Haayyy nakakainip na talaga ano bang pwede kong magawa sa kwartong ito. Nilingon ko ang tv set nila at napangiti ako kaya naman tinungo ko ang lagayan ng mga movies nila dito at namili ng mga palabas. Oras? 10:25.
Takte! Wala bang matinong palabas dito puro horror story ang meron sila. Sino bang may-ari ng pesteng check in room na to at puro horror movies lang meron siya? mahilig ba siya sa mga ganito? Mantakin niyo naman pag hindi tungkol sa zombie-han tungkol naman sa massacre yung chainsaw massacre tapos merong iba puro multuhan naman sadako at Ju-On. Ano ba yan? balak ba akong patayin ng mga palabas na to. Tss pero sige na nga para malibang ako hala go tayo kay Ju-On.
Isinalang ko lang ang bala na Ju-On habang hinihintay kong magloading bumaba ulit ako sa kama para sumilip uli sa labas kung nandiyan na sila pero bigo ako dahil wala pa rin ni isang tao kaya sinarado ko na lang uli ang pinto at dahil natatakot ako inilock ko ang pinto ko . Narinig ko namang nagplay na ang palabas kaya dali-dali kong tinungo ang kama ko at pumaibabaw uli yakap-yakap ang unan. Para mas feel ko yung movie natalukbong pa ako sa makapal nilang kumot at tanging mukha ko lang ang walang tahob.
Hindi pa masyado nagsisimula ang palabas at wala pa ako sa nakakatakot na scene bigla na lang may lalakeng dumaan sa harap ng tv mula sa kaliwang bahagi papuntang kanang bahagi ng kwarto ko kung nasaan ang pinto. Sa takot ko nanindig ang balahibo ko alam kong ako lang ang tao dito at papaanong may kasama pala ako at papunta kung nasaan ang pinto ng kwarto ko.
Sa peripheral vision ko kitang-kita ko ang lalake na nakaharap sa pinto at nakatalikod saken nakatigil lang siya. Halos hindi ko na nga maituon sa pinapanood ko ang aking sarili tanging yung lalakeng yun lang ang tumatakbo ngayon sa isip ko kahit na nakaharap pa rin ako sa tv.
Sino siya? Ngayon ko lamang siya nakita. Nakapagtataka dahil kakaiba ang kasuotan niya. Para siyang mandirigma. Alam niyo yung suot ni Goblin ganon. Ganon ang klase ng kasuotan ang suot niya. Imposibleng buhay ang taong yan. Patay na siya palagay ko.
Nagulat ako ng may marinig akong hibi ng isang babae sa may cr. Tangina nakakapanindig balahibo na talaga to hindi pa umaalis yung lalake may babae namang umiiyak. Sino ba sila ano bang pakay nila saken? Hindi tumitigil ang pag-iyak at nakakairita na kaya tinanggal ko na ng tuluyan ang nakatahob na kumot saken pero nawala sila. Nawala ang lalake pati na ang boses ng babae.
Nakapagtataka imposibleng guni-guni ko lang ang lahat. Alam ko totoo yun.
"Guhaejwo Jae Hyun guhaejwo!"sabi ng babae habang humihibi
Nakita ko na naman ang babae at nakatalikod siya saken, umiiyak siya. Nagulat ako ng biglang dumugo ang likod niya patuloy ang pag-agos ng walang humpay ang kaniyang dugo na wari moy sariwa pa ang mga ito. Patuloy lang ito sa pag-iyak at patuloy lang rin sa pag-agos ang dugo niya halos magbaha na ng dugo sa buong kwarto ko. Napalingon ako sa pader at nagulat ako may sulat na ito gamit ang dugo at di ko ito maintindihan kaya minabuti kong kuhanan ito ng litrato.
도와주세요!
Ano kayang ibig nitong sabihin?
Natatakot na ako grave malapit ng maabot ng bumabaha niyang dugo ang kama ko. Gustuhin ko man tumakbo palabas hindi ko naman magagawang lumusong sa nagbabahang dugo ng babae na yan.
"Ano tigilan mo na ako!"sigaw ko habang hawak-hawak ko ang tenga ko
Ayoko nang makarinig pa ng iyak niya nakakairita na talaga."Hui Kirsten! Gising!"sinampal ako ni Annie
Huh? anong ibig sabihin non panaginip lang ang lahat? Pero parang totoo sila.
"Binabangungot ka ata! Ano bang nangyayare sayo?"tanong niya at umupo sa gilid ng kama ko
BINABASA MO ANG
The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)
De Todo[Highest Rank: Rank 2 in Pastlife Category] All about an exchange student from Philippines to Korea. She will study in a prestigious university where she will meet a guy who have a great part of her past. Princess of the past dynasty and a prince of...