Chapter 46

74 3 0
                                    

"Haaa....."hikab ko habang kinukusot-kusot pa ang mga mata.

Nang mahimasmasan na ako hala nasaan ako? Nagising ako sa isang napakalaking kwarto at nakahiga dito sa napakalambot na kama. Ano nga bang nangyare kagabi? Sa pagkakatanda ko sakay ako ng sasakyan ni..........Tristan.

Bumaba ako kaagad sa kama at diret-diretsong tinungo ang pinto pagkabukas ko,

"Ay kabayo!"nagulat ako dahil nandoon na agad si Tristan sa labas"Anong nangyare kagabi? Baket nandito ako?"

"Ah ano kasi... pagod ka na kagabi kaya binuhat na lang kita papunta dito"paliwanag niya

"Ganun ba? Sige aalis na ako. Salamat na lang."sabi ko sa kanya sabay lalampasan ko na sana siya palabas ng kwarto ng bigla niya akong hawakan sa braso.

"Sandali pwede bang dumito ka muna. Maaari bang samahan mo muna ako. Nakakabaliw kasi dito eh lalo't wala akong makausap."

"Pero kasi...."pano pag nakita ako dito ng reyna at hari tapos......

"Please."

"Sige na. Pero meron ka bang maibibigay na damit jan na maaari kong isuot?"

"Meron. Gusto mo padala ko dito mamaya?"

"Sige salamat."

"Sige. Ah siyanga pala cellphone mo oh. Tumawag kagabi si Annie hinahanap ka, ako na muna ang sumagot ipinagpaalam na kita sa kanya."

"Ganun ba. Ah sige."sabi ko sabay kuha ng phone ko bago isinara ng pinto.

Pag buhay ko ng phone ko bumungad saken ang tadtad na messages ni Annie. Yung iba nabuksan na ata ni Tristan yung iba hindi.

"Hui iuwi mo din ng buhay yang kaibigan ko hah!"

"Siyanga pala wag mo pa lang iuwi agad yan. Magenjoy muna kayo haha!"

"Kahit magpumilit wag mo paalisin jan haha"

Hala. Ano daw? Si Annie ba talaga nagtext nito? Parang inilalapit niya pa ako kay Tristan ah. Kanino ba talaga siya boto para saken kay Kirk o kay Tristan? Ang gulo din talaga ng lahi ng babaeng yun.

Maya-maya pa ay dumating na ang babaeng may dala ng isusuot ko nakapagtataka nga lang kasi nakabox pa ito. Tinanggap ko iyon at binuksan. Ano to? Hays baket naman ito papasuot saken ng taong yun. Hmm pero sige na nga tutal pangarap ko rin namang magsuot ng ganitong damit. Yung mga napapanood ko ba sa mga korean novela na traditional dresses nila.

Pagkatapos kong magdamit at ayusin ang sarili ko nagselfie ako saglit para naman may remembrance akong nakasuot ako ng ganitong klaseng damit wahaha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkatapos kong magdamit at ayusin ang sarili ko nagselfie ako saglit para naman may remembrance akong nakasuot ako ng ganitong klaseng damit wahaha. Gusto ko na sanang lumabas ng kwarto na to kaso baka naman may makakita sakeng di inaasahang tao at mapasama pa ako, kaya mas pipiliin ko na lang magstay dito. Pero may isang babaeng pumasok sa kwarto ko at nagsalita ng alien language at sinenyasan niya ako na para bang gusto niyang sumunod ako sa kanya kaya sinundan ko na lang siya palabas dito sa kwarto na to.Saan naman kaya niya ako dadalhin?

The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon