45 • New Year

434 21 13
                                        

Abrianna's POV

"Sakto na po, Ma." sabi ko dito nang mabilang ang prutas na nasa lamesa ngayon. Nakasanayan na kasi naming maglagay ng twelve na prutas tuwing bisperas na ng bagong taon at kakainin namin sa mismong new year.

Kasama namin sina Ate Cheeng at ang iba pa naming kamag-anak. Nang matapos si Mama na magluto para sa media noche ay inayos na namin ang gamit namin at sumakay sa van namin. Kasama namin si Ate Cheeng at iba ko pang pinsan at relatives. Ang iba ko namang kamag-anak ay naiwan lang sa bahay, hihintayin na lang daw nila kami pag-uwi. Papunta kami ngayon sa Luneta Park para manood ng fireworks display.

Nang makasakay na ang lahat sa van, tahimik lang ang lahat. May ibang nag-uusap dahil matagal na hindi nagkita-kita samantalang ako nama'y nanatiling tahimik lang habang nakatingin sa bintana ng sasakyan.

Sandaling huminto ang paghinga ko nang madaanan namin ang bahay nila Darren. Naramdaman ko ang labis na pangungulila. Ang daming memories na patuloy na nagfa-flashback sa utak ko tuwing madadaanan ko ang bahay nila.

Daren, nasaan ka na ba? Miss na miss na kita. Sana okay ka lang diyan. Sana masaya ka.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na kami sa Luneta Park. Madami nang tao at maingay na rin dahil may mga nagpapaputok na kahit hindi pa bagong taon. Malakas din ang tugtog dito at nakadagdag ang ingay ng mga taong nag-uusap. Naghanap kami ng mapupuwestuhan para mailagay ang gamit namin at isang tent. Naglagay din kami ng picnic mat at doon inilagay ang ilang pagkain na dinala namin. Hindi masyadong marami dahil kakain pa kami mamaya ng media noche sa bahay.

11:30PM.

May 30 minutes pa bago magbagong taon. Sobrang ingay na dito sa park at dumadagsa na rin ang mga tao. Wala kaming ibang ginawa rito kundi ang magkwentuhan, kumain at magpicture picture. Masaya naman ako lalo na't pamilya ko aang kasama ko ngayon pero feeling ko, mas masaya kung kasama ko siya ngayon.

Nabasa ko kanina sa bucketlist niya na gusto niya ring makanood ng fireworks display. Kasi nakasulat doon sa diary niya na pinagbabawalan siya palaging lumabas ng mommy at daddy niya sa bahay nila tuwing new year. Masama raw sa kaniya ang makalanghap ng usok lalo na't maraming nagpapaputok tuwing bagong taon. Nasanay siyang sa bintana na lamang ng kaniyabg kwarto siya nakakapanood ng mga fireworks at iba pang paputok.

Hindi ko maiwasang maawa at malungkot dahil hindi niya nagawang mamuhay ng normal tulad ng ibang tao. Kaya nararapat lang na magpagaling na siya nang tuluyan para mabuhay na siya nang normal, para hindi na siya mahirapan pa.

Hindi ko namalayang nagbibilang na pala sila dahil malapit nang sumapit ang bagong taon.

5...4...3...2...

"HAPPY NEW YEAR!!!" sabay sabay na sigaw ng mga tao, kasama na ang mga mga kamag-anak ko.

Nag-ingay na ang buong lugar at nagsimula na ang fireworks display. Masaya kaming nagbatian ng happy new year at pinanood ang mga makukulay na fireworks.

I wish you were here...

Mga ilang minuto na rin ang lumipas at nanatili lang ako sa pwesto ko, nakatayo at nanonood pa rin sa mga fireworks. Bumalik na ang mga kasama ko sa pwesto namin kanina pero nagpaiwan muna ako saglit. Kumuha ng ilang litrato dito dahil hindi ko 'to dapat palagpasin. Ipapakita ko 'to kay Darren pagbalik niya at susunod, magkasama na kaming manonood ng fireworks display.

Nakangiti lang akong nakatingin sa itaas habang nanood ng fireworks display nang biglang may naramdaman akong mainit na kamay ang humawak sa kamay ko. Nagtataka akong napatingin sa aking kamay at hindi nga guni guni, may nakahawak nga.

Dahan dahan akong tumingin sa aking kaliwa...

"D-Darren..." mahina kong sambit nang makita kung sino ang lalaking katabi ko ngayon.

Kumurap kurap ako dahil baka nananaginip lang ako.

"Ikaw ba 'yan?" hindi makapaniwalang sabi ko habang nakatingin sa kaniya.

Ngumiti lang siya at saka nagsalita.

"Happy new year." nakangiti niyang bati at niyakap ako.

Nayayakap ko siya! Hindi ako naghahallucinate! Siya 'to! Si Darren 'tong kayakap ko ngayon!

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at sabay ngumiti nang matapos ang yakap. Hindi ako nananaginip, si Darren nga itong kaharap ko. Hindi ko mapigilan ang mapaluha.

"I miss y----"

"Anak! Halika na dito! Uuwi na tayo." rinig kong sigaw ni Mama sa 'di kalayuan kaya napalingon ako sa pwesto nila.

"Wait lang po, Mama." sagot ko dito.

"Dar–––" hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang lumingon ako sa aking likod.

Nandito lang siya kanina. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yun. Si Darren yun.

"Darren?" tawag ko sa kaniya habang iniikot ang paningin sa paligid.

"Huwag mo naman akong pagtaguan." inis kong sabi at patuloy siyang hinahanap ng aking mata.

Nagulat ako nang biglang may humawak sa kamay ko.

"Darre–––Mama!"

"Sinong kausap mo diyan, Anna? Kanina pa kita tinatawag. Uuwi na tayo, hinihintay na tayo ng mga tita at tito mo." sabi niya.

"S-Sorry po." tugon ko.

"Tara na." pag-aaya niya kaya sumunod na lang ako.

Hindi ko maiwasang lumingon at magbakasakaling naroon si Darren. Imagination ko lang ba talaga yun? Hindi, hindi ako nag-iimagine. Siya yun eh. Sigurado ako. Nayakap ko siya. Nahawakan ko ang mukha niya. Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ako nananaginip! Gising na gising ako!

Pero bakit nawala siya agad?

Argh, Darren! Mababaliw na ata ako dahil sa'yo. Bumalik ka na kasi!

Naalala ko tuloy ang sinabi niya sa akin noon... 'Basta kung ano man ang mangyari, tandaan mo lang na nandito lang ako palagi sa tabi mo. Hindi mo man nakikita pero palaging nandito ang presensya ko.'

Baka nga nababaliw na ako. Sobra ko lang talaga siyang na-miss. Imagination ko lang nga siguro 'yon.

Happy new year, Darren. Maghihintay pa rin ako.

• • •

Hi guys! Sorry ang ikli ng update ngayon. Bawi ako sa mga nalalabing chapters. 😆 Thanks!

TW/IG: @tsinigowden
YouTube: Tsini Gowden

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon