Sophia Kirsten's POV
Tulog na ba talaga siya? sinisilip-silip ko pa ang mukha niya baka kasi mamaya gising pa pala. Akala ko ba wala na talaga siyang balak pumunta dito eh baket nandito yan? Saka baket niya ba ako kinumutan? Eh ang init-init! Saka ano ba to? Tuwalya?Aba! aba! ang gondo hah! nakapersonalize pa sa kanya, may name na Kirk saka ano to di ko maintindihan naka-korean language. Nasa may pinakang ilalim at dulo siya ng tuwalya niya 사랑해 요, 내 왕관 공주님. Ano kaya ibig sabihin nito?
Para hindi ako masyado maintimidate sa nakakalokang writings na to inamoy ko na lang ang tuwalya niya. Aba taray amoy...amoy downy!
"Mabango ba?"
"Ay kalabaw!"nanlaki ang mata ko sa gulat akala ko tulog na siya."Huh? ang baho!!! amoy......amoy....mama, amoy lupa!"Kainis eh
"Ganun ba? Bagong laba yan eh! Ikaw pa lang unang gumamit!"natatawa niyang sabi
Ano? Anong ibig niyang sabihin? Na ako ang amoy mama at amoy lupa?
"Sayang dapat pala ako muna unang gumamit."sabi niya saken na para bang nanunuya so ako nga ang sinasabihan niya.
Walang hiyang taong to! Sasapatusin ko na ba? kaso ka nga lang nakayapak lang ako eh aaarrgghh.
"Kapal naman ng face mo, ikaw nga itong may-ari ng amoy mamang tuwalya na to tapos saken mo isisisi ang amoy nito! Ano to lokohan?"haba noh! nakakainis eh binato ko naman sa kanya yung tuwalya niyang mabango then tumayo na ako.
Magwa-walk out na ako dito baka lang makapatay ako ng crush ko. Sa totoo lang naninibago ako sa kanya hindi niya ugali ang mang-inis saken. Ano nakain ng taong yun at parang nag-iba ata pakikitungo saken nasan na kaya yung Kirk na masungit at snobber?
Hindi ko hinahanap yun pero nakapagtataka lang kasi eh. Haist ang mabuti pa enjoyin mo na lang to Sophia habang nakakausap mo pa siya hindi man matino pero at least hindi ka parang hangin sa kanya.
"Sandali!"nilingon ko siya na hanggang ngayon lying pretty pa rin.
Grave makahulog panty ang hot niyang katawan. He's so damn hot! Nakapatong ang ulo niya sa dalawang kamay na magkakapit sa likod. Topless siya at kitang-kita mo ang katawan niya na talaga namang para akong inaakit na yakapin siya. Grave I feel butterflies in my tummy. Hindi na lang ako masyado nagpahalata na naaattract ako sa katawan niya at tiningnan ko siya ng Ano na naman yun? look.
"Ang ganda mo."sabi niya sabay ngiti saken at pumikit uli.
A.....Ano daw? parang nabingi ako dun ah pwedeng i-rewind. Kilig naman pwede bang magwala na lang dito sa buhanginan ng dahil sa kilig. Wahahah sarap maglupasay at magpagulong-gulong na para bang baliw.
Wiieehh ito pa lang ang first time niyang sabihin na maganda ako. Ang sarap palang malaman ang katotohanan kahit matagal mo nang alam. Basta sa bibig ng crush mo nanggaling ang mga salitang nais mong marinig na sasabihin niya sayo, mahihimatay ka talaga sa kilig at kung may sakit ka pa sa puso ikamamatay mo ang abnormal na pagtibok ng sira-ulo mong puso.
Sarap sa pakiramdam na sa bibig na mismo ni Kirk nanggaling na maganda ako. SAYA!!!
"Oh tulala ka na jan. Gising na. Joke lang yun!"sabi niya pero with eyes close pa rin
Hala pano niya nalamang nandito pa rin ako at di makaalis sa kilig.
"Che! inborn nang maganda ako no!"sabi ko sa kanya sabay irap kahit pa di niya kita kakainis eh
Lumayo na nga ako ng tuluyan epal kasi siya mumo-moment ako umeekstra naman yung......yung....cute niyang labi.
Naglakad na ako ng nakayuko ayokong may makakita sakeng namumula ako sa kilig na pinagsasabi saken ni Kirk. Kahit na binawi niya yung sinabi niya ika nga nila ang naunang sabi ang totoong nilalaman ng puso't isip nila.
Sa pagalalakad ko may nabunggo ako. Whoa!!! 6packs of abs! Cool then whoa! ang broad ng shoulders niya ah. Yeah unti-unti kong tinataas ang ulo ko para makita ang pes ni kuya at pinagpiye-piyestahan ng mga mata ko ang super duper hot niyang katawan. Hindi man sa panda-down sa crush ko pero mas hot ang lalakeng nasa harapan ko ngayon. Gawd! Parang maiihi na ako excited na akong makita ang mukha ng guy na to? Whoa!! so cute adams apple..Hehehe wo.......
Tristan?
"Tristan?"
Nagulat ako nang malaman kong siya pala yun. Makacompliment pa man din ako hanggang dun na lang. Pano naman kasi hindi naman kasi siya nakahubad kanina nung naglalaro pa ako kasama sila eh kaya ngayon ko lang yan nakita at napansin.
"Oh baket ngayon ka lang ba nakakita ng pogi?"
"Che! Kapal mo! Si Annie?"
Tumalikod lang siya saken at may tiningnan sa may di kalayuan. So di tiningnan ko ang tinitingnan niya and what the? 😍 Gusto ko rin don!!! Waaahhh gusto ko ring sumakay don. Pano ba naman kasi nakasakay ngayon si Annie dun sa ano bang tawag dun yung hose na nagbubuga ng tubig para lumutang ka sa ibabaw ng dagat.
Hindi na ako nagdalawang isip pa kung maalam ako o hindi ang ginawa ko na lang ay hilahin si Tristan para makasakay din ako sa ganoon. Yeah ang bilis nga namen tumakbo eh, siya? hila-hila ko halos madapa na nga eh! Pero wala na siyang magagawa ipinakita pa kasi niya saken si Annie na nakasakay sa ganoon eh magdusa ka! Wahahaha intayin mo lang ako Annie sasakay din ako sa ganyan.
At ayun nga enjoy to the max ako ahh sobrang saya buti na lang nakakabawi ako paglulusong ako sa tubig inaangat ko ulit sarili ko hahaha paasa ako sa tubig ano? Dala ko ang iphone ko at gamit ko ang lazy pad ni Annie actually dalawa yung kanya kaya meron din siya gamit. Habang enjoy na enjoy ako namataan ko si Tristan na nakatingin saken at nakangiti pa.
"Tara!"akit ko sa kanya nakaupo lang kasi siya eh
Tumango lang siya saken at mas lalo pang lumawak ang ngiti niya. Pagkatapos ko dito papanoorin ko kaagad ang video ko na panigurado mukha akong siraulo sa kasisigaw hahaha!
Pagbalik ko sa lupa yeah sa ere ako nanggaling eh. Takte sinong malanding babaita to? boyfriend mo? boyfriend mo? eh crush ko yan eh!
Pano ba naman kasi may babaeng nagpapalagay ng lotion kay Kirk yung pwet naman niya halos umawas na sa panty niya pangbaby. At eto namang kumag na to akala ko snobber sa babae yun naman pala may halong kamanyakan din. Aaarrrghh susugurin ko ba? Pero baket naman? girlfriend ba ako? And what's more nakakagulat is nung matapos na si Kirk hinalikan siya nung malanding babae sa pisngi.💔 Owdi saket oh!
Buti na lang at sa pisngi lang dahil alam kong virgin pa ang labi ni Kirk. Sasakalin ko talaga ang hinayupak na babae na yan kung sa labi niya hinalikan ang crush ko. Tss ako lang ang unang beses niya dahil pag nagkataon siya rin ang unang beses ko. Pero baket ganon kahit sa pisngi lang yun parang ang saket sa puso lalo pa at nakita kong ngumiti siya sa babae.💔
"Hui baket tulala ka na riyan?"tanong saken ni Tristan pero hindi ko na siya inabala pang pansinin tumakbo na lang ako kung saan malayo sa kanilang lahat."Sophia! Sophia!"tawag niya saken
Ayoko na! Baket ganon? ang saket ng nararamdaman ko ngayon pakiramdam ko tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko, pinipiga na para bang wala nang kawala, in short hindi ako makahinga. Ang sikip ng dibdib ko sa nakita ko.
Akala ko ako lang ang ngingitian niya ng ganun pero hindi pala umaasa lang na naman ako. Kakainis siya paasa din talagang tunay nang dahil sa kanya kaya ako nagkakaganito eh. Kasalanan niya to! masyado na siya umeepal sa buhay ko. Paasa siya! yung ngiti niyang paasa! yung singkit niyang mata na nakakainis! Gusto ko siyang sapakin, sampalin, batukan, suntukin ng matauhan at maramdaman niya rin naman niyang mahal ko siya.
Oo na mahal ko na nga ata siya kaya ako nagkakaganito hindi ko na lang siya basta ultimate crush. Pakiramdam ko buhay ko na siya at nakakainis siya dahil nananamantala na talaga siya ng damdamin.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)
Random[Highest Rank: Rank 2 in Pastlife Category] All about an exchange student from Philippines to Korea. She will study in a prestigious university where she will meet a guy who have a great part of her past. Princess of the past dynasty and a prince of...