40 • Party

492 22 7
                                        

Abrianna's POV

1:00pm.

Dalawang oras na lang. Handa na ba akong harapin ulit siya?

"Anak, may bisita ka." sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko habang kumakatok.

Kinabahan ako bigla. Pakiramdam ko ay si Darren na ito. Peronakakapagtaka naman iyon dahil sinabi ko sa kaniya na huwag na niya akong sunduin pa tsaka masyado pang maaga.

Kaya mo 'yan, Abrianna. Power!

"Okay po, Ma. Wait lang po." sagot ko. Narinig ko na ang yabag ng kaniyang mga paa papalayo sa pintuan ng aking kwarto.

Inayos ko ang aking sarili at tumingin sa salamin kung kanais nais ba ang itsura ko. Nang ma-satisfy ako sa aking itsura, lumabas na ako ng aking kwarto. Bumaba sa hagdan at excited na nagtungo sa sala.

"Hi Anna!" bati niya.

Biglang nawala ang excitement sa puso ko at ang napalitan ng pagkadismaya.

"D-Dave? Bakit ka nandito?" gulat kong sambit.

"Hindi ba pwede?" natatawa niyang tanong.

"H-Hindi naman sa hindi pwede pero... Uhm... Nagulat lang ako." sagot ko.

"Busy ka ba today? May pupuntahan ka ba or may gagawin ka?" tanong niya.

"Ah...m-may pupuntahan ako." tugon ko. Naku, hindi ako pwedeng hindi makapunta sa secret park mamaya.

"Ay, saan? Aayain sana kita. May birthday party kasi yung pinsan ko. Si Yvan. Gusto ka rin daw niya kasing makita ulit kaya ako pumunta dito para sunduin sana kita kaso may lakad ka pala." malungkot niyang sabi.

"Si Yvan!? Nandito na rin ulit siya sa Manila?" gulat kong tanong dito. Isa din si Yvan sa mga bestfriend ko dati noong Grade 7 ako hanggang Grade 8, kaso parehas silang lumipat ng school ni Dave sa Nueva Ecija. Mas naging ka-close ko pa nga siya kaysa may Dave noon eh dahil siya pa ang ginagawang tulay ni Dave para ligawan ako dati dahil torpe pa si Dave noon.

"Yes. Dito na rin siya nag-aaral sa Manila pero ibang school. Baka kasi kapag iisa na naman daw kami ng school, gawin ko na naman daw siyang taga-bigay ng letters at gifts ko sa'yo." natatawa niyang sagot.

"Bakit? Hanggang ngayon ba, torpe ka pa rin?" pang-aasar ko sa kaniya.

"Oy, hindi na ah. Kaya nga hinayaan ko na siyang mag-aral sa ibang school eh. Tsaka nakapag-ipon na ako ng lakas ng loob ngayon kaya handa na ako, ewan ko lang kung handa ka na ba." seryoso niyang sabi at tila parang may pinapahiwatig.

Sorry, may mahal na akong iba eh. Ikaw kasi, iniwan mo ako. Nakahanap tuloy ako ng iba na mas better sa'yo.

Kung pwede ko lang sabihin yun sa harapan niya, sasabihin ko talaga. Ayoko kasing bigyan niya ng malisya ang pinagsamahan namin lalo na't alam niyang nagkafeelings ako sa kaniya dati nung nililigawan niya pa ako. Sinabi ko sa kaniya noon na sasagutin ko lang siya kapag handa na akong pumasok sa isang relasyon. Masyado pa kasi kaming bata nung mga panahon na yun kaya alam kong hindi pa pwede. Naisip ko tuloy na baka umaasa pa rin siya na pwede na ngayon pero marami nang nagbago, may isang taong biglang dumating sa buhay ko na nagbigay ng malaking pagbabago sa buhay ko.

"Ahh... Yung...birthday party ni Yvan, saan gaganapin?" tanong ko para maiva ang topic namin.

"Sa bahay nila. May bago silang bahay ngayon at sa kabilang village lang kaya ikaw yung naisipan ko talaga na imbitahin kasi malapit ka lang tsaka alam kong close talaga kayo ni Yvan. Eh birthday naman niya...so pwede mo ba siyang pagbigyan?" tanong niya na parang nagpapaawa effect pa.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon