Chapter 23

125 5 0
                                    

Kirk Jacob's POV
Matapos akong iwan ni Kirsten may babaeng lumapit saken. Lotion? Ako? Actually isa siyang Amerikana and whoa ang kinis ng balat niya hindi katulad ng kay Kirsten hahaha joke lang flawless din naman si Kirsten. Tss kelan pa 'ko naging manyak? Siguro ngayon pa lang. Ewan pakiramdam ko talaga napakasaya ko ngayong araw na 'to na halos lahat ata ng taong makakasalubong ko ngayon eh gusto kong ngitian.

Aaminin ko hindi pa rin ako makamove sa sinabi ni Annie na talaga namang nakapagpabago saken mula sa isang masungit at snobber na si Kirk hanggang sa palabiro at palangiting si Kirk.

"Ah sure!"sabi ko sabay tayo at siya naman ang humiga

Nang matapos na ako sa paglalagay ng lotion sa kanya nagulat ako dahil hinalikan niya ako sa pisngi. Para saan yun? Tss kahit na medyo nagulat ako nginitian ko na lang siya bago niya tuluyang lisanin ang kinaroroonan namin.

Napatingin naman ako sa dagat para tingnan si Kirsten kaso wala na siya si Annie na lang ang nakikita ko. Nasaan na siya? tss bahala na nga matanda na siya. Nahiga ulit ako at pinagmamasdan ko naman ngayon ang mga taong nagkakasayahan sa pagtatampisaw. Maya-maya nilapitan ako ni Annie nakita niya pala ako dito.

"Oh akala ko ba ayaw mo sumama?"pagtataray niya saken

"Nagbago bigla isip ko eh. Nasaan si Kirsten?"tanong ko sa kanya

"Hindi ko nga alam eh tatanong ko sana sayo baka nakita mo siya kasi pati si Tristan nawawala"

"Oh eh di baka magkasama sila, parehas nawawala eh. Anong oras na ba?"

"Mmm"tiningnan niya yung waterproof wristwatch niya"5:30 na."

"Sige pag nakita mo na sila pasabi nasa kwarto lang ako room 63"sabi ko sabay tayo at umalis

"Teka dito ka rin matutulog?"

"Malamang bakasyon nga di ba!"

"Ah sige pasilip na lang nung room ni Kirsten baka nandun na siya room 62 siya."sigaw niya saken medyo malayo na rin kasi ako eh

"Sige!"sigaw ko rin sa kanya ng di nililingon

Nang marating ko ang room ko napasilip ako sa room 62 nagbabakasakaling nandoon nga si Kirsten. Nandito ako ngayon sa harap ng pintuan ng kwarto niya at naghahandang kumatok.

Ok Kirk hingang malalim kaya mo yan ok. Hindi naman nangangagat si Kirsten eh Ok! Uhm!

"Kirsten! nandiyan ka ba?"tanong ko sabay katok"Kirsten anjan ka ba?"

Makailang beses na akong kumatok kaso walang Kirsteng nagbukas ng pinto saken. Baka naman walang tao dito? nasan na ba ang babaeng yun? Sinilip ko ang loob sa bintana at tama nga ako wala siya dito. Pero kung wala nga siya dito saan naman siya pumunta? Haist pag minsan din talaga nakakabaliw maghanap sa taong ayaw din talagang magpakita.

***fastforward***

Haaa..... Kagigising ko lang anong oras na ba? Hala 8:30 na pala. Pagkalabas ko sa room ko nakasalubong ko sa hallway si Annie na mukhang gunos na gunos. Ano namang nangyare dito?

"Oh Annie anong nangyayare sayo?"

"Si Kirsten"

"Oh anong si Kirsten?"

"Si Kirsten nawawala!"

"Ano?" Saan naman pupunta ang babaeng iyon eh di ba nga siya pa ang may gusto dito tapos lalayasan niya kami "Kailan pa siya nawawala?"

"Kanina pa. Nung tinanong mo siya saken di ko na siya nakita noon."

"Eh si Tristan?"

The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon