Matapos ang konting oras na pagtambay naming magkakaklase sa comlab pinalabas na kami ni Kirk dahil sa kaming dalawa lang ang SWDormitorians. Papunta na kami ng field para sa hell subject namin. Kahit na ayoko pumunta doon required naman kaya no choice.
Matapos ang training namin mga quarter to 12 na. Yeah mas matagal na ngayon ang oras ng pageensayo namin. Nang makarating na kami sa dorm nagpaalam lang ako kay Kirk at pumasok. Ngayon nakahiga ako sa kama at nag-iisip ng mga paraan para makapasok ulit sa mahiwagang kwarto na yun. Dahil feeling ko talaga, feeling ko lang hah itong sunod na pagpasok ko sa kwartong yun marami na akong malalaman.
Maya-maya may kumatok sa pinto ko. Sino naman kaya ang taong ito? Ah baka naman si Annie. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa nakita ko, si lady Sun Hwa. Ngayon kasi madalang ko na siyang kinakausap dahil sa nalaman ko sa kanya. Muhing-muhi ang pakiramdam ko sa kanya pero di ko lang pinapahalata. She deserves to have a special place in hell.
"Hi Kirsten. Maaari bang pumasok?"tanong niya saken yung tipong napakabait na akala mo anghel
"Ah ok."tugon ko sa kanya sabay tabi
Pumasok siya sa loob ng kwarto ko at pinagmamasdan ang buong paligid. Maya-maya umupo siya sa couch at tiningnan ako sa paraang parang ang seryosong masyado ng mga mata niya.
"May gusto ka bang sabihin saken?"tanong ko sa kanya
"Itatanong ko lang kung anong dahilan at parang nagiging mailap ka ata saken these past few days?"
Napapansin din pala niya tss ano ako tanga para sabihin sa kanya ang dahilan ko mamaya iassassinate pa ako niyan.
"Ahh ano...busy kasi ako sa school dami na masyado gawa eh! Nadagdagan pa ang load namen kaya nakakastress!!!"sabi ko sabay upo sa gilid ng kama ko
"Ganun ba? Hay salamat naman akala ko kasi may galit ka na saken eh!"
"Ano ka ba? Wala akong galit sayo noh! Saka isa pa di ako sanay magalit ng matagal sa isang tao."fake smile and yeah plastic mode tayo ngayon.
"Ah sige aalis na ako tungkol lang naman talaga sa bagay na yun kaya ako nandito eh. Salamat!"sabi niya sabay tayo at tinungo ang pinto
Hinatid ko lang siya sa may pinto saka sinara at kinandado ko na. Gusto ko munang magpahinga at matulog pagod na pagod na ako. Patulog na ako ng biglang tumunog ang phone ko unknown number kaya sinagot ko na lang baka sina mama at papa lang to.
"Hello?"tanong ko sa kanya
"Ikaw ba si Ms.Williams?"
"Ah ako nga po sino po sila?"
"Ako si Greg Wangja!. Ang prinsepeng hinahanap mo. Sabi ni Tristan gusto mo raw makipagdate saken payag naman ako saan ba kita papasundo? Sa dorm mo ba?"sabi niya
Humaygad ang lintek na prinsepeng panira sa lovelife ko kay Kirk. Marunong siyang magtagalog? what the heck?. Pesteng Tristan yun binigay number ko sa prinsepeng to. Ano ba? papayag ba ako o hindi? Baka naman masama ugali nito baka rape-in ako haha ako na OA pero sa tono ng boses ni Tristan kanina parang topnotcher sa kalaswaan ang prinsepeng yun ah.
"Ah sorry pero busy ako eh."
"Ganun ba eh free ka ba by tomorrow?"
"Nope busy pa rin ako eh. Busy ako today, tomorrow and forever!"
"Forever? grave naman parang ayaw mo talaga saken makipagdate?"
Malamang! Sino ka ba? Eh di naman kita kakilala nor kaclose. Saka isa pa ang kapal din pala talaga ng mukha ng prinsepeng to. Ako? makipagdate sa kanya? Ano siya hilo?
BINABASA MO ANG
The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)
Random[Highest Rank: Rank 2 in Pastlife Category] All about an exchange student from Philippines to Korea. She will study in a prestigious university where she will meet a guy who have a great part of her past. Princess of the past dynasty and a prince of...