Kirk Jacob's POV
Matapos akong maiwan ng team humabol ako sa sumunod na flight.Kadarating ko lang dito sa magiging dormitory ko nakakamangha kasi naman aakalain mong palasyo ito at hindi dormitory. May babaeng maganda na sa palagay ko ay ang landlady ng dorm na to ang nagwelcome saken. Nakakabilib nga dahil marunong siyang magtagalog nakakatuwa lang. Hinatid naman niya ako sa magiging kwarto ko ngunit bago siya umalis sinabi niya sa akin na ang mga taong nagru-room sa SW18 at SW20 ay ang mga kapwa ko estudyante na siyang kasabayan ko, kung ganoon mga Pilipino sila?Pagpasok ko naman sa kwarto ko ibinagsak ko kaagad sa isang sulok ang mga dala ko na sobrang bigat. Napahiga na lang ako sa kama na napakalambot mas malambot pa sa kama ko akala ko kakainin ako ng buhay. Hindi ako mapalagay sa kama ko kaya sa sofa na lang ako nahiga.
Tae. Ang saket ng ulo pakiramdam ko umiikot ang buong paligid ko. Hindi ko na magawa pang tumayo ang katawan ko bumabagsak sa sobrang pagod at kapag tumayo pa ako baka matumba pa ako kaya mas mabuti pa kung mamahinga muna ako. Pipikit na sana ako nang....
May kumatok. Sino na naman ba ito? Hindi ba niya alam na di ako marunong magkorean! Aaarrgghhh!
"Ahh ikaw ba yung ikatlong estudyanteng nakapasa sa exam na dapat kasabay naming pumunta dito kahapon?"Sino ba siya?"Mmm gusto ko lang humingi ng paumanhin sa ginawa naming pag-iwan sayo. Kase naman ikaw masyado ka pa VIP."Aba at ang kapal naman ng mukha niya para sabihan akong pa VIP."Hinintay ka naman namin kaso nga lang masyado ka nang lampas sa call time kaya umalis na kami. Ahm by the way Im Kirsten!"Kirsten?
Anong? Panong? Nakapasa siya? Kung ganon nasa iisang lugar lang kami at nasa parehong dorm nakatira tss nakakatuwa naman. Gusto ko sana siyang harapin pero ang sama talaga ng pakiramdam ko. Bawat parte ng katawan ko kumikirot, nanakit, at hindi ko maigalaw.
Bahala na nga tutal kung haharapin ko siya malamang mag-iingay lang yan at di na ako makapagpapahinga pag nagkataon. Hindi ko napansin nakatulog na pala ako.
Napapunta ako sa ibang lugar kung saan nasa likurang gilid ako ng isang lalake na nakasuot ng kakaibang pananamit at tantiya ko isa siyang mandirigma na nakaluhod sa harap ng isang matandang lalake na parang may dugong maharlika. Hindi ko kilala ang matandang lalake at di ko naman makita ang mukha ng binata.
Tila hindi nila ako nakikita at para lamang akong multong nakatayo rito.
Anong ginagawa ko sa lugar na ito. Nagsimulang umimik ang matandang lalake ng salitang diko maintindihan."Jeonsa Jae Hyun! Dangsineul chugbog! dangsineun nae ddal bohoja yeonghaleul hal geos!"sabi ng matandandang lalake [Jeonsa Jae Hyun! Dangsineul chugbog! dangsineun nae ddal bohoja yeonghaleul hal geos=Mandirigmang Jae Hyun! Binabasbasan kita! Ikaw ang magsisilbing tagapagtanggol ng aking anak!]
"Naneun gikkeoi bad-a"sabi naman ng binata at tumungo ito. [Naneun gikkeoi bad-a=Malugod ko pong tinatanggap]
Isinuot naman sa kanya ng matandang lalake ang isang kwintas na di ko maaninag ang hitsura. Matapos iyon ay tumayo na ang lalake at umalis na sa kinatatayuan niya ngunit bago pa man siya lumampas sa kinatatayuan ko tumingin siya sa akin at ngumiti.
Ano? nakikita niya ako? pinakita niya sa akin ang kwintas na isinuot sa kanya ng matandang lalake. Isang makalumang kwintas na parang may kapangyarihan. Nakita ko ang pendant nito at ito ay hugis......
BINABASA MO ANG
The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)
Aléatoire[Highest Rank: Rank 2 in Pastlife Category] All about an exchange student from Philippines to Korea. She will study in a prestigious university where she will meet a guy who have a great part of her past. Princess of the past dynasty and a prince of...