Chapter 19

182 6 0
                                    

Tristan Gregory's POV
Nung dumating ako sa sa school nagtaka ako dahil wala pa rin si Sophia late na naman ba siya di ba siya nadadala? Papasok na ako sa comlab nang makasalubong ko sa hallway si Sir at nilapitan naman niya ako.

"Greg Wangja follow me!"sabi niya at umiba ng direksyon

Saan naman niya ako dadalhin? Teka! Detention Office? Anong gagawin ko dito?

"I am sorry but I have to these it's the order from the school. Because of your bad attitude yesterday. Being disrespectful and cutting class is a major offense of our school. Get in!"

Wala na nga akong nagawa at pumasok na ako laking gulat ko na lang ng makita kong nandito pala si Sophia ang swerte ko naman ata ngayon. Hindi din pala, napalingon ako sa lalakeng katabi niya at si Kirk ang lalakeng yun.

Nagulat na lang siya sa pagdating ko at tumabi na lang ako sa kanya. Nakakalungkot naman kay Kirk nagpapasalamat siya samantalang saken, parang balewala lang ako sa kanya. Galit ba siya saken? at ang mas nakakainis pa pinasalamatan uli niya ito kaya nakakawalang gana tumabi sa kanya, may katabi ako pero parang wala.

Kinilig naman ako nung umalis ako sa tabi niya at siya naman ngayon ang umupo sa tabi ko. Nagthank you at nagsorry din siya saken nakakatuwang pakinggan.

Nang matapos ang detention hours namen dumiretso kami sa comlab para sa prog subject namen. Pare-parehas kaming walang imik. Hanggang sa matapos ang klase wala pa ring umiimik sa isa samen.

Kamusta kaya yung gawa ni Sophia sa programming, naparun kaya niya? Di ko na kasi nakita dahil busy din ako isa pa nadadagdagan ng panibagong data type ang activity namen. Sana naparun niya.

Matapos ang klase umuwi ako sa palasyo at bumungad saken si eomma, sinermonan na naman ako dahil sa nangyari kanina. Wala na akong pakialam sa kanila puro na lang sila dada ansaket na sa tenga.

Nahiga na lang ako sa kama ko at napatingin sa napakataas na kisame ng kwarto ko. Maraming tao ang ninanais maging isang katulad ko prinsepe at susunod na tagapagmana ng korona at mamamahala sa buong bansa pero hindi ko naman talaga ninais ito eh. Mga mamahaling bagay na nakapalibot walang silbi ang mga ito gayong hindi na kami makukumpleto. Namimiss ko na ang mga panahong nandito pa si Noona at masaya pa kaming naglalaro at sabay-sabay kumain.

Habang sinasariwa ko ang mga nakaraan napalingon ako sa litrato namen ni Noona noong mga bata pa kami at dito pa siya nakatira.

Back when I was 9 years old at 17 years old na si Noona....

"Dongseng ngayong maalam ka na talagang magtagalog ipangako mo sakeng pag tayo ang magka-usap yun ang language na gagamitin naten hah at wala nang iba pa."sabi niya saken sabay akbay

"Opo Noona!"

"Lalo na pag nasa harap niya tayo!"bulong niya saken at tinuro ang isang lalakeng papasok sa St.Nicholas Dormitory.

"Baket naman Noona wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?"tanong ko sa kanya at sinusundot-sundot ko pa ang tagiliran niya.

"Ano ba? Itigil mo nga yan! sssshhhh!"pagawat niya saken at tiningnan uli ang lalake"Siya ang crush ko dongseng. Siya ang gusto kong maging prinsepe!"

"Mahal mo na siya Noona?"

"Wag kang maingay baka may makarinig sayo niyan eh!"

"Ok so ano?"bulong ko sa kanya

Tumango lang siya alam ko at dama ko na ang lalakeng yun ang dahilan kung baket nainspire si Noona mag-aral ng lenggwaheng ito. Ngunit mahirap ito narinig ko kasing nag-uusap sina eomma at appa tungkol sa prinsepe ng Japan na ipagkakasundo kay Noona bago sumapit ang ikalabingwalong taon niya, para makoronahan siya bilang bagong reyna ng Korea.Narinig ko na malapit na itong dumating dito sa Korea para matuloy ang seremonya. Gusto ko itong sabihin kay Noona pero natatakot ako kay eomma.

Si eomma ang aking ina na sobrang tapang, disciplinarian, strikto at perfectionist. Nais niya na sa isang lalakeng may dugong maharlika makasal kay Noona lalot higit sa lahat ang maaaring interes na makuha niya sa bansang Japan kapag naganap na ang kasal nina Noona at ng prinsepeng hapon. Ngunit ang taong mahal ni Noona ay isang ordinaryong mag-aaral lamang ng Korea University. Hindi prinsepe at walang ari-ariang maaaring maipakita sa mga magulang namin.

Paano ko sasabihin ito kay Noona kung alam kong masasaktan lang siya ng sobra-sobra kapag nalaman niyang ipapakasal siya sa kung sino-sino. Maya-maya lumabas uli yung lalake at hindi na siya nakauniform.

"Sun Hwa!!!"tawag nito kay Noona at nilapitan kami"Anong ginagawa niyo dito?"

"Ah wala napadaan lang kami. Ah Mark kapatid ko si Greg, Greg si Mark kaibigan ko."pagpapakilala ni Noona samen at nagkamay kami nung lalake

"Nga pala buti naman at nagkita tayo yayayain kasi kita bukas. Sa park 9am may sasabihin ako."

"Ah ok wait me there"

"Ok bye!"

"Bye!"

Nakita ko kung gaano kasaya si Noona at nagdesisyon akong huwag na lang sabihin ang lihim nina eomma. Hahayaan ko na lang muna siyang sumaya sa piling ng lalakeng yon.

Kinabukasan dumating si Noona sa palasyo na malungkot at parang babagsak na ang mga luhang tila kanina pa pinipigilang bumagsak. Umupo siya sa sofa at napatungo na lang kaya naman nilapitan ko siya at tinabihan. Ano bang nangyare sa kanya? Anong pinag-usapan nila nung lalake?

"Noona anong nangyare?"

"Aalis na siya. Babalik na siya sa Pilipinas. Iiwan na niya ako Greg iiwan na niya ako!"sabi niya saka tuluyang bumagsak ang mga luha niya at niyakap ako

Shit. Pano na to nasasaktan si Noona. Wala pa yung hapon nasasaktan na siya. Baket ba kelangang umalis pa yung lalake? Baket iniwan niya si Noona?

Dumating ang araw na ikinakatakot ko dumating na ang prinsepe ng Japan para pakasal kay Noona at sa gulat niya umalis siya sa bahay. Pinahanap siya ng mga magulang namin pero nabigo sila sa paghahanap kayat naudlot ang kasalan at bumalik na sa Japan ang lalake. 2 taon akong walang balita kay Noona hanggang sa umuwi siya sa bahay.

Namiss namin siya pero hindi pala siya nagbabalik kundi mamamaalam ulit. Nalungkot si appa samantalang si eomma ay parang nagkaroon ng hinanakit kay Noona. Nagdesisyon si Noona tulungan pa rin sina eomma na magtatayo siya ng isang dormitoryo para sa mga aspiring student na magsisilbing makakatulong sa bansa namin.

Sumang-ayon na doon si appa kesa naman mawala ulit si Noona samen ng sobrang tagal. Kaya si Noona? malayang-malaya na siya ngayon samantalang ako nakakulong pa rin sa buhay na tinalikuran niya.

Ang tradisyon, kapag kaarawan ko na at dalawampung taon na ako kasabay noon ang pagtatanghal para sa kasal ko para maging ganap na hari na ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil kapag hari na ako magiging malaya na ako sa pangongontrol saken ng mga magulang ko o malulungkot dahil ibig sabihin din noon ay matatali ako sa isang babaeng hindi ko mahal.

Katulad ni Noona ipagkakasundo ako ng mga magulang ko sa isang prinsesa. Minsan ngang narinig kong usapan nila na sa nagiisang prinsesa ng bansang China ako ikakasal. Si Prinsesa Chun Li ba yun?

Gusto ko sana bago ako matali sa babaeng yun ay ang umibig ng totoo sa babaeng hindi ako nakikilala sa kung sino ako at magpapasaya saken kahit na sa konting panahon lang.

Hindi kasi ako maaaring umalis at gayahin ang ginawa ni Noona kasi kung gagawin ko yun sino na lamang ang magiging pinuno ng bansang Korea. Mahal ko ang Korea kaya kahit masakit magsakripisyo gagawin ko.

The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon