Chapter 13

208 5 2
                                    

Tristan Gregory's POV
Magandang umaga ako si Tristan Gregory K. Collin and I was belonged to the Royal Family, the new Kang Dynasty. Mas kilala ako ng mga nasa paligid ko bilang Greg Wangja. Ayokong tinatawag nila akong Greg pero kagustuhan iyon ng mga magulang ko, the King and Queen of Korea. [Wangja=Prince]

Mas gusto ko kasing tinatawag nila akong Tristan pero walang makagawa nun dahil takot silang maparusahan ng mga magulang ko. Para kasing pangmatanda yung pangalang Greg di ba ansama? mas bagay sa kagwapuhan ko ang pangalang Tristan. Mga adik sila eh firstname ko naman ang Tristan pero ang gusto nilang itawag saken ay yung second name ko.

Kainis. Sino kaya ang maglalakas loob na tawagin akong Tristan hmpf meron pa kayang makakagawa nun kasi mukhang malabo na eh!

Mabilis ko namang natapos ang activity namen. Nagpoprogram lang naman kami at c language lang kaya sisiw saken. Oo first day palang namen pero dahil adik instructor namen ayun prog activity agad.

"Hayy pano ba to? Kakainis ayaw magrun? Ano bang problema mo ha? takte ka!"mukhang nababarino at natatarantang tanong ni Sophia sa sarili niya.

Tss. Iiyak na ba siya nan c language lang yan may mas mahirap pa jan. Lumingon siya sa kaliwa niya at mas lalo siyang nataranta ng makita niyang napa-run na rin nung lalake ang program niya.

"Ah pwede magtanong? Pano mo naparun yan patulong naman oh! Di kasi ako magkaayos!"sabi niya dun sa lalake.

Hindi naman siya pinansin nung lalake kawawa naman siya mas lalo pang nataranta. Baket kaya hindi ako ang hingan mo ng tulong at nang matulungan kita. Kanina pa ako tapos eh naunahan ko pa nga yang lalakeng yan! Tatayo na ako para lumabas nang.....

"Tristan! pwede mo ba akong tulungan?"sabi ni Sophia dulot para magtinginan sa kanya ang mga kaklase namen.

Teka tama ba ang narinig ko? Tinawag niya ba akong Tristan? Hindi niya pa ba ako nakikilala? Pero dahil pinasaya niya ako sige na nga tutulungan na kita. Kahit winalang-galang mo ko kanina.

"Sige ba!"ngumiti naman ako sa kanya"Ano bang nangyare?"umupo ulit ako at tiningnan ang mga in-input niya.

"Ayan lang naman! tapos andami ko daw mali 25 kanina 1 na lang tapos ngayon dumami!"pagsusumbong niya saken nakakatuwa nga kasi mukhang ngayon lang talaga siya naexpose sa technology.

"Ahhh kaya pala nagdefine ka na kasi ng s as scanf mo, bawal mo na siyang gamitin as identifier!"paliwanag ko sa kanya at binago ang iba niyang inputs then.

Nag-run na ang prog activity niya. Tuwang-tuwa naman siya at pinagpipicturan pa niya ang mga ito.

"Teka baket mo naman pinipicturan yan?"tanong ko sa kanya

"Remembrance akalain mo yun nakapagpa-run ako!"nakangiti niyang sabi sa sarili

"Ikaw o ako?"tanong ko sa kanya habang napapatawa ako.

"Tss konti lang naman pala mali ko eh kaya ako pa rin no!"pagmamalaki niya saken

Oo siya pa rin pero hindi niya talaga mapapa-run yan kundi dahil sa tulong ko. Nang idismiss na kami ng instructor namen nag-una-unang lumabas yung dalawang new student sina Sophia at yung lalakeng suplado. Dapat ako yung pauunahin nila eh pero dahil wala silang alam sa pagkatao ko pinabayaan ko na lang sila.

Nagbulungan naman ang mga kaklase namen at masamang balita to pag nagkataong lumabas ang mga yan dito sa comlab kaya bago pa man ako lumabas hinarap ko muna sila at kinausap sila sa hangul. Sinabi ko sa kanilang pabayaan ang dalawa at wag nang ipagkalat pa ang tungkol sa bagay na to. Dahil mas gusto kong ganito ang ituring bilang isang simpleng eatudyante lang rin at hindi bilang prinsepe.

The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon