Do's
13. Home at 7pm.
Laking tao na nun ah, may curfew pa rin? Haist eh teka anong oras na nga ba? Napatingin ako sa wall clock ako and oh my gosh 5 na pala, hapon na kami nakapananghalian. Siguro dapat ko nang pauwiin ang taong yun. Pagbaba ko sa kama bigla na lang nahulog ang cellphone ko sa ilalim ng kama, nakapagtataka nga eh. No choice ako kundi ang kapain sa ilalim ng kama ko ang cp ko hanggang sa.......
SUSI???Cellphone ang kinakapa ko pero ito ang nakuha ko. Para saan naman kaya ito tiningnan ko ang ilalim ng kama ko kung may mga gamit ba sa ilalim pero iba ang nakita ko.
Paa. Duguang paa na tila ba nakaharap sa direksyon ko natigilan ako sa pwesto ko at pinagmasdan ang paa. Mga limang segundo ata itong nakatigil lang at nagulat ako ng magsimula nitong ihakbang ang paa niya. Nakakatakot pramis habang unti-unti niyang inihahakbang ang paa niya ang hininga ko parang kinukuha na niya. Sinundan ko lang ng tingin kung saan papunta ang mga paa at nakita ko namang tumagos ito palabas ng kwarto ko.
Nang malaman kong nakalabas na siya napatayo na ako. Ano kayang pangitain ito? Kanino ba ang susi na ito at saka saan ba ito magagamit? Naalala ko ang phone ko at nakapagtataka kasi nahulog yun di ba pero ngayon nasa ibabaw na siya ng kama ko. So di ibig sabihin hindi talaga yung phone ko ang nahulog. Baka ginawa lang instrumento ang phone ko para makuha ko ang susi na to.
Gaano ba kahalaga ang susi na to?
"Ano bang nangyayare sayo?" bungad saken ni Tristan na nakakunot pa ang noo.
Papunta na ako sa kinaroroonan niya pero naunahan pa niya ako.
"Nangyayare saken? Baket ano bang sinasabi mo?"
"Ikaw. Umiiyak ka kanina eh. Umiyak ka ba?"
"Hindi baket naman ako iiyak?" sira ulo ba siya ano naman ang dahilan ko para umiyak?
"Eh baket nung tumawag ka saken may pahikbi-hikbi ka pang nalalaman. Niloloko mo ba ako hah?"
"Excuse me. Hindi po kita tinatawagan. At saka mukha ba akong umi....... yak."
Shet ano to? Di ba nga hindi ko na hawak ung phone ko kanina saka never ko pang tinawagan tong taong noh. So sino?
"Ano? eh di sino pala yung tumawag saken kanina? Multo?" nagtataka niyang tanong
Yu Yoon.
"Ha. Ah sorry masama kasi pakiramdam ko ako pala yung tumawag sayo. Binibiro lang kita."
"Ano? Ikaw masama na pala pakiramdam mo nakukuha mo pang magbiro. Mabuti pa magpahinga ka na muna." sabi niya saken na inalalayan pa akong maglakad pabalik sa kama
"Anong oras na ba? Baka 7 na ha!"
"Ano ka ba 5 pa lang. Diyan ka muna at may kukunin lang ako sa baba."
"Sige."
Pagkalabas ni Tristan bumalik ang kilabot na nadarama ko. Parang may kung anong malamig na enerhiya sa loob ng kwarto ko. Saglit lamang ay nakaupo na sa kanang gilid ng kama ko si Yu Yoon? Nakatalikod siya sa akin at nakatungo na hanggang ngayon eh umiiyak pa rin.
"Yu Yoon naman eh. Baket ka ba iyak ng iyak? Maliligtas ka na ni Jae Hyun sa pangalawang buhay niyo diba? Ano na naman ba ang minumukmuok mo jan? Hindi ka ba talaga makapagsasalita ng filipino hah? Ano ba yan? Nagsakripisyo na nga si Kirk para sa inyo tapos hanggang ngayon umiiyak ka pa? May kulang pa ba sa ginagawa namin?"sabi ko sa kanya nang napapaluha na.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess : Crown of Destiny (TLP:COD)
Random[Highest Rank: Rank 2 in Pastlife Category] All about an exchange student from Philippines to Korea. She will study in a prestigious university where she will meet a guy who have a great part of her past. Princess of the past dynasty and a prince of...