Chapter 30

127 7 0
                                    

Pumasok lang ulit ako sa kwarto ko ng pasimple para walang makakita saken. Kinuha ko ang phone ko at hinanap ko doon ang picture sa pader pero kahit paulit-ulitin ko ata itong mga ito eh di ko makita tanging ang capture ko lang sa ginagawa noon ni Lady Sun Hwa na sulat. Hindi man ito kumpleto at least baka naglalaman iyon ng konting impormasyon.

Papasok na ako sa kwarto ni Annie nang....

"Kirsten!"napalingon ako kay Kirk na kalalabas lang ng kwarto niya

"Oh baket?"tanong ko

"Ah may itatanong lang ako sabi kasi saken ni Annie may ibibigay ka daw saken ano ba yun? nacurious lang kasi ako."

Takte ang daldal din talaga ng kaibigan kong yun eh hindi man lang ako hinayaang ako ang magsabi kay Kirk at inunahan pa ako. Sasakalin ko talaga ang loka-lokang yun.

"Ha? ah ano kasi....naiwan ko sa kwarto ko.!"

"Ganun ba? Sige mamaya ko na lang kukunin pero salamat hah!"sabi niya saken sabay tinungo ang kitchen sa baba.

Grave talaga akala ko mapipilit pa niya akong ibigay sa kanya ang nakakahiyang message na yun. Nang dahil sa walang hiya kong kaibigan malalagay ako sa sitwasyong awkward para sameng dalawa. Siyempre di pa ako ready magsabi o magbigay ng word na I love you or whatever.

Nang mawala na siya sa paningin ko pumasok na ako sa kwarto ng eksaherada kong kaibigan.

"Annie ikaw na babae ka ang eksaherada mo din talagang tunay eh ano? Baket mo naman agad sinabi kay Kirk na may ibibigay ako sa kanya? Ayun naghihintay tuloy yung tao. Kainis ka naman eh!"sabi ko sa kanya sabay upo sa gilid ng kama niya

"Kirsten ano bang pinaglalaban mo jan eh pasalamat ka nga ako na ang naging way mo para maibigay sa kanya yung sulat na ginawa ko kanina."sabi niya na tila ba walang pakialam saken dahil busy sa paglalarong play station.

"Annie itigil mo nga muna yang paglalaro na yan at may sasabihin ako sayo!"

"Wait lang mananalo na ako eh!"sabi niya na nakangirit pa, hindi naman halatang gustong-gusto niya manalo eh ano?

>Jin wins<

"Yes!"ngiti niya na para bang bata."Ok ano bang sasabihin mo? Mas mahalaga pa ba yan kesa Tekken na nilalaro ko?"inilapag niya ang contoller at humarap saken

"Matutulungan mo ba akong maghanap ng katotohanan?"

"Huh?"

"Alam ko naguguluhan ka pero maski ako naguguluhan na din ako dahil sa mga kakaibang nararamdaman ko simula ng makarating tayo dito sa bansang ito. Pakiramdam ko nung dumating tayo dito palagi na akong sinusundan ng mga nakaraan na nangyare sa bansang ito."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Annie si Lady Sun Hwa pakiramdam ko may nililihim siya sateng lahat dito. Ang mga multo na nagpapakita saken totoo sila, hindi lang basta ako nagiimbento. Annie maniwala ka saken please nagsasabi ako ng totoo."

" Paano ka naman nakakasiguro na may itinatago ngang lihim si Lady Sun Hwa? May nakita ka bang kahinala-hinala sa kanya para pagdudahan mo siya?"

"Oo mapapatunayan ko yan sayo mamayang 12midnight. Dito ako makikitulog sa room mo at hihintayin naten ang hatinggabi. Dun mapapatunayan ko sayong may kakaiba kay Lady Sun Hwa!"sabi ko

"Sige para manahimik ka gagawin naten yan. Ano? meron ka pa bang sasabihin saken kasi maglalaro pa ulit ako."

"Ah meron pa"inopen ko uli ang phone ko at ni-click ang capture ko sa sinusulat noon ni Lady Sun Hwa."Maaari mo bang sabihin saken ang ibig sabihin niyan?"sabay iniabot ko kay Annie ang phone ko

The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon