Sophia's POV
Habang naghihintay kay Annie tinext ko muna si Tristan."Tristan may kelangan kang malaman."
"Ano naman yun?"
"Kasi di pa ako nagkakaron eh! problema to pag nagkataon."
"Baka nadelay ka lang Sophia"
"Tristan never pang nadelay ang period ko eksakto palagi sa calendar ko regular ako eh."pagkareply ko sa kanya nun di na siya sumagot. Leche baka talikuran niya lang ako. Naku mapapatay ko ang prinsepeng yun pag nagkataon.
Ilang oras pa ay dumating na si Annie dala ang ice cream ko. Pero ang aura ng mukha niya di ko siya makilala.
"Salamat!"nakangiti kong kinuha sa kanya ang ice cream ko.
"Kirsten magtapat ka nga saken, buntis ka ba?"
"Ano bang pinagsasabi mo? Siyempre hindi. Paano ako mabubuntis eh virgin pa ako."
"Oh sige ngayon mo patunayan saking hindi ka buntis, na VIRGIN ka pa hanggang ngayon!!! Eto oh kunin mo."sabi niya saken at inaabot pa saken ang PT na binili niya.
Shit bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Ano to? on the spot patutugain niya talaga ako sa tunay na nangyare samin ni Tristan sa resthouse. Tinanggap ko ang PT pero di ako umamin. Anong malay ko baka wala lang to. Oo tama think positive wala lang ito. Hindi ako buntis.
Pumunta na ako ng cr para malaman na namin ang result. Mga 10 minutes ako sa cr dahil damn it. 2lines ang nasa PT ko ngayon sumubok pa ako ng isa and shit ganun pa din. Pano ko ipapakita kay Annie to?
"Kirsten ang tagal mo naman jan."
"Mamaya lang di pa ako naiihi eh!"
"Pakibilis..."
Shit buntis ako. Kinapa ko yung cellphone ko pero naiwan ko pala sa kama. Shit baka magbasa si Annie ng inbox ko.
"Kirsten nagtext sayo si Tristan oh!"
Shacks fvck u Tristan.
"Wag mong basahin mamaya lang.
"Tumatawag na siya! Sasagutin ko na hah!"
"Ha wa..."di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sinagot na niya
"Hello Tristan. Saglit lang hah nasa cr lang si Kirsten"narinig kong sabi niya"Ah oh sige saglit bibigay ko na sa kanya!"
Maya-maya pa ay kumatok na si Annie sa pinto ko para ibigay phone ko kaya binuksan ko iyon at kinuha sa kanya.
"Ano ba yun?"pabulong kong sabi kay Tristan baka marinig kami nung isa eh."Peste Tristan ito na nga ba sinasabi ko eh, buntis ako at nakumpirma ko na. Si Annie nagdudududa na siya, siya na nga ang bumili ng PT ko eh!"
"Ano? Magiging tatay na ako?"nadirinig kong parang sobrang saya niya sa kabilang linya. Samantalang ako eh di na mapakali kung paano ko sasabihin kay Annie ang lahat."Sophia saglit lang intayin mo ako jan. Pupunta ako jan!"
"Mabuti naman akala ko iiwanan mo na ako eh."
"Tss...hindi mangyayari yun noh! Sige na babay Anae"
"Babay!"inend call ko na dahil nag iingay na rin sa labas yung isa.
"Kirsten lumabas ka na."
"Oo na...Lalabas na"phew kaya mo yan Sophia. Kinuha ko na ang PT sa lababo at lumabas na ako ng cr.
Nakita ko si Annie na nilalantakan na yung ice cream na pinabili ko. Aaarrrggghh pinabili ko na yun sa kanya di ba? Ang kapal talaga ng mukha ng kaibigan kong to.
"Ah ibibili na lang ulit kita, natutunaw eh sayang naman. Akin na yang PT patingin nga.Tingnan naten kung totoo mga pinagsasabi mo."
Wala na akong nagawa kundi ang ipakita kay Annie ang PT. And yes nagulat siya sa nakita niya at hayan na nga ba sinermonan na niya ako. Nagtanong din siya kung kelan pa. Grave tinalakan na naman niya ako. Hayst sorry na eh di ko na naman maibabalik yun. Nangyari na to tanggapin na lang na magkakaroon na ako ng baby.
Hihintay ko na lang ang pagdating ni Tristan. Haha panigurado excited na excited ang mokong na yun. Masaya ako pero at the same time nalulungkot para sa mga magulang ko. Buti na lang at napakiusapan ko si Annie na ilihim muna ang tungkol sa pagbubuntis ko.
Tristan's POV
Nandito ako sa loob ng kwarto ko ng magtext saken si Sophia. Kinukutuban na ako sa mga ipinapahiwatig ni Sophia sa text. Maaari nga kayang nabuntis ko siya? Dahil sa pagooverthink ko dito na di na ako mapakali at gusto kong makumpirma kung totoo ba ang mga texts niya tinawagan ko siya pero si Annie ang nakasagot. Buti na lang at di ako nagpadalos-dalos sa pagsasalita kundi mabubuking kami.Palabas na ako ng palasyo ng madaan ako sa kinatatayuan ni Eomma. Shit di maganda to, baket dito pa ako nadaan.
"Where are you going young man?"
"None of your business!"sabi ko dire-diretso palabas, mahirap na mamaya kung ano pa maisipan niyan.
"No your not going anywhere! Guards lock him in his room!!!"pagkasabi niya noon hinawakan na ako ng mga guwardiya
"Mwo? Naneun ne wangja ya. Na pul-eo jwo. Ssibal! Na pul-eo jwo!"pagpupumiglas ko sa kanila kaso kahit ako ang prinsepe nila reyna naman ang nag-utos sa kanila. Wala pa akong laban ngayon dahil di pa ako ang hari.[Mwo? Naneun ne wangja ya. Na pul-eo jwo. Ssibal! Na pul-eo jwo! = What? I am your prince. Let me go. The fvck! Let me go!"]
Kinulong nila ako sa kwarto ko, pinilit kong lumabas pero hindi ko magawa. Paano ako makakapunta nito kay Sophia. Kailangan niya ako ngayon, nakakainis talaga ang matandang hukluban na yun. Kahit kelan kontrabida sa buhay ko. Nakaisip ako ng paraan para makatakas dito, ang bintana. Ngunit nabigo ako sa balak ko dahil may mga nakabantay na guwardiya sa ibaba ng bawat bintana ko.
Sophia. Patawad kung hindi ako makakapunta sayo. Nais ko pero bantay-sarado ako. Patawarin mo ako.
Sophia's POV
Hinintay ko si Tristan sa may lobby pero hanggang ngayon walang Tristan na dumating,ni wala ngang anino niya eh. Inabot na ako ng hapon dito pero wala pa rin siya. Peste talagang tao yun nangangako tapos di naman tinutupad. Hayst sabi na nga ba eh pag buntis na ako wala na rin siyang pakialam saken. Kunwari pang tuwang-tuwa yun naman pala duwag. Leche!Di na ako naghapunan kahit paulit-ulit na akong nilapitan ni Annie para aluking kumain. Ngayon ko lang ata kinatamarang kumain kagagawan ito ni Tristan eh. Epal talaga siya sa buhay ko. Wag na siya magpapakita saken masusuntok ko lang siya.
Nasa kwarto ako ngayon binuksan ko muna ang bintana dahil medyo mabanas eh nalimutan kong ireport yung aircon. Nakatulog na lang ako sa sobrang antok nahihilo pa rin ako kasi ngayon eh.
Mahimbing na ang tulog ko ng magising ako sa sobrang lamig kaya naisipan kong isara na ulit ang bintana ko. Sa may papuntang cr nakita ko si Yu Yoon nakatalikod siya saken at umiiyak. Hayst yeah umiiyak na naman siya wala namang bago dun diba, tuwina lang makikita ko siya palagi na lang siyang umiiyak.
Tumayo ako para lapitan siya ngunit di pa ako nakakalapit ng tuluyan sa kanya eh nagsalita na siya kaya napatigil ako.
"Umalis ka na!"pagkasabi niya noon bigla na lang siyang naglaho.
Alis? Baket ako aalis?
Nagulat ako ng bigla na lang may lumapit sa likod ko at inilagay ang kamay niyang may mabahong panyo sa mukha ko. Nililimis niya ako nagkakakawag ako pero sadyang malakas ang tao na nasa likod ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.
A/N:
Hi pasensya na sa pambibitin malapit-lapit na rin kasing matapos ang istorya nila Sophia eh. Konting chapters na lang at makokoronahan na ang ruler ng Korea. Stay in Crown😊💯
BINABASA MO ANG
The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)
Random[Highest Rank: Rank 2 in Pastlife Category] All about an exchange student from Philippines to Korea. She will study in a prestigious university where she will meet a guy who have a great part of her past. Princess of the past dynasty and a prince of...