Chapter 48

87 2 0
                                    

"Mamamatay ulit ako sa pangalawang pagkakataon.! Hindi na niya ako magagawang iligtas."

Nagising ako na pawis na pawis. Ang sama ng panaginip ko ngayon ah. Napanaginipan ko si Yu Yoon umiiyak gusto ko siyang lapitan pero parang palayo naman siya ng palayo hanggang sa takbuhin ko na pero di ko pa rin siya maabot samantalang nakaupo lang naman siya.

Ang mga ibinubulong lang niya sa hangin ang nadirinig ko, maliban doon wala na. Huminto na ako dahil hinihingal lang ako sa katatakbo. Nagulat na lang ako ng bigla siyang magkakawag at sumigaw.

May lalakeng nakaitim ang kumidnap sa kanya. Tinahuban nito ang ilong ni Yu Yoon para di makahinga at nang mawalan na nang malay ay binuhat niya ito. Nakakapagtataka nilampasan niya ako as in lumampas sila sa katawan ko.Sino ang lalakeng yun? Baket niya kinidnap si Yu Yoon?

Napunta naman ako ngayon sa isang lugar kung saan napakadilim at wala akong maaninag. Pero biglang parang nagkaroon ng spotlight kung nasaan si Yu Yoon tumatangis dahil sa kaharap niya ngayon ang duguang si Jae Hyun na sinalo ang pana na dapat ay para kay Yu Yoon.

Huwat mauulit na naman ang nakaraan mamamatay na naman sila parehas?

Si Kirk kailangan kong balaan si Kirk. ayokong mamatay siya. Ayoko!

Kinuha ko ang phone ko pero laking gulat ko ng buksan ko ito. Nabasa ko ang isang qoute na nagsasabing:

"Ang nakatakda ay nakatakda. Mangyayari ang dapat mangyari."

Naitapon ko ang cellphone ko dahil sa takot. Nakakapangilabot ang mensaheng iyon, parang wala na kaming takas sa mga mangyayari sa hinaharap.

Maya-maya biglang may tumawag sa phone ko. Pagtingin ko si Tristan lang pala.

"Hello?"

"Sophia galit ka ba saken?"

"Huh? Ako? Galit? Baket naman ako magagalit sayo?"

"Eh nagtext ka kasi saken eh sabi mo wag na akong magpapakita pa sayo kahit kelan. Sabi mo pa salot ako sa buhay mo."sumbong niya saken

Wala akong sinasabing ganon noh. Unang pumasok sa isip ko na malamang may sala ay si Yu Yoon. Adik din yung multong yun ah.

"Ah wrong send ako. Pasensya ka na wrong send ako. Oo wrong send yun!"

"Greg Wangja!"dinig kong tawag sa kanya

"Ah sige tawag na ako!"sabi niya saken sabay end call.

Tatawagan ko na si Kirk ng biglang mamatay phone ko shit kung kelan kelangang kelangan ko saka pa naman nakikisabay ang pesteng dead batt na to kainis.

2hours passed binuhay ko na ang phone ko para tawagan si Kirk and luckily sinagot na niya.

"Hello Kirsten?"

"Kirk? k...kamusta? Di ka na tumatawag saken eh nag-aalala na ako sayo."pagkasabi ko noon narinig ko naman siyang natawa sa kabilang linya.

"Hmm.. Natats naman ako. Pasensya ka na kung pinagalala kita medyo mahirap kasi makakuha ng signal dito sa lugar na pinuntahan namin eh. Di kita makontak!"

"Ganun ba? Ahm Kirk ayos lang ba talaga kayo jan?"

"Oo ayos lang kami. Ikaw, wag kang magpapabaya hah!"

"Sige pero iingatan mo rin talaga ang sarili mo. Mahirap na ang lagay niyo ngayon."

"Pramis iingatan ko sarili ko para sayo."

The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon