Paglabas namin sa kwarto ko kanina nakita namin si Annie sa sala nakatutok sa cellphone niya. Dumating na pala siya di man lang nagpasabing nakarating na siya.Napagpasyahan na rin kasi naming sabihin sa kanya ang mga nalaman namin at ang plano ni Kirk na paglayo samen. Ayun nalungkot at nag-iiyak din ang loka-loka. Di ko naman siya masisisi kung baket ganun na lang kaOA ang reaksyon niya kasi mas close pa naman talaga sila kesa saken noon diba?
5pm na at nakagayak na si Kirk sinamahan ko kasi siya sa kwarto niya para tulungan mag-empake. Siyempre habang nagaayos kami kwentuhan portion din ang ginawa namin. Mamimiss ko siya ng sobra itong bawat pagngiti ng mga mata niya, mamimiss ko. Alam ko mga 6pm pa ang flight nila dahil royalty nga si Lady Sun Hwa di na niya kelangan pang makipagsabayan sa mga ordinaryong tao sa eroplano meron siyang tinawagang private plane na sila lang ang maaating sumakay at sinabihan nila ito ng palihim, yung walang nakakaalam.
"Ahm sige Kirsten salamat sa pagtulong liligo na muna ako!"sabi niya
"Walang anuman yon sige lalabas na ako."
Lumabas na ako ng kwarto ni Kirk at pagtingin ko sa sala nandoon si Lady Sun Hwa kausap ang isang lalaking nakatalikod na namumukhaan ko ang posisyon ng pagupo niya at ang buhok niya parang pamilyar saken. Sino kaya ito?
Pinagmasdan ko lang sila at napansin kong close ang dalawa sa isat isa kaya naman kita ko sa hitsura ni Lady Sun Hwa ang lungkot siguro pinaguusapan nila ang pag-alis niya. Nakakaawa din kasi siya noh? Pabalik na ako sa room ko ng tawagin ako ni Lady Sun Hwa.
"Kirsten!"
Nilingon ko sila at nakita kong parang naguusap naman sila ngayon nung lalake ng bulungan di ko maintindihan nakakunot noo na lang si Lady Sun Hwa. Hm ano kayang problema?
"Baket po?"tanong ko sa kanya habang bumababa ng hagdan.
"Ha ahm ipapakilala ko lang sana sayo si Greg, kapatid ko!"sabi niya saken ng nakangiti pa at tila naguguluhan sa kapatid niya.
Huwat kapatid niya? Ibig sabihin yang lalakeng yan ang prinsepe? Takte mukang kelangan ko atang magtago. Pero baket ganon parang di na ata kelangan parang ayaw naman akong harapin ng prinsepeng to. Akala ko ba gustong-gusto niya akong makita. Baket parang nanginginig sa kaba to? Hui ano ba lilingunin mo ba ako o aalis na lang ako dito.
"Dongseng?"nakakunot ang noo ni Lady Sun Hwa na para bang inuutusan niya ang kapatid niyang lingunin ako.
Ano ba yan choosy ba yan o naglue na ang paa at may stiff neckpa ata. Unti-unti naman akong nilingon nung prinsepe na yun at......
What the hell....
"Tristan?"
Peste. Siya ang prinsepe? kaya pala pamilyar saken ang likod niya. What the eff ibig sabihin si Tristan at ang prinsepe ay iisa. Shacks kaya pala noong una pa lang parang may kakaiba na sa kanya. Siya pala ang may-ari ng kwartong nilooban ko noon sa palasyo, siya na pala ang prinsepeng nilalait ko noon at may pakana ng lahat ng kalokohan sa school at ng pagkakahack ng facebook account ko.
Hype na taong to may di patanggi-tanggi pang nalalaman sa pagkakahack ng facebook ko, siya naman pala talaga ang suspect.
"Hi!"hindi makatinging diretso saken si Tristan habang ako eh naniningkit ang mata sa kanya at nagkikiskisan ang mga ngipin ko sa galit.
Gusto ko siyang sunggaban at pagsusuntukin pero dahil nandito si Lady Sun Hwa, Sophia huminahon ka. Mamaya mo ba lang patayin ang lalakeng yan pag-alis ng prinsesa. Psh wala akong pakialam kung siya ang prinsepe pagbabayaran niya ang pinaggagawa niya saken pagpapahiya sa school. Rumoured girlfriend pala hah?
BINABASA MO ANG
The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)
Random[Highest Rank: Rank 2 in Pastlife Category] All about an exchange student from Philippines to Korea. She will study in a prestigious university where she will meet a guy who have a great part of her past. Princess of the past dynasty and a prince of...