Chapter 52

77 4 0
                                    

Kirk's POV
Ilang linggo na ang nakalilipas simula nung umalis ako sa dorm at maiwan ko si Kirsten. Sa totoo lang gustong-gusto ko na siyang makita, yakapin at mahalikan uli. Namimiss ko na siya ng sobra pero di ko magawang iwan si Lady Sun Hwa dahil misyon kong protektahan siya. Sana ay ayos lang si Kirsten doon at di pa niya ako pinagpapalit kay Tristan.

Mga ilang araw bago huling tumawag saken si Kirsten nanaginip ako kausap si Jae Hyun. Nasa isang lugar kami kung saan tanging kami lang ang naroroon. Parang isang gubat na di gaano kadami ang mga puno at mahamog din ang buong paligid.

"Nais mo bang malaman ang nakaraan mo?"sabi niya

"Hm?"napakunot noo na lang ako sa sinabi niya

Sa hangin parang nagkaroon ng isang malaking tv at napoproject doon ang mga taong di ko makilala. Para silang mga sinaunang tao dito sa Korea puro mga pantradisyon na damit ang suot nila.

Nakita ko doon sina Yu Yoon at Jae Hyun, ang pagkamatay nilang dalawa. At ang lalakeng pinakasalan ni Yu Yoon na tiyuhin niya ay tuluyang naging hari ng Korea. Napakagahaman talaga ng hayop na taong yun nagawa niyang ipapatay ang sarili niyang pamangkin para lamang maging hari. Nakita ko na nagpakasal siya sa prinsesa ng Japan ngunit kasabay nito matapos ang seremonya sa isang sulok nandoon naghihintay ang isang babae. Ang babaeng iyon ay mukhang simple lang at parang wala namang katayuan.

Nilapitan ito ng hari, na tinatawag nilang Haring Ji Kwong at saka binigyan ng pera bago pinalayas ng wala man lang nakakaalam.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng umekstra si Jae Hyun at nahinto ang pinapanood ko.

"Si Ji Kwong ay ang hari na inakala ng lahat na napakabuti. Ngunit ang mga paniniwala nilang ito ay pawang kalokohan. Si Ji Kwong ay nagkaroon ng anak sa isa sa mga tagasilbi ng palasyo, panganay na anak. Ngunit ang babaeng iyon ay pinalayas niya at sinabihang huwag ng magpapakita pa sa palasyo kahit kelan."pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagpatuloy ang pinapanood ko.

Nagfast forward ng konti hanggang sa nakita ko ang mama ko habang buhat-buhat ako. Teka anong kaugnayan namin don baket bigla na lang napunta samen ang kwento?

"Kirk ikaw ang great great grandson ni Ji Kwong. Ang batang nasa sinapupunan noon ng tagasilbi ay ninuno mo. Isa ka sa mga maharlika na di nagkaroon ng pagkakataong maparangalan. Kayo ng mama mo."

Ano? Ako? ang lahi ko ay isang bastardo ng walanghiyang hari na yon? Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi saken ni Jae Hyun.

"At ang nakilalang maharlika ng sambayanan ay ang anak ni Ji Kwong sa haponesang prinsesa na asawa niya, na ninuno naman ng mga magulang nina Sun Hwa at Tristan. At si Sophia ay......"hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil nagising na ako. Oo ginising kasi ako ni Lady Sun Hwa eh.

Kung isa nga ako sa pamilya ni Ji Kwong at ganundin sina Tristan....magkakamag-anak kami? Kung ganon dapat pala prinsepe rin ako, kung ipinakilala lang sana ang lahi namin sa sambayanan.

"Ano ba yun?"medyo naiinis kong tanong ko sa kanya.

"Ahm pasensya na kung napakealaman ko ang cellphone mo. May itatanong lang sana ako."hawak niya ngayon ang phone ko at mukhang nahihiya pa siyang magtanong

"Ano yun?"tanong ko sa kanya

"Si Kirsten ba to?"

"Oo. kuha ko ang picture na yan noong high school pa lang kami. Baket?"pagkasabi ko noon natulala na lang siya at di makaimik."Lady Sun Hwa......Lady Sun Hwa..."niwe-wave ko naman ang kamay ko sa harapng mukha niya para matauhan

"Oh shit Kirk bumalik na tayo ngayon sa Seoul. Balikan naten si Kirsten. Bilis!!!"sabi niya saken na nagmamadaling tumayo at naggayak papuntang cr.

The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon