23 • Brainwash

533 35 13
                                    

Mikee's POV

"Wait, may kukunin lang ako sa bag ko. Nakalimutan ko yung notebook ko eh." pagpapaalam ko kila Abrianna.

"Sige lang." tugon ni Kessel.

"Bilisan mo." sambit naman ni Dhaylene.

Si Abrianna naman ay busy sa pagsusulat. Nagmamadali din kasi ito dahil mamaya may practice na naman sila. Madami siyang hinahabol na activities at lessons sa Science ngayon.

Nagmadali na ako sa paglabas ng library para kuhanin ang naiwan kong notebook.

Bigla bumagal ang paglalakad ko nang mapansin kong sila Darren at Macey pala itong nasa harapan ko na naglalakad din.

"Super close na kayo ah..." masayang sabi ni Macey kay Darren.

"Sabi mo kasi makipagfriends ako edi wala akong choice kundi makipagfriends sa kaniya." sagot naman ni Darren

Si Abrianna ba 'tong pinag-uusapan nila?

"Masaya namang maging kaibigan si Abrianna diba?" tanong ni Macey.

Tumpak ganern! Si Abrianna nga!

"Hmmm... Pwede na. Pero mas masaya kang kasama." natatawang sagot ni Darren dito at ginulo niya ang buhok ni Macey.

"Kung wala namang contest na magaganap, hindi ako makikipagkaibigan dun eh." dagdag pa ni Darren.

Ouch.

Tumigil silang dalawa sa paglalakad na dahilan upang mapatigil din ako. Agad naman akong tumalikod sa kanila dahil baka mahalata nilang sinusundan ko sila.

Nang tumalikod ako, nakita ko si Dave.

Lumingon muli ako kila Macey at nawala na ang dalawang ito.

"Oh?" tanong ko kay Dave na nakatingin sa akin ngayon.

"Siga?" tugon niya.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko sa kaniya.

"Yup." sagot niya.

"Sinusundan mo ba ako?" tanong ko dito.

"Hindi ikaw, sila Macey at Darren." natatawa nitomg sagot.

"Bakit mo sila sinusundan?"

"Eh bakit ikaw, sinusundan mo din naman sila diba?" balik niyang tanong sa akin.

"Hoy. Hindi ko sila sinusundan. Nagkataon lang na parehas kami ng way." sagot ko at tumalikod na sa kaniya at nagsimulang maglakad.

Naramdaman ko namang sumunod ito sa akin.

"Narinig mo usapan nila?" tanong niya.

"Hindi." tipid kong sagot.

"Sus. Imposible." tugon niya.

"Ano naman kung narinig ko?" inis kong tanong dito.

"Kapag nalaman ni Anna 'yan, sure akong masasaktan yun." ani Dave.

Nagtataka akong napatingin kay Dave dahil sa kaniyang sinabi.

"Bakit naman masasaktan?" tanong ko kay Dave.

"Mukhang napilitan lang na makipagkaibigan 'tong si Darren kay Anna. At si Anna naman enjoy na enjoy sa friendship nila ni Darren na pilit lang pala." sabi ni Dave at diinan pa ang salitang 'pilit'.

Sinamaan ko ito nang tingin at kinutuban ako na parang may masama itong balak.

"Alam mo, 3 days na lang, contest na nila Anna. Kung may balak ka mang sabihin kay Anna yung mga narinig mo kanina, huwag mo nang ituloy. Kasi hindi ka lang makakatulong." pagpapaalala ko dito.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon