Chapter 5

277 6 0
                                    

Sophia Kirsten's POV
Hayyy magandang morning sa inyong lahat excited na talaga ako ngayong araw na to dahil may raket na naman ako...

Well suma-side-line din po kasi ako bilang photographer sa kasal, binyag, birthdays, events, maging sa lamay ng patay nandon ako if they wish me to come. Siyempre sino ba naman ako para tumanggi sa pera kaya go tayo jan.

And for today's appointment pupunta ako sa Sunrise Ecofoundation Village wherein elites lang ang nakatira. Number lang nung bahay ang nakalagay sa docu ko eh and no person to contact. Ano ba namang klaseng mga customer yun ni phone number walang nilagay. Tss pero sige ayos lang yan at least may address saka di ko kelangang masyadong magmadali tutal 3pm pa naman ang start ng birthday party.

"Ate Sophia pwede bang sumama?"tanong saken ni Cram na nagpapacute pa para mahypnotize akong isama siya.

"Hinde pwede....Magtatrabaho si Ate don at isa pa bawal ang bata don"

"Eh di ba birthday party naman ang pupuntahan mo?"Nga naman...

"Hindi pa din pwede baka mawala ka dun malayo yun sige ka gusto mo bang makuha ng sipay?"pananakot ko sa kanya makulit eh. [sipay= a person that snatches children and uses their blood to fortify structures under construction.]

"Hmpf sige na nga basta pasalubungan mo ko ng cake hah"bilin saken ni Cram.

Aba! ayos din tong kutong-lupa na to makapag-utos sa ate niya ah. Buti baga kung mukha niya ang malalantad don....Eh hinde at mukha ko.

Mag 2:30 na ng marating ko yung saktong bahay na paggaganapan ng birthday celebration ayun dito sa docu ko.

Hmm sino kaya ang may birthday malamang bata uli wihihihi....Mas gusto ko kasi pag bata maganda kuhanan ng picture kahit stolen...Ang cute lang!!! 😀

Nung minsan kasi matanda yung may birthday 87 na ata yun si Aling Choleng naku! stolen o hinde gurang ang napipicturan ko HAHAHAHA peace joke. Pagdoorbell ko pinagbuksan naman agad ako nung isang babae na nakasuot pang maid.

"Kayo na po ba yung photographer?"maamo niyang tanong saken

"Ah oo ako nga!"tugon ko sa kanya sabay ngiti

"Pasok ho kayo!"wika niya na sobra talaga ang pagkamahinhin.

Naku! ate wag niyo na akong i-ho matanders ka pa saken eh. 17 years old pa lang ako noh turning 18 sa December 31. Malayo pa naman March pa lang ngayon eh...

Hindi na ako pumasok sa loob ng bahay kahit pinipilit na ako ni Ate dun na lang muna ako naupo sa lanai nila mas mapresko ang hangin dito eh. Pinagmasdan ko na lang muna ang mga taong abala sa paghahanda at pag-aayos ng bahay.

Grave talaga ang laki ng bahay mala-palasyo ang dating saken. Para nga akong nasa white house sa Amerika eh kasi wala kang ibang pinturang makikita kundi puti ang linis lang sa mata. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong klase ng bahay sa tanangbuhay ko. Pero infairness hah kung siguro anak ako ng nagmamay-ari ng bahay na to malamang buhay prinsesa ako....

"Iha mainit diyan pasok ka dito sa loob"sabi saken nung babae na medyo bata pa naman mga nasa trentahan na ata ang edad niya at mukhang siya ang may-ari ng bahay na to.

"Ah wag na po ayos lang po ako dito" sabi ko

"Ok pero sabihin mo lang kung may kailangan ka hah"

"Opo salamat po"Ang bait naman niya. Paalis na siya ng may maalala akong itanong.

"Ahhh Maam sino po ba ang may birthday? Kayo po ba?"tanong ko tutal nacucurious na ako eh.

"No. My son! mamaya lang makikita mo na siya."sabi niya sabay tuluyan nang umalis.

Son? lalake? waahhh! baka baby boy ang cute naman kung ganon. Pero baka naman little boy well ok na rin ang cute pa rin non. Hayst baka naman young man? Waaahhh! mas lalong cute yun. Ano ba yan pag nagkataon at halos kaedadan ko nga lang yung may birthday parang kikiligin ako. Mantakin mo naman kasi kung mommy niya yung nakausap ko kanina na magandang babae eh di malamang gwapo naman siya. Wiieehhh I can't wait to see him!

Nung mga quarter to 3 na nagsimula ng magsidatingan yung mga bisita nila. Dami ah puro mga bussiness man at woman tong mga to ah. Sa bagay san ka nga ba naman makakakita ng mga katulad nila na naliligaw sa landas ng mga katulad kong dukha. Malamang dito mo lang sila makikita sa ganito kalaking bahay.

At ayun halos lahat ng bisita eh pumasok na sa loob tanging ako lang ang naiwan sa labas. Phew ang tagal naman kasing lumabas ng birthday celebrant nakakainip na hah!

"Ah Miss di ba ikaw yung photographer?" sabi saken nung babeng halos kaedad ko lang ata na parang isang model.

"Ahm oo ako nga. Magpapapicture ka?"tanong ko sa kanya na nilalabas ang camera ko

"Ah nope" pigil niya saken kaya itinabi ko na uli yung cam"Mamaya na lang siguro pag lumabas na si Jacob"sabi niya tapos umupo pa sa may tabi ko"You know what? Jacob's my childhood bestfriend. Actually, he's my childhood sweetheart. He's everything to me...."kwento niya na nakatingin sa malayo at ngumingiti pa na animoy may nakikita sa harap niya.

Ano ba problema neto? Sino ba siya? Nagpakilala na ba siya? Close ba kami? At saka ano bang pakialam ko sa kanila ng so-called childhood sweetheart niya? Kaepalan ng babaeng to! Nagsesenti ako biglang susulpot di naman pala magpapapicture. Hello!!! photographer ako noh! Hinde listener sa isang radyo...Haler!!!

"Ah Miss baket mo kinekwento saken yan?"tanong ko sa kanya fc ehh feeling close...

"Nga noh!" ah ganon biglang natauhan"Sorry. Sige papasok na'ko..Its hot outside ehh...Thanks uli.."

Ganon? masyado ba talaga mainit dito? Ang lamig kaya! Presko ang hangin....Mga mayayaman talaga...Maya-maya may tumatawag sa phone ko.

"Hello?"sagot ko

"Kirsten si Annie to alam mo na ba?"

"Alam ang alin?"

"Na birthday ngayon ni Kirk, yung crush mo!"pangungulit sakin ni Annie na nagdulot para magblush ako

"Oo na alam ko"

"O eh nabati mo na ba siya?"

"Oo kaninang pagkagising na pagkagising ko pa lang"

"Ayiieehh sige nasan ka ba ngayon?"

"Nasa raket ako eh, baket?"

"Ganun ba sayang naman may papadala sana ako sayo."

"Ano naman yun?"

"Aalis kasi kami ngayon ni Papa eh gusto ko sanang ipaabot sayo yung gift ko kay Kirk di ka naman pala pupunta sa bahay niya."malungkot ang tono ng boses niya

Buti pa siya may gift kay Kirk whatever eh may kakayanan naman talaga siyang bumili ng gift samantalang ako isang mug lang ata ang mabibili ko nakakahiya naman so wag na. Saka isa pa snobber naman yun ano pang dahilan at reregaluhan ko ang singkit na yun?

"Pasensya na Annie ah alam mo naman mas mahalaga saken ang magkapera kesa ang makipagsayahan"ani ko

"Oo na Kirsten naiintindihan ko naman. Yun nga lang baka di ko maibigay sa kanya to alam mo naman na kaibigan ko din siya kahit papaano"tugon niya

Hayy Oo nga maliban nga pala saken kaibigan din niya si Kirk. Nakakainggit nga siya eh siya yung walang gusto dun sa tao pero siya lang yung pinapansin ni Kirk, kawawa naman ako. Sana nga ako na lang si Annie para kaibigan ko din si Kirk kasi nakakainis siya eh sa dinami-dami namen ako lang ang di niya pinapansin. Ako lang ang tinatanggihan niyang makausap ng matagal at palagi na lang parang mainit ang ulo niya saken. Hanggang ngayon nga iniisip ko pa rin kung ano ang problema niya saken. Parang may galit tapos nung nagsayaw kami wala naman. Abnormal din talaga yon di ko maintindihan ang takbo ng utak niya.

"Ah sige Kirsten ingat ka na lang jan sa raket mo hah? Aalis na kami eh!"pamamaalam niya

"Sige Annie bye!"

"Bye!"

The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon