Naisipan kong bumalik na ulit sa kwarto ni Annie. Paglabas ko nagulat ako dahil nakita ko na naman ang lalakeng mandirigma, si Jae Hyun pero hindi siya nakaharap saken nakaharap siya sa pinto ng kwarto ni Kirk ibig sabihin nakatalikod siya saken. Napalunok ako ng laway dahil natatakot ako hindi kay Jae Hyun kundi dahil ano ang ginagawa niya dun. May balak din ba siyang guluhin ang buhay ni Kirk? Maikli ang buhok niya ngayun at hindi katulad nung unang beses na nakita ko siya. Buhok ng mga lalake sa modernong panahon ba?
"Jae Hyun?"bulong ko na tanging kaming dalawa lang ang makaririnig
Pagkasabi ko naman noon unti-unti siyang lumingon at hinarap ako. Napanganga naman ako sa nakita ko, kamukhang-kamukha na niya ngayon si Kirk walang duda masasabi ko ngang parang siya na talaga si Kirk ngayon.
"Kirk?"nakakunot kong tanong
Lumapit siya saken at inilagay ang kanang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko. Alam ko si Jae Hyun ang kaharap ko ngayon dahil nadarama ko ang lamig ng presensya niya. Pero nararamdaman ko siya parang nagkatawang tao nga siya eh.
"Mahal na mahal kita! Gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang!"
Huwat? hindi maaari ito nagtatagalog siya? Paanong?
"Anong ibig mong sabihin?"
"Babalik ako at ililigtas kita sa kanya!"
"Jae Hyun nagkakamali ka hindi ako si Yu Yoon saka isa pa hindi na dapat pang bumalik sa pagiging tao ang namatay na."
"Hindi. Nangako ako sa mahal na hari, kaya't iingatan kita!"
"Jae Hyun hindi ako si Yu Yoon patay na rin siya hindi ba?"
Pagkasabi ko noon bigla siyang natumba kaya nakapagtataka nahihimatay ba ang multo. Hala! hindi multo ang kausap ko kanina.
Si Kirk ang kausap ko....
Ginigising ko si Kirk pero hindi siya magising. Kayat napagpasyahan kong humingi ng tulong kay Annie para magpatulong sa pagbuhat sa kanya papunta sa kwarto ni Annie. Nang marating namin ang loob ng kwarto mi Annie inilapag agad namin si Kirk sa kama.
"Anong nangyare sa kanya? Baket ganyan ang suot niya? Saan niya nakuha ang mga ganyang kasuotan?"tanong saken ni Annie na takang-taka rin sa nakikita
"Hindi ko alam pero isa lang ang nasa isip ko sinaniban siya ni Jae Hyun. Annie kinausap ako ni Jae Hyun, nagtagalog siya. Sinabi niyang ililigtas daw niya ako. Nalimutan kong sabihin sayo si Kirk at Jae Hyun magkamukhang-magkamukha sila."
"At baket ka naman daw niya ililigtas? May mangyayari bang masama sayo?"
"Hoy grave ka naman knock on the wood!"sabi ko sabay katok at kumatok din siya
"Sorry! ano ba sa tingin mo ang dahilan niya?"
"Ako. Ako pinagkakamalan niyang si Yu Yoon kanina. Annie sinabi rin niya sakeng magbabalik siya dito. Dito sa lupang ginagalawan naten."
"Ano?"
"Annie natatakot ako para kay Kirk. Maaaring si Kirk ang gawin niyang instrumento para mabuhay sa mundo naten! Hindi na siya maaari pang mabuhay sa katawan ni Kirk. Hindi ako makakapayag na pati buhay ni Kirk guluhin din niya."
"Alam ko."nagulat kami sa biglang nagsalita at napalingon sa kinatatayuan ni Kirk na gising na pala ngayon
"Kirk?"nakapagtataka anong alam niya?
Nilapitan namin ni Annie si Kirk para kumpirmahin kung ano ang alam niya.
"Anong alam mo?"tanong ko
BINABASA MO ANG
The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)
Random[Highest Rank: Rank 2 in Pastlife Category] All about an exchange student from Philippines to Korea. She will study in a prestigious university where she will meet a guy who have a great part of her past. Princess of the past dynasty and a prince of...