Chapter 14

188 5 0
                                    

Pagkatapos naming kumain siyempre umuwi na kami ni Kirk pero laking gulat ko ng makita ko si Tristan na nakahiga sa sofa at nagpapahangin pa sa mga tagapaypay niya,lying pretty? Eto namang si Kirk walang pakialam at dire-diretso lang siya.

"Tristan?"napamulat siya at nilingon ako

"Oh Sophia? Ah sige na!"sinenyasan niya yung mga maid na umalis na bago tumayo at lumapit saken."Hmm anong ginagawa mo rito?"

"Ikaw ang anong ginagawa mo rito?"Wag niya sabihing dito na rin siya nagdodorm?

"Nagpapahinga malamang......nakita mo naman diba?"

Nagpapahinga? At dadayo pa dito sa dorm ko para magpahinga.

"Eh ikaw ba anong ginagawa mo rito?"tanong niya saken ng nakangiti ng nakakaewan yung mga mata niya kasi nakakaintimidate na para akong nahi-hypnotize.

"Ahh dito ako nagdodorm!"sagot ko sa kanya

"Ah so....."at ngumiti siya ng nakakaloko

"So?"

Ano bang nasa utak ng tao na to? Nakakainis parang may gusto siyang sabihin na di niya masabi alam niyo yun paintense siya.

"Wala!!!"sabay tinalikuran niya ako at umupo na lang ulit sa upuan

Tristan Gregory's POV
Tumakas ako sa palasyo ayoko sa lugar na yun ang boring at kapag boring ako isang lugar lang ang pinupuntahan ko. Pumunta na nga ako sa dorm ni Noona para dun magpahinga. Nagpapahinga na ako nun ng tinawag ako ni Sophia at ang mas nakakagulat talaga dito pala siya nagdodorm sa pagmamay-ari ni Noona

Tss parang bigla na lang akong nainip nung tumaas na siya at iniwan ako hindi naman ako naiinip kanina ah. Haist saan ba ang room ng babaeng yun? Room SW..........Eto ako ngayon pinagmamasdan kung saan siya papasok SW....18. gotcha! Tatayo na ako ng.....

"Dongseng?"nagtataka niyang sabi [Dongseng=Younger brother]

"Noo....Noona!!!"

"Ano na namang ginagawa mo rito hah?"

"Ahh nagpapahinga?"

"Teka kumain ka na ba? magpapaluto ako..."

"Wag na Noona kumain na ako kanina."

Pero sa totoo lang hindi pa ako kumakain ng tanghalian hanggang ngayon. Ayoko lang sabihin sa kanya sesermonan na naman niya ako sobra-sobra siya maconcern saken eh.

"Oh sige pupunta na lang muna ako sa kwarto ko hah papahinga ako!"

"Sige Noona uuwi na rin ako mamaya"

Baket kami nagtatagalog? Nasanay na rin kasi si Noona mas gusto niya ang lenggwaheng ito lalo na nung may lalakeng pilipino siyang nakilala noon. Siguro naimpluwensyahan din siya ng lalakeng yun kaya nag-aral ng mabuti si Noona magtagalog at tinuruan rin niya ako. Basta pag kami magkasama gusto niya sa ganitong paraan kami nagcocommunicate.

Hinintay ko lang mawala ng tuluyan si Noona at umupo na lang ulit saka nagiisang daang isip kung gagawin ko ba talaga ito o hindi.

Sophia Kirsten's POV
Pagkatapos akong iwanan ni Kirk at talikuran ng taong ito eh dumiretso na lang ako sa kwarto ko para na rin ipahinga ang mangalay-ngalay kong mga paa. Hayy ang lambot talaga ng kama ko, ang sarap humiga. Nang biglang mapaupo ako sa gulat dahil.....

The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon