainis....

Nagulat na lang ako ng yung lalake na ang pumunta sa harap ko. And what the fvck!

Tristan?

"Sophia?"gulat niya ring tanong saken

Teka baket nandito siya saka anong ginagawa niya rito? Nagtatrabaho ba siya dito? o may nalalaman din siya sa magaganap na masamang mangyayare sa prinsesa? o di naman kaya isa rin siyang maharlika? Prinsepe?

"Anong ginagawa mo rito?"tanong niya saken

"Ha? ah....Ano?"hindi na ako makaimik pa ng ayos sa kaba na nararamdaman ko."Teka nga muna eh ikaw ba anong ginagawa mo dito? Ikaw ba ang nagmamay-ari ng kwartong ito? Isa ka bang maharlika?"tanong ko sa kanya

"Ha? Ah........Isa ako sa mga katulong dito! At ako ang nakatokang maglinis ng kwarto ng prinsepe! Saka isa ka na rin ba sa nagtatrabaho ngayon dito sa palasyo hah? Alam na ba to ng reyna at hari saka ng landlady niyo? Mapaparusahan ka kung hindi. Alam mo ba yun!"tanong niya saken na para bang ginigipit din ako

Takte. Ano bang gusto niyang palabasin? Na lagot na talaga ako ngayon? Isusumbong ba niya ako? Tangina Tristan magkalimutan na tayo pag isinumbong mo ako!

"Ahm kung sabihin ko ba sayong trespasser lang kami dito isusumbong mo ba kami?"tanong ko sa kanya

"Te....Teka? kami? may kasama ka pa?"nakakunot ang noong tanong niya saken

Oooppsss nadulas ang dila ko, di ko sinasadya.

"Ahm, meron. Sina Annie at Kirk kasama ko sila at nasa iba't-ibang parte na kami ngayon ng palasyo na to!"sabi ko sa kanya.

Malay niyo kapag nalaman niyang nandito kaming lahat matulungan niya pa kami maghanap sa prinsesa.

"Takte baket nagsama ka pa? Alam mo bang delikado sila pag iba ang nakakita sa kanila o napansing hindi talaga sila katulong dito. Antanga mo Sophia! Inilalagay mo lang sila sa kapahamakan at inilalapit sa kanilang kamatayan."pansisinghal niya sa akin

Teka kelan pa siya naging concern kay Kirk akala ko ba galit siya dito?

"Mabuti pa hanapin na naten sila bago pa sila makita ng iba! Sumama ka na sa akin at ilalabas ko na kayo dito"turan niya at tinungo ang pinto ng kwarto

"Sandali lang Tristan!"nilingon naman niya ako"Kaya kami narito kasi may hinahanap talaga kami!"

"Ano naman iyon?"takang tanong niya

"Hinahanap kasi namin ang prinsesa? Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?"

"Teka baket mo naman siya hinahanap?"

"Ah wala naman may kelangan lang akong sabihin sa kanya. At importante lang na makausap ko siya!"

"Matagal nang hindi umuuwi dito ang prinsesa. Wala na rin kaming balita sa kanya."

The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon