Monday. As usual pasok namin ni Kirk ay mga around 5:35am. Ngayon ko na itutuloy yung plano kong kulitin si ateng taga NW. Sa comlab magkakatabi kaming tatlo at naiilang akong kausapin si Tristan dahil sa nangyaring confession niya saken nun saturday. Nagulat talaga ako don kahit na paulit-ulit na sakeng pinaalala ni Annie na may gusto nga ata saken si Tristan. Lalo na nung nasa scilab kami kasi siya lang ang katabi ko wala na si Kirk sa tabi ko kaya super awkward talaga plus galit ulit siya!
Bahala na nga pause muna ako sa love life even kay Kirk, magfofocus muna ako sa mga tanong kung baket dapat di magsama ang dalawang dormitoryo.
Oras? 12:30pm. Yeah nagpaiwan ulit ako kay Kirk sana lang di siya nagtataka. Gusto ko lang naman gawin ito sa sarili kong pamamaraan. Nandito ako ngayon sa field hinihintay ang tamang oras ng pagdagsa ng NWDormitorians. Nagulat na lang ako dahil may narinig akong humikab sa may di kalayuan sa kinatatayuan ko. Hinanap ko ang taong iyon at nagulat ako sa bigla niyang pagtayo medyo malago na din kasi ang mga damo dito yung tipong kasing taas na ng bewang mo ang damo buti na nga lang at walang ahas sa paligid. Balita ko protektado daw ang lugar na ito ng mga taong nangangalaga upang maiwasan ang pamamahay na mga ahas at kung ano-ano pa.
"Ikaw na naman?"galit niyang sabi saken at balak na naman akong iwan
"Ate Shaine saglit!"tawag ko sa kanya at nakapagtataka dahil bigla ko na lamang siyang natawag sa ganung pangalan, siguro dahil namumukhaan ko talaga siya kay Ate Shaine.
Si Ate Shaine, ang ate nameng lahat sa school noon, one year older than me. Siya ang nagturo sakeng rumaket ng rumaket kapag may free time para may extra income. Siya ang kasama ko noon sa pag-aapply bilang photographer ng ibat-ibang event sa photo shutter company. Noong magtwelfth grade din siya umalis din siya ng bansa para mag-aral sa ibang bansa. Mula noon wala na kaming contact sa isa't-isa. Namiss ko na nga siya eh at malamang ganundin si Annie. Matutuwa siya pag nalaman niyang nandito si Ate Shaine na palagi niyang kabonding pagdating sa makeup tutorial.
Natigilan siya sa paglalakad palayo saken at nilingon ako ng may pagtataka.
"Anong sabi mo? Baket mo ako kilala? Sino ka ba?"
Ano? siya ba talaga si Ate Shaine? Pero baket di na niya ako makilala? Anong nangyare sa kanya?
"Ako si Kirsten. Hindi mo na ba ako naaalala? Friends tayo noon diba?"
"Tumigil ka! wala akong kilalang Kirsten. Pwede ba lubayan mo na ako!"sabi niya at nagpatuloy uli siya sa paglalakad kaya naman hinabol ko siya
"Teka lang hindi ako titigil hanggat hindi mo ako kinakausap ng matino. Ate Shaine please kelangan kong malaman ang totoo. Ang sikreto nila samen at napansin kong may nalalaman ka kaya please wag mo naman akong tanggihan. Kahit hindi mo na ako ituring na nakababatang kapatid at kaibigan, kahit isang estranghero na nagtatanong na lang ng direksyon ang ituring mo saken. Maawa ka Ate Shaine para sa ikapapanatag ng loob ko sabihin mo saken ang mga nalalaman mo!"mahaba kong litanya
Nilingon niya ako sa paraang seryoso ang mukha niya at tahimik niya akong nilapitan saka hinigit sa kung saan. Nang marating namin ang dulo ng field nagtago kami sa isang lumang kwarto na sa palagay ko ay tambakan na ng mga gamit na di na mapapakinabangan. Mula doon ay may ilang metro ang layo sa gate ng open field. Ang kwarto namang kinatitirikan namen ngayon ni Ate Shaine ay napakadilim tanging ang mga butas na lamang ng mga nasirang dingding na kahoy ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.
"Kirsten, hindi mo dapat malaman ang bagay na ito!"sabi niya saken habang hawak ang kanang kamay ko
Ano to? bigla niya akong natandaan? May saltik din talaga pag minsan etong si Ate Shaine.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)
Random[Highest Rank: Rank 2 in Pastlife Category] All about an exchange student from Philippines to Korea. She will study in a prestigious university where she will meet a guy who have a great part of her past. Princess of the past dynasty and a prince of...