2 • Call

934 43 37
                                    

Abrianna's POV

After naming mag-jogging ng mga kaibigan ko, pabalik na kami sa bahay ko. Wala pa din si Mama kaya siguro nga hapon na ito uuwi.

Habang naglalakad kami pabalik sa bahay, may isang lalaking parang pamilyar sa aming apat...

"Sir Chris!" sigaw ni Mikee.

Lumingon ang lalaki at tama nga si Mikee! Siya nga si Sir Chris, ang teacher namin sa TLE. Iisa lang pala ang village namin? Wow.

"Good morning Sir!" pagbati namin sa kaniya.

"Taga-dito din po pala kayo Sir?" tanong sa kaniya.

Mabait siyang teacher, strict lang talaga kapag nasa room na. Pero sa personal, close siya sa lahat ng estudyante niya.

"Ah oo, kakalipat lang namin last week. Hindi ko alam na taga-dito ka din pala Anna." nakangiti niyang sagot sa akin.

"Galing din po ba kayo sa park, Sir?" tanong naman ni Kessel.

"Ay hindi, sa school ako galing. May mga gamit lang na kinuha." ipinakita niya ang mga dala niya na mga folders at kung ano ano pa.

"Ang aga po, Sir ah! Gusto niyo tulungan na po namin kayo?" pag-aalok ni Dhaylene. Umiling ito.

"Kaya ko na. May tutulong naman sa akin. Hinihintay ko lang siya rito." pagtanggi.

Sino naman? Baka hinihintay niya yung anak niya.... Ay, wala namang anak si Sir eh.

"Tito, akin na po."

Sabay sabay kaming napatingin sa lalaking dumating at nagsalita.

Teka...

Yung sumbrero na puti...

Siya yung...

"Oh mga hija, mauna na ako ah? Have a great weekend!" nakangiti itong kumaway sa amin at tumalikod na sa amin, pati ang kasama nitong lalaki.

T-Tito? Ghad.

"Wait!"

Ay shocks! Bakit ako sumigaw? Anong nangyayari sa'yo Anna?

Lumingon sila parehas sa amin.

Yung mukha ng lalaking nakita ko kahapon... Para siyang anghel... Ang amo ng mukha niya at kahit hindi ito nakangiti ay para bang siya na ang pinakamabait na lalaking nakita ko...

No...erase...erase...

"Bakit Abrianna?" nagtatakang tanong ni Sir Chris sa akin.

Ay naku. Kailangan kong makaisip ng pwedeng itanong kay Sir para hindi ako mapahiya...

"Ah... Eh ano po... Ano pong gagawin natin sa Monday?"

This is called Mema... Mema-tanong.

"May quiz kayo diba? About PECs, pag-aralan niyong mabuti yun." sagot ni Sir.

Ay buti naman at naisipan kong maitanong yun kundi, hindi ko pa maaalala na may quiz pala kami.

Napatingin na naman ako kay mysterious guy, nakatingin ito sa akin.

"Ah sige po sir, t-thank you po!" nauutal kong sabi kay Sir.

Ngumiti lang ito at tumalikod na silang dalawa sa amin...

"Uy bes, ang gwapo nung pamangkin ni Sir!" biglang banggit ni Dhaylene.

"Harot mo." naiiritang sabi ni Mikee.

"Wow Mikee ah. Kaya pala nung dumating yung lalaki, kinurot mo ako!" sabi naman ni Kessel.

"Tumigil na nga kayo. Ni hindi niyo nga kilala yung lalaki eh. Tara na nga!" naiinis kong sambit sabay talikod sa kanila.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon