Tristan's POV
Nasasaktan pa rin ako ngayon dahil hindi ko akalaing siya pala ang pamangkin ko. Baket ba ako pinahihirapan ng ganito? Wala na ba talaga akong karapatang lumigaya sa paraang gusto ko?Hindi ko siya magawang kausapin. Pakiramdam ko ay napakalaking pagkakasala ang nangyari samen. Hindi na dapat ako humiling sa kanya ng ganun, eh di sana walang problema ngayon. Sana nakontento na lang ako sa meron kami, kahit na konting panahon na lang ang natitira para sa amin.
Ngayong nandito na siya malamang ay siya na rin ang kokoronahan bilang reyna ng Korea. Magiging ok na rin para saken ewan ko lang sa matandang hukluban kong ina.
Pagkalabas ni Eomma sa kwarto ko at masabi lahat tungkol sa koronasyon ko, naupo muna ako sa sahig nakasandal sa gilid ng kama tinabihan ako ni Noona. Nakita rin ni Eomma ang cellphone na hawak ni Noona kaya nakumpiska ito kaya ngayon wala na kaming pangkontak kay Sophia.
"Greg baket naman ganun yung inasal mo kay Kirsten. Kawawa naman yung tao muntikan na ngang mamatay, namatayan pa."
"Wala namang kabuluhan kung kakausapin ko pa siya."pabalang kong sabi sa kanya
"Greg ano bang sinasabi mo? Hindi ka ba natutuwa dahil sa wakas makakawala ka na sa kontrol nina Eomma. Hindi bat gusto mong maging katulad ko, maging malaya?"
"Noona hindi mo naman kasi ako naiintindihan eh!"
"Eh ipaintindi mo kaya saken. Ano bang pinupunto mo?"
"Ayokong maging pamangkin si Sophia. Ayoko. Hindi maaari."
"Baket?"
"Mahal ko siya. Mahal ko na siya Noona. At.....At may nangyare na samen."
"What? Pano? Kelan?"
"Nung December 1. And she's pregnant."
"The hell Greg. Magkakababy kayo?"
"That's why I choose to not to talk to her. Hiyang-hiya ako sa sarili ko."
"Eh baket mo naman naisip ang bagay na alam mong mahigpit na ipinagbabawal ni Eomma?"
"Noona yun lang ang naisip kong paraan para di ako makasal sa taong di ko kilala. Kung magkakaroon ako ng anak kay Sophia maaaring siya ang maging reyna ko o ang anak namen ang susunod na magiging tagapagmana. Pero ngayon lahat ng plano ko wala na. Siguro kelangan ko nang magpakamatay para mawala na rin saken ang sumpang ito. Wala na. Di na ako liligaya pa."
"Greg ano bang pinagsasabi mo? Hindi naman sagot ang pagpapakamatay sa problema mo eh."sabi niya saken at niyakap ako mahigpit"Mahal kita Greg at di ko kayang mawala ang nagiisa kong kapatid."sabi niya sabay harap saken"May dapat kang malaman..."
"Hmn?"
"Matagal na naming inilihim sa iyo ang bagay na ito. Pero sa tingin ko dahil wala na talaga atang balak ipaalam sa iyo ito ni eomma panahon na para malaman mo ang katotohanan.........."
Anong lihim ang matagal ko nang di alam?
Sophia's POV
Nagawa ko namang makatulog ng mapayapa gabing iyon ngunit....Nagising ako sa malamig na simoy ng hangin akala ko nasa paligid na naman si Yu Yoon pero hindi pala malakas lang masyado ang aircon. Napatingin ako sa direksyon ni Annie na ngayon ay nasa kabilang kama at mahimbing na natutulog. Kamusta na kaya ang mga magulang ko. Gusto kong tawagan sila pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanila.
Hanggang ngayon nalulungkot pa rin ako at nag-aalala sa pamilya ni Kirk pag nalaman nila ang tungkol sa nangyare sa kanya. Pag tingin ko sa orasan madaling araw na pala. Malamang ay malalaman ko na ang resulta ng examinasyon nila sa libro. Mabibigyang hustisya ko na ang pagkamatay ni Kirk pag nalaman na nila ang mabahong lihim ng reyna nila.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)
Sonstiges[Highest Rank: Rank 2 in Pastlife Category] All about an exchange student from Philippines to Korea. She will study in a prestigious university where she will meet a guy who have a great part of her past. Princess of the past dynasty and a prince of...