Abrianna's POV
One week na ang lumipas simula noong nagsimulang pumasok si Darren. Magmula nung magkaayos sila ni Macey, tuluyan na talaga akong lumayo... Hindi lang kay Darren, pati na rin kay Macey.
Kung magkakasalubong man, hanggang hi hello na lang o kaya naman, snob na talaga.
Hindi naman naging mahirap yun dahil sa sa tuwing magkasama ang dalawa, parang walang ibang tao sa paligid nila kundi sila lang.
Hindi ko na kailangan pang mag-effort na lumayo kasi sadyang malayo na talaga siya sa akin... Sila pala.
Naglalakad kami papuntang locker nang biglang may isa akong lalaki na nabangga. Tumatakbo kasi ito kaya hindi ko na nagawang umilag dahil sa pagmamadali nito.
"Sorry." sabay naming sabi.
Nagkatinginan kami nang ilang segundo at nabalik sa realidad nang biglang magsalita ito.
"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin nag-iingat." sabi nito.
Huwaw ha?
"Sorry nga diba." sagot ko dito sabay alis sa harap niya.
Nagtungo na kami sa locker at pagbukas ko ng locker ko, biglang may nahulog na papel mula sa loob at agad ko itong pinulat.
"Ay, ginalingan din naman." pang-aasar ni Mikee.
"Kanino galing?" tanong naman ni Kessel.
Nagkibit balikat lang ako at binuksan ang nakatuping papel at nagulat ako sa nakita ko.
Sketch ito ng aking mukha. Ang ganda! Kuhang kuha!
"Wow!!!" manghang komento ni Dhaylene nang makita ang sketch.
"Kanino 'to galing?" tanong ko.
"Kami pa tinanong mo eh kanino ba binigay 'yan?" tugon ni Mikee.
Tinignan ko ang buong papel, harap at likod pero walang pangalan na nakalagay kung sino ang nagbigay at gumawa nito. Pero sa likod nito ay may note na nakalagay...
Hi Abrianna!
Kumusta ka na? Hindi man ako magaling magdrawing pero binigay ko ang best ko diyan. Sana nagustuhan mo kahit papaano. Haha.
- D.D???
Isang tao lang ang agad na pumasok sa isipan pero... Hindi maaaring siya yun.
× × ×
Macey's POV
Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko si Darren.
"Huy!" tawag ko sa kaniya at napalingon ito.
"Oh, Macey!" tugon naman nito.
"Anong ginagawa mo? Bakit ka nagmamadali?" tanong ko dito nang mapansing hingal na hingal ito sa pagtakbo.
"Huh? M-May hinahabol lang. Sige, una na ako ah." sabi niya sabay takbo ulit.
Ang weird. Anong meron sa lalaking yun ngayon?
× × ×
Darren's POV
Nakarating ako sa library dahil sa paghahabol sa lalaking 'yon. Sigurado akong dito 'yon pumasok.
Pumasok ako sa library at nagpalinga-linga at ayun nga, nandito siya. Kasama ang iba pa niyang kaibigan.
Kinabisado ko ang mukha nito.