Chapter 38

75 6 0
                                    

September na grave bilis ng panahon nalalapit na ang birthday ko, matuturingan na talaga akong dalaga nito pwede ko nang sagutin si Kirk. Matagal na ring di nagpaparamdam ang kaluluwa ni Jae Hyun at ang panaginip ko madalang na rin magpahiwatig. Baket kaya? hanggang ngayon wala pa rin kaming ideya kung saang lupalop na ba ng Korea napadpad ang prinsesa. Kahit na noon hinangad ko na magkaroon ng cotillion sa debut ko alam ko namang di carry yun ng badget nina mama at papa tapos malayo pa ako sa kanila kaya eto ayos na saken ang isang simpleng cake at matawagan ng matagal ang pamilya ko.

Dahil inannounce sa school na the whole class period wala kaming klase wala na akong balak pang pumasok. But unfortunately attendance is a must dahil may training kami. Tangnang training na yan isang araw na pahinga lang sana para sa training na yan di pa kami pagbigayan. Di ba nila alam na wala sa forte ko ang pagiging warrior something na yan.

Magkasabay kami ni Kirk na pumasok ngayon at nakita naming nagkakagulo ang mga tao sa announcement board. Anong meron?

"Warrior Tournament will be on October. All first year students of SWDormitory requires to compete in the said tournament!"

Takte malapit na isang buwan na lang at manganganib na ang buhay naming tatlo. Ang lovelife ko kay Kirk mapupurnada pa nga ata. Marami ang nagtataka 'expression of the face' kung ano ba talaga ang mangyayari sa warrior tournament. Pero kami ni Kirk alam na namin nagkatinginan pa nga kami eh at nagulat ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko na parang bang tipong nangchi-cheer up pa saken.

"Kaya naten to Kirsten. Walang mamatay sateng tatlo baka pag sakaling nakita naten ang prinsesa matulungan niya tayo."sabi niya sabay ngiti pa saken

Ano ba yan? Buti pa siya nagagawa niya pang ngumiti sa mga bagay na katulad nito. Samantalang ako nagugunos na ako, hindi naman kasi maikakailang isa samen ang kelangan mamatay para makaligtas ang dalawa. At ayoko pang mamatay di pa ako handa, di ko naman kayang patayin si Annie bestfriend ko siya noh lalong-lalo na si Kirk first love ko yan noh!

"Sana nga Kirk. Sana nga!"malungkot kong tugon at nagpakita ng fake smile sa kanya.

Nagulat na lang kami ni Kirk nung naglalakad na kami papunta sa room ng biglang may pumagitna sameng dalawa at inakbayan pa ako. Paglingon ko sa pesteng panira ng moment ko kay Kirk what the....Tristan?

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"-ako

"Malamang papasok magkakaklase naman tayo di ba!"nakangiti niyang sabi saken

Ano ba nakain neto matagal siyang bitter saken tapos ngayon bigla na lang susulpot sa tabi ko at parang walang nangyareng kabitteran niya. Nga pala! naalala ko nagtapat na nga din pala siya saken. Seryoso ba yun?

Si Kirk lumipat sa kaliwa ko at saka hinawakan uli ako sa kaliwang kamay ko. Ano to? napagigitnaan ako ng dalawang lalakeng may gusto saken yeah haba hair ko no. Yung isa sa kanan nakaakbay akala mo boyfriend ko na samantalang tong nasa kaliwa ko kapit-kapit ang kamay ko, ayaw ako alpasan. Naiilang tuloy ako. Ano ba? pwede ba itigil niyo na ang mga ginagawa niyo parang puputok na yung ulo ko sa kilig takteng mga hinayupak to. Malamang para na naman akong binuhusan ng pulang pintura nito pagpasok ng comlab.

Sa daan di inaasahang nakasalubong namin si Annie. Nagkatinginan kami eye to eye at halatang kinilig pa ang bruha. Tangna di pa ako tinulungan ng loka-loka.

"Ang sarap pala sa pakiramdam na may kasabay kang babae at di lang yun ang close ko pa sa kanya!"putol ni Tristan sa katahimikan at ngumingiti-ngiti pa sa kawalan.

"Kaya nga lalo na pag hawak mo pa siya sa kamay ang gaan para kang nasa langit!"dugtong naman ni Kirk

"Tumpak sayang nga lang ang gusto ko sana kaming dalawa lang yung magkasama at walang asungot!"dagdag ni Tristan

The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon