Sophia Kirsten's POV
Haaa!!! ang saket ng ulo ko ano bang nangyare at nakarating na ako dito sa kwarto ko? Saka sa pagkakatanda ko nasa......nasa.....oh my gosh! sinong nagdala saken dito? Lumabas ako para pumunta sa kwarto ni Annie sa room 60 at tinanong ko sa kanya ang buong pangayayare anong malay naten may alam siya dahil wala talaga ako matandaan kung meron man konti lang."Nakita kayo ni Tristan kaya ka nakarating jan!"
"Kayo? Ibig sabihin may kasama talaga ako sa pagpunta dito?"Sino naman kaya yun? Akala ko mag-isa lang ako pero may natatandaan akong may kausap ako pabalik hindi ko lang talaga maalala kung sino."Eh sino naman yung kasama ko?"
"Si......"
"Good morning ladies kakain na tara na sa balcony!"bungad samen ni Tristan na nasa may pinto ngayon.
"Ahh sige susunod na kame"sabi ni Annie"Tara na!"tumayo na siya at lumabas
Te....Teka may tinatanong pa ako sa kanya di ba? Ano yun deadma? Aba lakas tama tong kaibigan kong to ah. Pero ang kabog ng dibdib ko ngayon kakaiba para bang may nangyareng katangahan kagabi. Kainis sino ba kasama ko? Isang tao lang nasa isip ko ngayon maliban kay Tristan eh at sana mali ang iniisip ko dahil kung nagkataon nakita niya akong lasing na lasing nakakahiya!
Nandito na kami ngayon sa may balcony dito kasi ang ang dining area nila eh where from here kitang-kita ko yung buong beach. Actually yung seats namen reserved for four persons. Alam na ba nila na sumunod dito si Kirk? Shacks makakasabay namen siya magumagahan? Umupo na ako, katabi ko si Tristan sa right side ko at sa harap niya ay si Annie and what the heck hindi talaga siya umupo sa harap ko hah.
"Oh ayan na pala siya sabay-sabay na tayo kumain."nakangiti niyang sabi na nakatingin sa may kanang bahagi ng balcony na medyo may kalayuan din sa pwesto namin tatlo.
Kirk? Anong? Hindi maaari to? Ang puso ko. Aatakihin na ata ako dito. He's looking at me goodness then he smiled at me ba or at us? Sa ginagawa niyang ito mas lalo kong nararamdaman ngayong siya ang tinutukoy ni Annie na kasama ko nung makita kami ni Tristan.
Hindi na talaga maganda ang kutob ko parang may mali sa kinikilos niya kahapon pa siya ganyan eh pero mas malala ngayon. Ano ba talagang nangyare kagabi baket wala akong maalala?.
Then umupo na siya in front of me yung tingin niya di maalis saken at di ako sanay ng ganito siya may kakaiba sa kanya at nakikita ko sa mga mata niya na there's something strange happen last night. Phew ano bang pinagsasabi ko kagabi?
Magsisimula na akong kumuha ng pagkain ng lagyan ako ni Kirk ng bacon, ham and egg ultimo hotdog di niya pinalampas. Napapanganga na lang ako sa kakaibang ikinikilos niya konti na lang hindi ko na kakayanin ang kilig na nararamdaman ko ha! tapos umaasa lang ulit ako noh?
"Eat that!"sabi niya saken habang busy sa paglalagay ng ulam sa pinggan ko. Noh kaya nakain neto?
Dahil sa pagkakatulala ko kay Kirk hindi ko napansin na gabundok na pala ang nilalagay ni Tristan na fried rice sa pingggan ko.
"Yan ang ubusin mo di ka mabubusog ng basta ulam lang eh!"sabay subo niya ng pagkain niya
Eto namang lalakeng to ang wierd din ngayon napatingin ako sa kanilang dalawa ni Kirk at para akong nakakakita ng kuryente sa pagitan nila. Nakakatakot nga eh pero hinayaan ko na lang hindi ko naman alam kung nagtatalo ba talaga sila sa isip eh. Mas pinansin ko na lang ang gabundok na fried rice ko ngayon sa harap ko halos matabunan na nga yung ulam na bigay saken ni Kirk eh. Panira din talaga ng moment ko tong Tristan na to eh! Sarap batukan.
"Gagawin mo ba akong patabaing baboy?"sabi ko kay Tristan at napatawa naman ang dalawa sa harap namen
Ano bang palagay niya saken masiba din sa pagkain katulad niya? Parang bibitayin na ako bukas nito eh! Takteng tao to!
BINABASA MO ANG
The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)
Random[Highest Rank: Rank 2 in Pastlife Category] All about an exchange student from Philippines to Korea. She will study in a prestigious university where she will meet a guy who have a great part of her past. Princess of the past dynasty and a prince of...