Tristan Gregory's POV
Kanina habang nagkaklase kami biglang umulan ng napakalakas. Kamusta naman kaya si Sophia? Gusto ko sana siyang ipagtanggol pero wala akong nagawa. Igagalang lang nila ako dito pero hindi ako pwedeng gumawa ng iskandalo, kagaguhan o kung ano pa man dahil panigurado makakarating agad sa mga magulang ko.Bigla na lamang tumayo itong lalaking suplado at ni hindi man lamang namaalam na lalabas siya kaya naman yung instructor namen eh umuusok ang ilong sa galit. Hmpf napahiya ata he deserved that namahiya rin siya eh. At dahil nagustuhan ko nga ang reaksyon nung instructor namen ginaya ko yung lalake at sinundan ko na lang siya kung saan siya pupunta.
Nagulat na lang ako ng makita kong nauulanan si Sophia pero pinayungan na siya nung lalake, magkakakilala ba sila? Dahil nakita ko na ang dahilan nung lalake bumalik na lang ako sa room. Buti pa siya may kakayanang mangwalang-galang ng nasa paligid niya samantalang ako pati ata ipis kelangan akong umiwas makagawa sa kanya ng masama na di magugustuhan ng mga nakapaligid samen.
Pagkatapos ng first subject namin 8:30am nagcut na ako tinatamad na akong makinig sa lesson eh programming na naman alam ko na naman ang mga yun eh saka isa pa simula nung umalis yung lalake di na siya bumalik nasan na kaya yun? Pumunta na lang ako sa tambayan ko pero laking gulat ko nang......
Aba!!! Aba!!! pwesto ko yan ah mang-aagaw tong sira ulong to. Nang silipin ko ang lalaking nakatalikod saken nakilala kung sino ang lalake.
"Bro anong ginagawa mo rito?"tanong ko sa kanya
Tiningnan niya lang ako tapos tumingin na uli sa kawalan. Lakas tama to ah! pipi?
"By the way Tristan Gregory K. Collin!"inilahad ko ang aking kamay para makipag-kamay sa kanya pero ni hindi man lang lumingon. Sapakin ko kaya to namumuro na saken eh!
"Kirk"mahina niyang sabi habang nakatingin pa rin sa kalayuan
"Mmm Kirk magkakilala ba kayo ni Sophia?"
Pagkatanong ko sa kanya noon tiningnan niya ako poker face kaya di ko maintindihan kung galit ba siyang tinawag ko si Sophia sa firstname niya basta ang tagal niyang nakatitig saken na akala mo may masama akong nasabi bago iniwas na lang ulit niya saken ang mga mata niya.
"Highschool classmate, batchmate, and seatmate ko siya mula noon hanggang ngayon."
"So magkaibigan nga kayo?"
"Nope!"
"Ano?"
"Aalis na ako"sabay talikod niya saken at dire-diretso palayo.
Aba aba uso bang sagutin yung tanong ko! Kainis yung gagong yun ah sarap lamasin ang mukha. Tristan magpigil ka! Phew! Si Sophia.....tama mabuti pa siguro kung puntahan ko si Sophia.
"Hi there rain princess!"
"Tristan?"
"Yap!"nilapitan ko siya na ngayon ay nakaupo na sa ibabaw ng kama"Kamusta ka?"
"Baket mo tinatanong? Saka ano na naman ang ginagawa mo dito hah?"
"Wala gusto ko lang makita kung ok ka!"sabi ko sa kanya sabay upo sa gilid ng kama niya at nginitian ko lang siya sabay wink
"Ok ako ok? Ikaw ang mukhang di ok eh!"
"Baket naman?"
"Dahil sakit mo na ata ang pagpasok ng kwarto ng babae ng di man lang kumakatok..."
"Ganun ba?"Eto naman ang arte tumayo na lang ulit ako at lumabas
"Teka hui!"
Nang makalabas na ako isinara ko ulit ang pinto saka kumatok
BINABASA MO ANG
The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)
Random[Highest Rank: Rank 2 in Pastlife Category] All about an exchange student from Philippines to Korea. She will study in a prestigious university where she will meet a guy who have a great part of her past. Princess of the past dynasty and a prince of...