Kinabukasan pagkagising ko naisip kong tawagan sina mama namimiss ko na rin yung mga yun eh ilang linggo na rin akong walang contact sa kanila. Nagdadial na ako ng biglang pumasok sa kwarto ko si Annie.
"Kirsten may magandang balita ako sayo."
"Ano naman yun?"
"Nakausap ko kahapon si Ate Shaine at lalabas daw siya ngayon sasama siya mamaya sa club. Ano go ka ba?"
"Annie hindi naman good news yan eh maglalakwatsa ka na naman? Hindi ka na nalagi dito sa bahay ah?"kunot kong sabi sa kanya
"Ikaw naman siyempre gusto ko lang naman makajoin si Ate Shaine bago magsimula ang war. Alam mo namang kaclose ko yun di ba saka walang nakakasigurado sa atin na mabubuhay ang isa saten."malungkot niyang sagot saken. Sa bagay feel ko siya may point din naman siya kaya sige na nga sasama na ako mamaya.
"Ano ka ba wag ka ngang magsalita ng ganan walang mamamatay saten. Oo na sasama na ako pero di ba may pasok pa tayo?"
"Haist hindi ka nagonline noh?"tanong niya saken ng nakapamewang pa.
"Hindi. Baket may update ba sila?"
"Oo kagabi lang sila nagpost. Ngayong araw na to gaganapin ang warrior tournament. Pasalamat na lang talaga tayo di na tayo kasama dun. Kaya nga di ba free din ngayong araw na to si Ate Shaine kasi di na naman siya kasali sa warrior tournament na yun. So ano go ka ba?"
Oo nga pala October na ngayon masyado na kasing nakakastress lalo pa kung iisipin kong malapit na ang coronation day ni Tristan.
"Oo na go ako jan."tugon ko sa kanya bago siya tuluyang umalis na para bang batang tuwang-tuwa sa narinig.
"Magpaganda ka ha. Baka may makita tayong boylet don"pahabol ng lokaloka
"Che!!!"
Sira ulo talaga yung kaibigan kong yun. Siguro nasa school na si Tristan ngayon. Sa pagkakaalam ko kasi nandodoon ang royal family ngayon tournament at manonood. Grave sila noh panonoorin lang nila kung paano magpatayan ang estudyante haist grave madugo yun. Di kakayanin ng sikmura ko yun.
Pano kaya kung kasali pa rin kami nina Annie don siguro panonoorin lang kami ni Tristan haist. 😢
"Hello ma, pa. "
"Oh anak kamusta ka na jan. Matagal kang di nakatawag ah may problema ba anak?"tanong saken ni papa mukang nagalala sila saken ng sobra. Pasensya na po.
"Ayos lang naman po ako dito papa. Kayo po? Si Cram po?"
"Ok lang kami anak. Ayun miss ka na rin saglit tawagin ko lang. Marcus!!! Marcus kakausapin ka ng ate mo."
"Hello. Ate?"masayang bati saken ni Cram grave namiss ko tong cute niyang boses hayy alarm clock ko miss na kita.
"Musta na ang gwapo kong kapatid hah? Mataba ka na ba o payatot pa rin haha!?"
"Mataba na ako ate kumakain kasi ako ngayon nung niluluto ni mama na mga buto."pagmamalaki saken ni Cram. Buto?
"Buto? Anong buto?"
"Naku Sophia balatong yun."singit ni mama kahit na parang di niya hawak yung phone dahil medyo mahina boses niya.
"Ahh akala ko naman kung ano na. "
"Saka ate kumakain na din ako ng kabalasa"pagmamalaki na naman niya saken haha yung kalabasa naging kabalasa na pati nauutal na tong kapatid ko.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)
Acak[Highest Rank: Rank 2 in Pastlife Category] All about an exchange student from Philippines to Korea. She will study in a prestigious university where she will meet a guy who have a great part of her past. Princess of the past dynasty and a prince of...